Chapter 10 : Ours

137 4 2
                                    

Sulat:

May additional sa chapter 9 ha! Mahaba yun. Minsan masaya rin magbackread, baka may napagtripan akong i-edit. Haha. Sayang naman ang kilig. :)

Thanks much! 2nd to the last update. Here we go! :)

Hei Mao

-------------

"Seems like there's always someone who disapproves... They'll judge it like they know about me and you and the verdict comes from those with nothing else to do. The jury's out, but my choice is you."

Finally. Ilang buwan na rin kami ni Lui and it was just now that Mom and Dad with Achi, Dichi and Shoti found time in their busy lives to meet her. And since gusto daw nila makabawi kay Lui ko, they invited her to an overnight bonding sa bahay. Pakana ni Achi lahat... who would imagine that Achi Alysh will plan this e parang MIA kaya sya the whole time that I was courting Lui, nung sinagot ako and even the time na nagpunta si Madel sa bahay.

"Kelangan talaga ipamuka sakin, Ahia?" Achi Alysh giving me a sarcastic look nung niloloko ko sya kasi nga ngayon lang sya nagkaoras.

"Mahiya ka nga sakin, favor mo pa to. Pwede namang kami nalang ni Lui mag-out of town, all girls tapos dun nalang magbonding." Ah, utang na loob ko pa talaga.

"Overnight to Jeric, pero house rules ha." Reminder ni Mommy. Hindi ko alam kung seryosong ipinapaalala nya na dapat walang misteryo sa bahay na mangyari tonight pero natawa pa rin ako e. Ipapaalam ko pa ba naman? But, yeah. Seryoso ko namang inintindi yung reminder ni Mommy.

"O ikaw, Shoti? Kelan ka may ipapakilala?" Paborito namang gawin ni Dichi at ni Shoti yang mag-asaran. Pareho pa kasi silang wala pang pinapakilala.

"Hindi ako napepressure Dichi. Kay Ahia ko rin naman natutunan na maghintay. For now, basketball - school muna ako." Pinapabilib mo ko Jeron ha. Good. Pero di mo ko maloloko. Yung basketball alam kong may focus ka dun. Pero school? Try to weigh facebook, twitter and instagram time versus school, saka mo ulitin yang sinasabi mong school.

***************************

Sunset. I found myself with Jeric on a beautiful beach standing beside each other. He held my hand and then unti unti nyang binibitawan hanggang yung pinky fingers nalang namin yung magkahawak.

"O ano yan?" I asked kasi naguguluhan ako sa inaasal nito ni Tengminator. Hello, anak ni Robocop tapos ganyan umasta... wag syang hihirit ng mala-Koreanovela di ko mapipigilan ang tawa ko talaga.

"Hindi ko alam kung totoo to e, pero let's try. And if in case, hoax tong pinky swear, then let's prove them wrong..." I'm throwing him questionable looks. Puzzled ako sa bagong trip ni boyfriend. Don't tell me he changed his series from The walking dead, TVD to what? Cool Guys, Hot Ramen o Bride of the Century? San nya nakukuha tong mga ganito.

"I promise not to leave you forever. To stay beside you everyday. To fight for what I feel until the end." Ay, wag namang ganyan Jeric. Alam mong mababaw ang luha ko sa mga ganyan.

"Nakalimutan ko pa pala, I will always make sure you eat breakfast. Di ko pa kasi naaachieve yan e. Almost six months na tayo."

Six months na? Ang bilis naman talaga ng panahon kapag masaya ka kasama ang taong mahal mo at mahal ka.

Niyakap ko nalang si Jeric. Di ko na kasi alam sasabihin ko e. Sobrang lagi syang ganyan eversince. Lagi nya kong sasabihan ng mga bagay na ginagawa naman talaga nya - pinaghihirapan nya at nag-aadjust sya para lang siguradong wala syang binitawang salita na di nya nagawa.

Iiyak na naman ako nito. Tapos nakarinig ako ng doorbell. Yung tipong nagmamadali.

"And it's not theirs to speculate if it's wrong and your hands are tough but they are where mine belong in. I'll fight their doubt and give you faith with this song for you." Yung totoo, maliban sa doorbell with sense of urgency, nagfade in bigla si Taylor Swift kumakanta ng Ours. Nagmuka tuloy pelikula yung dating.

The Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon