Chapter 8 : The way I Loved You

136 4 0
                                    

"So Ahia, when will we meet Lui?" Mom asked while we were having breakfast.

"Pakisakto lang na weekend kasi medyo busy ako sa work." Achi added.

Here goes my crazily supportive family. I told them about what happened when Lui and I had a serious talk about our relationship.

"So you mean, kayo na hindi kayo?" Jeron asked.

Nakatambay na kami sa balcony after breakfast. I'm glad nandito si Shoti sa bahay and his schedule isnt really tight due to UAAP kaya may makakausap ako tungkol dito.

"Not really. Kami na hindi pa official kasi nga, hindi ko pa sya napapakilala sa inyo."

"Pinaformal mo lang. Pero ano na yan Ahia, handa ka na bang masaktan at ipaglaban ang true love?" Being mapang-asar, paborito ni Jeron yang mga banat na ganyan.

"I guess so. They say if you love someone, you'll wait for them no matter what. Kagaya nung ginawa nya para dun sa minahal nya na guy. Siguro, what would set me apart from that guy, yung willingness ko na mag-antay sa kanya kagaya ng ginawa nya."

"Ang dating pala nyan Ahia, gagawin mo yung ginawa nya... para mong ginisa sa sariling mantika si Lui."

Ang point ko lang naman dun kasi is for her to feel na hindi nya kelangan magtiis na magantay kung meron naman sasalo at magaantay din sa kanya.

"You're getting deep, Kuya." Napailing nalang si Jeron sa sitwasyon namin ni Lui.

"Pero feeling ko naman you're on the right track. At least this time, you know how to wait hindi yung para kang palaging nagpa-fast break. Gawin ko nga din yan. Baka makahanap na ko ng tamang babae."

"Tamang babae ka dyan... May nakita ka na ba dati at nagkamali ka lang kaya naghahanap ka na rin ng tama?"

******************

"Aysus. Etong si Lui yung buhok abot EDSA-Magallanes." Chams said nung naikwento ni Zenne yung nangyari sa usapan namin ni Jeric.

"So kayo na?" Confirmation pa talaga Zenne?

"Papunta pa lang dun. Pero sasagutin ko naman nga. Hindi pa nga lang ngayon."

Ang dami kong arte no? Nakampante lang ako na mag-aantay yung tao, nilubos lubos ko naman? Ano pa pinagkaiba ko kay Tatsi nito?

"Hay nako Lui. Gaano katagal pa?" Inirapan pa ko ni Zenne.

"Hindi naman sa sinasabi namin ni Chams na oo agad nung moment na nag-usap kayo, pero ano ba talagang stand?"

"Pwedeng, sa daming hirap ni Jeric sakin at sa pagdadrama ko e pabawiin nyo muna ako? Saka ako magye-yes."

Napatili yung dalawa sa sinabi ko. Naguluhan rin ako may nakakakilig ba sa sinabi ko? Hindi ko pa nga rin alam kung anong gagawin ko para bumawi sa lahat ng oras na sinayang nung tao sakin. I just feel super special. Mabuti pang magtrabaho muna kesa puro si Jeric ang iniisip ko ha. Nakakabaliw daw yung sobrang kaligayahan. Kaya kalma.

"Hello, Le Chat Noir." Sinagot ni Chams yung phone namin sa shop.

"Excuse me, hinahanap si future Mrs. Teng." Sabay abot sakin ng cordless phone may pahabol pang kurot sa kanang braso.

"Medyo masakit yung kurot ha. Personalan na to!" Tapos kinuha ko na yung phone.

"Hello?"

"May meeting ka ba mamaya? Delivery? Lakad?"

"Ah, bago ko pa maisip kung meron sa dami ng tinanong mo medyo naguluhan ako." Nakikita kong pinipigil nila Zenne yung tawa habang may mga inaasikaso sila.

The Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon