Chapter 6: Jump then Fall

147 4 4
                                    

Sulat ko para sayo, sayo at sa inyong lahat:

Hindi ko na kinakaya to. Natutuwa ako na may mga kinikilig ng wagas sa kalokohan ko. Thank you so much supportive friends. :)

Si "Joan" kung naaalala nyo, nagrerequest na. Makikipaghiwalay na raw sya kay Kean kasi mag-aapply ata na girlfriend ni Jeron. Sige. Abangan mo yung susunod kong fanfic. HAHA.

Pero eto na nga, kung walang babaguhin, 5-6 chapters nalang to. Nakakastress. :)

O, eto nang chapter 6! Enjoyyyyy.

<3,

Hei Mao.

------------------------

"I like the way I can't keep my focus.. I watch you talk, you didn't notice... I hear the words, but all I can think is, We should be together."

Ang pagiging TSwift fan ko mukang magiging permanent na. Right at this very moment - katabi ko si Jeric sa kotse nya on the way to the Commerce Alumni get together party, pagkatapos akong ilaglag ng wagas ng mga barkada ko... ang timing ng Jump then Fall na tumutugtog sa utak ko ay napakaperfect.

Papano ko itatago ang kilig sa sitwasyong ito, self? Paano? Sabihin mo sakin, please nagmamakaawa ako. Tapos pumikit nalang ako. Pinipilit kong ideny na nangyayari to. Kagaya ng ginawa ko noon sa UST nung binagyo kami.

Tumigil yung sasakyan. I opened my eyes to find na nakastop light pala.

"Umamin ka nga, hindi bagay sakin noh?" Kanina pa kasi nakatingin tapos yung mata parang nung nagsabog ng sparkles sinalo lahat. Hindi na nakakatuwa, nasstress na ko may welga na ng mga butterfly sa sikmura ko.

"Hmmm..." Tapos umarte sya na parang nagiisip.

"Hala na, pinag isipan pa nga? E ba't di nalang ka-batch mo isinama mo? Nahiya tuloy ako." Ang tahimik kasi. Hindi ko rin talaga alam kung anong sasabihin ko. Alangan namang purihin ko sya ng purihin, teka. Balita ko kasi ako yung stylist nya - iba lang ang pumunta ng mall para bumili.

"Di naman tayo sabay nagpa-enlist a. So, hindi kita pinilit." Ah, aba. Jeric ano gusto mong mangyari? Sapakan nalang?

Napatingin ako sa kamay nya sa manibela. Joke lang pala yung sapakan. Sakop na sakop na nyan ang muka ko kahit para akong siopao. Di ba nga saktong sakto nung hinalikan mo ko sa panaginip? Erase. Nakakalokang isip to.

Tapos nag-green na yung light. Friday nun kaya medyo matraffic sa daan papunta sa venue ng event.

"Joke lang yun, Lui ha." Tapos ngumiti sya while driving.

"Pero seryoso lang, bakit wala kang date?" Ako na talaga yung nagtanong.

"E ikaw nga wala ring date di ba? So if you're someone who believes that destiny is fond of playing games with people asking if destiny is real... baka yun yung dahilan kung bat magkasama tayo ngayon."

"Ang lalim naman nun ser. Kaya lang di na kasi ako naniniwala sa destiny. Ikaw ba?"

"Noon hindi. Pero nung naulanan ako sa USTe naniwala na ko."

Ay teka lang naman talaga Jeric Teng. Ako kasama mo nun eh. Bat ka ganyan? Pakiramdam ko sasabog na ko right that moment. Sobra na to.

*****************

"Baby, I'm never gonna leave you... Say that you wanna be with me too. 'Cause I'm gonna stay through it all, so jump then fall."

"Ayaw mong maniwala?" Natahimik kasi sya tapos umiwas ng tingin.

"Nakukuha na ba sa ulan yung destiny? Kasi nung minsang naulanan ako sa UST, nawala sya." Tapos yung blushing face nya biglang nalungkot.

The Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon