Chapter 7: Tell me why

131 4 4
                                    

"I need you like a heartbeat but you know you got a mean streak - makes me run for cover when you're around."

It has been a week - ang bilis. After the Commerce get together, Jeric and I are always on the phone - viber, facetime, twitter. He calls when he's free, he drops by the shop. Eto na yata yung dating stage. For a 25-year old, isa yata ako sa mga pinaka-noob pagdating sa stages ng pagiging dalaga. Natigil na kasi ako sa first love na naging first heartbreak ko na din.

"Sinabi na sakin ni Kean." Eto na nga ba sinasabi ko e. Kahit di ko sya kausapin aabot at aabot rin sa kanya yung nangyari.

"Hindi mo naman kelangan malaman di ba?" I told him.

"E kaya lang alam ko na. Pano yan? Hindi mo ba talaga gustong sabihin sakin?" Ipipilit pa talaga e.

"Fine. Masakit yung nakita ko last week. Iiyak ba naman ako at magpapaulan kung di ako nasaktan?"

Hindi sya nagsalita. Di nya ko tinitingnan. Pakiramdam ko gusto nya lang ako magsalita kaya itinuloy ko. Alam mo na rin lang pala e. Pwes, namnamin mo kung gaano ka nakasakit!

"Hindi mo man lang ako binigyan ng intro. Alam mo namang tumatambay pa rin ako ng USTe. Hindi na rin kita aantayin na sabihan ako na wala akong karapatan... kasi alam ko namang wala talaga. Pero mapilit ka e. Parang feeling ko tuloy, gusto mo iharap sakin yung totoo para di na ko umasa."

"Ayoko makasakit ng kaibigan, Lui." Yung pagtawag mo palang kaya sakin na kaibigan ang sakit na. Tapos sasabihin mo ayaw mo makasakit? Ang galing galing.

"Pero kilala kita. Nasasaktan ka pero willing ka mag-intay. Nasaktan ka na, nagtitiis ka pa. Antay ka lang ng antay and naaappreciate ko naman yun e. Na kung pwede lang pilitin ko yung sarili ko na ikaw nalang kesa humanap pa ko ng iba."

Yun naman pala e, so why can't it be, why can't it be the two of us, why can't we be lovers, only friends? Napapakanta na ko lintek na buhay yan.

"Ayoko lang maging unfair sayo. Pwedeng pag-aralan yung pag-ibig totoo yun, pero iba pa rin yung pag-ibig na totoo. Yung ikaw mismo sa sarili mo ang nakarinig at nakaramdam ng tibok ng puso mo. Hindi ka mahirap mahalin kasi kaming kaibigan mo palang binibigay mo ng buo yung pagmamahal mo samin... pero ako yung hindi madaling mahalin. Ngayon pa lang, ilang beses ka ng nasaktan dahil sakin?"

"Di ko kakayanin na ako yung laging dahilan kapag nahihirapan ka. Kaya alam kong wala akong hawak sayo - alam kong di tamang sabihin to, Lui..." hinawakan nya yung dalawa kong kamay ng mahigpit.

"Lui, sarili mo naman this time. You've spent almost a decade of thinking me tapos wala naman akong maibalik sayo. Ipahinga mo na yang puso mo para pag dumating na yung para sayo buo na yan at mabibigay mo na sa kanya... slightly used but in perfect working condition."

Kung akala nya nakakatawa sya. Hindi. Kung akala nya nakakatulong sya. Hinding hindi.

Pagkatapos nun, naaalala ko nalang yung sarili kong nakasubsob sa kama. Laging humahagulhol mag-isa. Hanggang nagising nalang ako na wala ng maiiyak... na sanay ng mag-isa, nawalang iniintindi. Minsan di ko na alam kung pati yung mga tao sa paligid ko di ko na rin napapakitaan ng maganda - lahat parepareho nalang ang tingin ko.

Kaya lang hindi pa rin maganda e. Isinubsob ko yung sarili ko sa trabaho kaya wala pa ring oras sa sarili. Hindi ko rin alam kung patay malisya lang ako, pero wala e, ni hindi ata ako nakaentertain ng suitors, ay mali.. di sila nabigyan ng chance.

********************

"O, Ahia. Ano yan?" Usisero talaga to so Jeron e. Basura na, I still have to let him check it...

The Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon