CHAPTER 4

1K 27 0
                                    

SOMEDAY YOU"LL BE MINE

BY: ate nayat

CHAPTER 4

FLASHBACK..

Ng gabi ding yon sinaktan ako ni Inigo at nilayasan. At nagpapasalamat ako ng umalis sya sa pag-aakalang matatahimik ako ng gabi ding yon.

Pero ang pinagtataka ko? Bakit bumalik sya sa dis0oras ng gabi at nagsama pa ng ibang tao sa pamamahay namin.

Lumabas ako ng kwarto namin na naka-brief lang.Sinalubong ko ang asawa ko sa pag-aakalang nag-iisa lang sya. Pero sa paglabas ko,may kasama palang kaibigan ang asawa ko.

Bigla na lang ako nanigas sa kinatatayuan ko. Nasa likuran kasi ng aswa ko ang bisita. Mas mataas kay Inigo kaya lumagpas ang tingin nya sa ulunan ng aswa ko.

Hindi ko alam anung gagawin ko habang inuusyoso ng taong to ang kabuuan ko.

Alam kung pareho din kameng lalaki at hindi na bago sa paningin namin makikita ng lalaking halos hubot-hubad.

Pero bakit ganun? Malakas ang tibok ng uso ko. Hindi naman ako makatakbo dahil sa parang nababatubalani ako habang tahimik ang lalaki na to na namamasyal ang bawat tingin nya sa akin.

Maya-maya naramdaman ko na lang ang pagkahawak ni Inigo sa braso ko. Lasing kasi sya. Tapos bigla nya ako minura at inalipusta. At itinutulak ako para makapasok ulit sa kwarto.

Napaiyak na lang ako sa ginawa ni Inigo. Napahiya pa ako. Pinababa pa kasi ni Inigo ang pagkatao ko sa harapan ng lalaki na to.

Napatakbo na lang ako sa kwarto. Napahiya ako sa subrang kahihiyan.Pagdating sa kama,umiiyak ako habang nakatago ang mukha ko sa unan.

Pero kahit ganun hindi parin maalis ang sama ng loob ko. Nakakahiya talaga sa taong yon. Anu na lang ang sasabihin nun tungkol sa akin?

Maya-maya tumihaya ako,kasi naririnig ko usapan ng asawa ko pati abg bisita. Gusto ko sana sumilip sa dalawa pero kasi natatakot ako kay Inigo. Kaya nananatili na lang ako sa kama. Naglalaro na lang sa isip ko hitsura ng bisita ng asawa ko.

He"s tall, he"s guapo at malakas ang appeal. Kanina tinitingnan nya ako,parang nag-iinit ang tenga ko lalo na ang buong katawan ko. Ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko at para ako napoposses.

Tapos nung tiningnan nya ang katawan ko at harap ko bigla nanuyo ang lalamunan ko.

...itutuloy

Someday You'll Be MineNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ