CHAPTER 9

935 25 0
                                    

SOMEDAY YOU'LL BE MINE

BY: Admin Nayat

CHAPTER 9

Pero ang hindi ko maintindihan kung bakit favorite ako ng mag-asawang Sofia. Panay kasi ako nasasali sa usapan nila.

Pero sa kakaiwas ko,napatingin sa akin si Eric at bigla na lang nag-comment na ikinagulat ko at ikinagulat din ng lahat ng andun sa mesa na kina-uumpukan namin.

"Mukhang ayaw ng makihalubilo ni Rhyann sa usapan. Mukhang hindi pa sya nakaka-recover sa pagkawala ni Iñigo sa buhay nya. Bakit hindi na muna natin sya pabayaan?" -si Eric.

Natulala ako sa sinabi nya. Pakiramdam ko,namutla ako. Buong akala ko hindi na ako natatandaan ni Eric.

Pero maling-mali ang hinala ko ng magkasalubong mga tingin namin.

"Matagal mo na ba kilala si Rhyann? Bakit kilala mo ang pangalan ng asawa nya,samantala hindi naman namin sinabi sayo?" takang tanung ni Dra. Luisa

"Kaibigan ko ang asawa ni Rhyann,tita Luisa. Nang umuwe ako sandali dito para mamili ng nga lupa-- I stayed in their house for two nights bago ako dumiretso ng Davao." paliwanag ni Eric.

Kinakabahan ako sa mga sinasabi ni Eric. Natatakot ako na baka ikuwento nya yong nangyari sa amin nung gabing natulog sya sa bahay. Napayuko na lang ako.

"Rhyann? Alam mo ba kung bakit sa inyo ako nagpalipas ng dalawang gabi noon instead na dumirteso na lang ako ng Davao tulad ng unang plano ko?" tawag at tanung ni Eric na ikinagulat ko.

"H-ha?! A....e.!" kaba kung sabi.

Kinakabahan ako. Hindi ako handa sa tanung ni Eric. Wala naman kasi ako alam? At wala naman sinasabi sa akin si Iñigo. Nagulat na nga lang ako nung dumating sya sa bahay namin kasama asawa ko.

"H-hindi ko alam Eric.. W-walang sinasabi si Iñigo." nung sabihin ko yon,nakita ko sa hitsura ni Eric ang pagtataka.

"Hindi mo alam ang sadya ko sa inyo noon? Hindi mo alam na ang ilan sa mga properties nyo noon ay isinangla o ipinagbibili na sa akin ng asawa mo?" mahaba nyang sabi.

Napayuko na lang ako sa hiya sa mga kasama namin sa mesa na yon.

"H-hindi ko rin alam ang tungkol sa mga bagay na yon?" sabi ko na lang.

"What a pity! Sa america pa lang ako tinawagan na ako ni Iñigo,Rhyann. At inaalok na nya sa akin ang lahat ng properties nyo. At ang hindi ko lang yata pinatulan tita ( sabay balin sa Dra.) ay yong lupang kinatatayuan ng bahay nila. Naaawa lang ako kay Iñigo kaya hindi ko na lang kinuha sa kanya. Pwede kong ipagiba ang bahay nila,at magpatayo doon ng townhouse kung gugustuhin ko pero hindi ko ginawa. (balik tingin sa akin). Pero alam mo rin ba kung bakit hindi ko magawang swapangin lahat ng ari-arian nyo Rhyann?" mahabang sabi at tanung na nya sa akin.

Hindi na lang ako kumibo pero nagpatuloy sya.

"Dahil kaibigan ko si Iñigo. At dahil sa awa ko sa kaibigan ko,naisip kung tirahan pa rin sya ng masisilungan nya. Pinasubrahan ko na lang ang bayad ko sa kanya sa mga properties na nabili ko,para may pang-goodtime pa sya." pagpapatuloy pa nya.

OMG! Anung ginagawa ni Eric. Nanliliit ako sa panghihiya nya. Naramdaman ko na lang pag-akbay ni Brent sa akin.

"Rhyann,ok ka lang? N-namumutla ka..." tanung ng kaibigan ko napahawak ako sa kanya pero ngumiti na lang ako.

"Im fine...bigla lang sumakit ang ulo ko. Pero okay lang ako." sabi ko na lang kay Brent.

Napatingin ako kay Doktora. At nakita ko sa kanya awa sa akin. Alam ko hindi manhid si Doktora para hindi nya mahalata ang totoong dahilan ng pamumutla ko.

"Hijo, I think you should go inside para makapagpahinga ka muna. Baka..." -si Dra.

"No,okay lang ho ako." sabi ko.

Pero kelangan siguro ipagtanggol ko naman sarili ko?

"My late husband was a compulsive gambler,a-at isang alcoholic." explain ko para sa kaalaman nila Doktora at ang mga tao doon.

"Hindi ko na inalam noon kung kelan nya ibenenta o kanino nya binenta ang mga properties namin dahil kanya naman iyon at wala akong balak makialam. K-kung naibenta man sayo ni Iñigo ang mga yun Eric...ay dahil ipinambayad nya yun sa mga utang nya at iba pang obligasyon na meron sya. Wala ako napakinabangan noon Eric. At hindi ako nanghingi sa kanya dahil kulang pa yon sa kanya at sa mga bisyo nya." garalgal ko ng sabi.

"B-but if I only knew na magiging dahilan yun ng maaga nyang pagkamatay... I should have stopped him sa mga paglulustay nya." pagpapatuloy ko.

"But why didn't you?" tanung nya.

"Dahil.." bigla ako napaisip. Kelangan ko pa ba siraan si Iñigo para maipagtanggol ko lang ang sarili ko.

"I....I have no right to stop him.. Wala akong karapatang bawalan sya o pagsabihan sya." sabi ko na lang.

"Asawa kanya. Bakit wala kang karapatan. Ngayon lang yata ako nakarinig ng isang asawang walang karapatang makialam sa ginagawang pagsusugal ng kanyang asawa." ngisi nyang sabi.

"Pwes ngayon..nakarinig ka na. At huwag mo na akong palitin siraan pa si Iñigo dahil nananahimik na sya." matapang kung sabi.

"Are you sure na tahimik na sya,kung saan man sya ngayon Rhyann?" hamon sa akin ni Eric.

"Hindi ba sya nagmumulto?" pagpapatuloy nya.

"Eric...what's wrong with you?" saway na ni Doktora sa kanya.

..itutuloy

Someday You'll Be Mineحيث تعيش القصص. اكتشف الآن