CHAPTER 15

892 22 0
                                    

SOMEDAY YOU'LL BE MINE..

By: admin nayat

CHAPTER 15

Pagkakita ko kay Eric. Nagmadali ako nagpaalam kay Sthenno. Hanggat maaari gusto kung iwasan si Eric.

"Ihahatid ko lang sya sa labas Eric. Babalik rin ako kaagad." si Sthenno.

"Hindi na Sthenno. Hindi naman ako magtatagal. Actually,napadaan lang ako para sabihin sayo na hindi ko na bibilhin ang mga lupang tiningnan ko." si Eric.

"Pero-" protesta ni Sthenno.

"Nagbago na ang isip ko Sthenno." sabay tingin sa akin. "may nakita na akong mas magandang gawing townhouse." at bigla ako kinabahan sa sinabi nya.

"Mr. Cruz,kung pauwi kana...pwede kang sumabay sa akin. Mahirap mag-abang ng taxi sa lugar na to." -si Eric.

Natahimik ako. Gusto kung mgprotesta. Meron man ako huling taong gusto ko makasama tong lalaki na to. Pero parang nananadya naman to.

"Mr. Cruz.!" tawag nya nung hindi ako sumasagot.

Napatingin ako kay Sthenno,at nakatingin din sya sa akin na naghihintay ng reaksyon ko.

"S-sure." nasabi ko na lang para hindi makahalata si Sthenno na naiirita na ako sa presensya ng Eric na to.

Nang makalabas na kame ni Eric,saka ako nagprotesta.

"Hindi na ako sasabay sayo. Naaalala ko,may dadaanan pa pala ako." tatalikuran ko na sana sya,pero nahawakan nya ako sa braso.

"Huwag mo na akong lokohin. Alam kung wala kang dadaanan. Gusto mo lang akung iwasan." at bumitaw ako sa paghawak nya sa braso ko.

"Obvious na naman pala na iniiwasan kita,eh bakit kailangang sumabay ka pa?" pagtataray ko.

"Dahil may pag-uusapan tayong importante." -sya.

"Wala na tayong dapat pag-usapan pa Eric. Nasabi ko na ang lahat ng gusto kung sabihin sayo. At ayoko ng makita pa ang pagmumukha mo!" taray ko pa.

"Ako! Hindi ko pa nasasabi sayo lahat ng gusto kung sabihin. Kaya hindi pa tayo tapos Rhyann." -sya.

"Tapos na tayo! Ngayon kung hindi mo yan maisaksak dyan sa kukote mo problema mo na yan!" ako sabay walk out.

At ilan lang dumadaan na tao sa knapupwestuhan namin,ngtataka na kung bakit kame nagsisigawang dalawa.

Hinabol naman ako ulit.

"Sinabi nang hindi pa tayo tapos eh! Makinig ka muna. Tungkol sa properties na binebenta mo ang sadya ko sayo. Gusto kung bilhin yon sa presyong gusto mo." malumanay na nyang sabi.

"Ha?!" at natigilan ako. Hindi ko nga namamalayan hawak pala ako ni Eric sa magkabilang balikat.

"Paanu mo nalaman..?!" kunot-noo kung tanung.

"Kay Sthenno,nabanggit kasi nya sa akin. At nagka-interes ako." pagkasabi nya,nginitian nya ako.

Anu kba? E2 naman tampurorot. Gus2 m0 after q lng 2 masent at bcta sa page. Twagan natin xa.

Ah uo..parang nsktan pa xa. Ayaw nga nia pg'usapan ei..

"Remember,sa party ni Brent,nabanggit ko na sayo na pwede ko yong patayuan ng townhouse." -sya.

Ah uo,natatandaan ko na. Yon pala ang sadya nya sa akin.

"Si Sthenno ang kausapin mo,sya ang broker ko." sabi ko.

"Ikaw ang gusto kung kausap. Tayo ang mag-usap Rhyann." at inalis ko ang dalawang kamay ni Eric na nakapatong sa balikat ko.

"Wala akong alam sa pagbibenta ng lupa,si Sthenno ang kausapin mo Eric. Sa kanya ko na pinagkatiwala tungkol sa bagay na yan." ako. At tinalikuran ko na sya

Hindi na ako hinabol ni Eric at galit ko syang tiningnan hanggang sa makasakay na ako ng taxi.

...itutuloy

Someday You'll Be MineWhere stories live. Discover now