CHAPTER 17

939 24 0
                                    

SOMEDAY YOU'LL BE MINE..

By: Admin Nayat

CHAPTER 17

Nagde-date na kame ni Sthenno at nagtapat na rin sya ng pag-ibig sa akin. Pero kahit ganun pa man,hindi ko parin sya sinasagot. Kasi gusto ko pa malaman kung anu ba totoo kung feelings sa kanya.

"Sinagot mo na ba si Sthenno?" tanung ni Tito Gustavo ng minsang nakita nya si Sthenno hinatid ako galing kame sa labas para mag-lunch.

"Matagal na sya nanliligaw sayo,diba?" pagpapatuloy nya.

"Matagal na ho ba ang dalawang buwan?" tanung ko.

"Sa panahon ngayon Rhyann,para ka na rin naghintay ng pasko sa buwan ng March.." sabi nya at hindi na ako nagsalita.

"Mag-isip-isip ka,baka sa hitsura mong yan,tumanda kang kulubot ang puso. Sayang ka!" tuloy nya at natawa ako.

"Hehe.. Hindi naman ho kumukulubot ang puso eh." sagot ko.

"Sinung may sabi sayo? Ang hindi lang kumukulubot yong laging inlove at laging young at heart. Kapag hindi ka ganun,hindi lang balat mo ang mangungulubot,pati ito." sabay hawak sa dibdib nya. At napangiti na lang ako. "isipin mo sinabi ko ha!"

Tumango na lang ako. Nasa shop kasi kame ngayon ni tito at nagpaalam syang umuwi mona ng bahay para magpahinga.

Pagkaalis ni tito,hindi ko napansin na may pumasok sa shop. Nakayuko kasi ako. Pag-angat ko,bigla ako nanigas at pakiramdam ko namutla sa nakita ko.

"Kamusta na Rhyann?" bati ni Eric sa akin.

Hindi na ako nakaimik. Panu nalaman ni Eric na andito ako?

Nakita ko na lang ini-lock ni Eric ang pinto ng shop namin,binaliktad ang karatulang "CLOSED". At yong hinila ang blinds para hindi kame makita dito sa loob.

"Eric,anung ginagawa mo?" lapit ko na sa kanya. "eric!"

At hinampas ko sya sa galit at takot na nararamdaman ko. Hindi ko na gusto tong panunukol nya sa akin.

"Hindi ka makakatakas at makakapagtago sa akin Rhyann. Kahit saan masusundan kta." sabi nya.

"Hindi ako nagtatago sayo!" sigaw ko. "at huwag mong.... Bitawan mo ako!" pigil nya sa akin habang hawak ako sa bewang kasi pinipilit ko abutin ang blinds at pinto.

"Ano ba? Wala ka na bang gagawin kundi guluhin ako? Nananahimik na ako Eric! Pabayaan mo na ako!" pagpapatuloy ko.

"Hindi pwede Rhyann. Dumating na ang araw ng paniningil ko sayo!" at bigla nya ako sinibasib ng halik. Niyakap nya ako at pinipilit tumugon sa kanyang halik.

Pero nang maramdaman nyang wala akong response,tinigilan nya ako at tinitigan.

"Rhyann?" -sya.

At sinalubong ko sya ng tingin. Isang dangkal lang ang halos pagitan ng mga katawan namin.

"Kung naniningil ka Eric...wala akong maibabayad sayo!" malamig kung sabi. "mabuti pa,umalis kana!"

At kitang-kita ko sa hitsura nya ang bigla sa reaksyon ko.

"Si Sthenno....kaya ba bigla ka na lang nagbago sa akin dahil kay Sthenno?" tanung nya,at nakita ko sa hitsura nya ang lungkot. At ang pagtikom ng kamay nya.

Saglit lang kame natahimik. At gusto ko ng ikilos mga kamay ko para yakapin sya at para bawiin mga sinabi ko pero nagpigil lang ako.

"Boyfriend mo na ba si Sthenno? Sinagot mo ma ba?" usisa nya.

"Hindi pa Eric!" sabay iling. "pero m-may balak na akong sagutin sya sa susunod na paglabas namin."

At tiningnan nya ako.

"Nahalikan ka na ba nya Rhyann? Nahawakan ka na ba nya?" tanung nya.

Shock naman ako sa mga tanung nya.

"It's none of your business Eric.. Anu man gagawin namin ni Sthenno habang magkasama kame hindi mo na....Eric!!" bigla nya akong binuhat.

Nasa kanang balikat nya ako,para akong isang sakong bigas habang buhat nya.

"Eric..ibaba mo nga ako! Saan mo ako dadalhin Eric." sabay pinupokpok ko ang likod nya.

At tuloy-tuloy lang nya ako binuhat. Isinakay sa kotse at dinala sa dating bahay namin ni Iñigo..

...itutuloy

Someday You'll Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon