Chapter 20

914 23 0
                                    

SOMEDAY YOU'LL BE MINE

BY: Admin Nayat

Chapter 20

Subrang mahal ko si Eric at ngayong narito na at mahal din pala nya ako,saka naman sya mawawala sa akin....

Gusto ko tuloy sisihin ang sarili ko sa pagsama ky Sthenno.

Sa subrang sakit na naramdaman ko,namalayan ko ang sarili ko na nagsusumbong ky Brent at umiiyak.

"Pero wala naman kaming ginagawang masama Brent. Sumama lang ako kay Sthenno dahil naiinip na ako sa bahay." sumbong ko sa kaibigan ko.

"Kaibigan lang ang turing ko sa kanya Brent." pagpapatuloy ko habang umiiyak.

Alam ko nabigla si Brent sa mga sinabi ko. Hindi nya kasi alam na may nangyayari na sa amin ni Eric,na sa lalaki din daw ako babagsak!

Nakita ko rin ang gulat na rumihistro sa mukha nya na si Eric ang nakauna sa akin.

"You mean..?" sabi nia,at tumango ako.

"Oh my god!" gulat nya.

Hindi na sya kumibo,at inaanalize nya ang lahat at maya-maya may sinabi sya.

"Sa tingin ko,nagseselos lang si Eric siguro. At hayaan mo munang lumamig ulo nun at makapag-isip isip. Pero gagawin ko din ang magagawa ko. Kakausapin ko si Doktora para paliwanagan si Eric." mahaba nyang sabi.

At nayakap ko si Brent sa sinabi nya.

"Mahal ma mahal ko si Eric Brent. Ayoko ng mawala pa sya sa akin." sabi ko.

"Hayaan mo,gagawin ko ang magagawa ko para matulungan ka sa problema mo. Kung kinakailangang ako ang makiusap sa kanya gagawin ko." sabi ni Brent.

"Salamat.." sabi ko.

BRENT's POV

Pagkatapos sabihin lahat sa akin ni Rhyann tungkol sa kanila ni Eric,subrang gulat ako.

Ayun nung sinabi kung tutulungan ko sya,kahit papanu natahimik at hindi na umiiyak si Rhyann.

Nag-uusap parin kame. Ipinagtapat nya sa akin ang mga nangyari sa kanila ni Iñigo sa loob ng panahong nagsasama sila. Ang ginagawa ni Iñigo para pagtakpan ang mga pagkukulang nya kay Rhyann.

At subra ako naawa sa kanya.

Martir nga talaga si Rhyann. At pinayagan pa etong ganunin sya ni Iñigo.

Pero dahil bata pa nga sya ng mapangasawa ni Iñigo at wala na syang masandalan kundi ang asawa sa kabila ng mga bisyo nito sa alak at babae.

At ngayong natagpuan naman ni Rhyann ang bagong pag-ibig sa bestfriend ni Iñigo,mukhang magkakalabun pa dahil lang sa pagseselos ni Eric.

Kinabukas,pumunta ako sa bahay nila doktora at kinausap ko si Eric. Pero naging bingi si Eric.

"Matinong tao ang kaibigan ko Eric. At napatunayan na nya yan sayo. Sana inunawa mo sya imbes na pinarurusahan. Mahal kanya at alam kong mahal mo rin sya. Bakit kailangang pahirapan mo pa sya?" inis kung sabi pero hindi na sya kumibo.

"Sana wag mahuli na magbago rin ang isip ni Rhyann,dahil kung hindi baka tuluyan ngang ibaling na nya ang pansin nya kay Sthenno na alam nyang nakahandang tanggapin sya at mahalin sya sa kabila ng nakaraan nya." dugtong kung sabi.

At maya-maya lumapit sa amin sh Doktor na nakikinig sa amin.

"Kung mahal mo si Rhyann...huwag mo na syang pahirapan. Huwag mo na rin pahirapan ang sarili mo. Puntahan mo na sya. Bago mahuli ang lahat.." sabi naman ni doktora.

..itutuloy

Someday You'll Be MineWhere stories live. Discover now