CHAPTER 16

965 25 0
                                    

SOMEDAY YOU'LL BE MINE

BY: Admin Nayat

CHAPTER 16

Lumipas ang ilang araw,binili na nga ni Eric ang mga ari-ariang naiwan sa akin ni Iñigo.

Kahit nung araw na umalis na ako at nanghahakot,katu-katulong ko pa si Sthenno.

"Mukhang ang lakas ng tama sayo ni Sthenno ah." bulong ni Tito Gustavo. "at kahit sa broker fee,konte lang kinaltas sayo."

"Mabait lang si Sthenno tito,at siguro naiintndihan nya lang kalagayan ko kasi ngayon pa lang ako papasok sa negosyo." sabi ko.

"Naku Rhyann,sa tanda kung to,mapagtataguan pa ako ng mga ganyang tingin." bulong nya ulit at napangiti na lang ako.

"Tito Gustavo,tsismis na ho ang inaatupag nyo at hindi panghahakot" sabi ko at natawa si Tito Gustavo sinabi ko.

"Sabagay,boto ako sa batang yan. Guapo na'y masipag pa. Imagine,sa edad nyang 28,may sarili na syang opisina at pundar. At pwedeng-pwede na sya mag-asawa!" kindat sa akin ni tito,at nangiti na lang ako sabay iling.

Kinabukasan,nasa bahay lang kame nina Tito Gustavo at Tita Ruth,dito na kasi ako nakatira sa kanila. At dinalaw ako ni Brent ngayon.

"So,saan kayo ngayon maghahanap ng pwesto? May alam akong pwesto na bagong tayong building na malapit sa clinic nina Brix. Baka gusto nyo dun? Mag-i-inquire ako." suggest ni Brent.

Napaisip ako. Okay sana suggest ni Brent. Kaya lang naisip ko kung malapit sa clinic ni Brix kame bibili ng pwesto,baka makita ko sina Dra. Sofia.

At kung makikita ko dun ang mag-asawang doktor,baka makita ko rin dun si Eric.. Eh..ayoko mangyari yon,iniiwasan ko na nga taong yon eh. Kaya umiling na lang ako kay Brent.

"As much as possible,ang gusto namin eh yong malapit lang dito sa bahay namin. Kasi ang dalawang to nagtitipid." sabat ni Tita Ruth,at natawa si Tito Gustavo.

"Hindi naman sa ganun. Ang gusto namin ni Rhyann ay yong accessible dito sa bahay,na kung gusto naming umuwe at kumuha ng stocks at madali lang pagpunta-parito diba" paliwanag ni tito.

"Ah...." magkasabay na sabi nina Tita Ruth at ni Brent.

So ayun tamang kwentuhan lang tungkol sa negosyo ang topic namin,hanggang sa mapagsolo kame ni Brent.

"Uy..sino yung Sthenno ha? Balita ko may nanliligaw raw sayo na Sthenno ang pangalan. Kaya pala mukhang blooming ka." tukso ni Brent.

"Ano?!" gulat kong sabi. "eh hindi ko naman manliligaw yong tao noh? Ni hindi pa nga ako niyayayang mag-date."

"Pero kung ayain ka,sasama ka naman?" -sya.

Natigilan ako. Oo,pogi talaga si Sthenno,macho din nya. Charming at masaya kausap kapag wala na sa trabaho ang atensyon. Pero hindi ko maintindihan kung bakit wala sya dating sa akin hindi tulad ni Eric.

"Rhyann!" tawag ni Brent sabay pitik kamay sa harap ng mukha ko. "ano? Nagde-day dreaming ka na ha?"

"Ano ka? Hindi po ako nagde-day dreaming. May naaalala lang po ako n0h hehe" masaya kung sagot.

"Si Iñigo? Rhyann,wag mo ng isipin si Iñigo. Patay na sya at ikaw buhay pa. Marame ka pang pwedeng ma-achieve,sya...wala na."

So,if I were you. Huwag mong sayangin ang buhay mo sa pagtanda. Enjoy your life habang bata ka pa!" mahabang sabi ng kaibigan ko.

Hindi na lang ako kumibo. Hindi naman kasi si Iñigo ang iniisip ko eh,hindi naman sya laging laman ng isip ko.

Si Eric...

Si Eric parin ang umuokupa ng isip ko. At kahit hindi pa sya nagpapakita simula bilhin nya ang bahay ko,kaya parin nya guluhin ang isip ko.

And that was a 2 months ago. Ayos na ang lahat,may pwesto na kame ni Tito Gustavo at malapit lang sa bahay namin.

Nakilala kame agad sa paglipas ng dalawang buwan at nagkaroon na kame ng tatlong kliyente sa abroad.

Tuwang-tuwa si Tito Gustavo sa nangyayari sa business namin. Mas naging masipag si tito. At ako naman ganun din mas natutuon ang buong atensyon ko sa business namin. At paminsan-minsan din nagkakaroon na ng panahon sa sarili pag lumalabas kame ni Sthenno..

...itutuloy

Someday You'll Be MineWhere stories live. Discover now