Chapter 1

7 0 0
                                    

Positive

"No way." Napatakip ako sa aking bibig. Di ko alam kong matutuwa o matatakot ako dahil dalawang guhit ang nakita ko sa hawak kong pregnancy test.

Is it true? Magiging mommy na ako? Bigla akong napaluha dahil sa aking naramdaman na sabik sa aking dibdib. Pero biglang nag laho ang aking saya sapagkat natatakot ako dahil 16 years old pa lamang ako. Oo tama, 16 years old pa lang ako. Pero magiging ina na ako.

"God! Ano ba itong pinasok ko. Di ko alam paano ko ito sasabihin sa mga magulang ko." Lakad ako ng lakad, pabalik balik di ko alam gagawin ko. Tumulo ang luha ko ng di ko namamalayan.

"Tawagan ko kaya si Nathan? No, di pwede. Ayaw kong siya ang maunang maka alam na buntis ako. Gusto ko ang daddy nitong dinadala ko. Tama! Tawagan ko kaya si Seb? Pero baka di niya matanggap si baby paano na? Paano kung di niya ako panindigan? Shit! Ayaw ko na!" Di ko na alam ang gagawin ko kinakausap ko nalang ang aking sarili para kahit papano ay mahimasmasan ako pero bakit parang nate-tense ako. Tss, bahala na nga.

Naka dalawang ring muna bago niya ito sinagot. "Seb, Babe? Pwede ba tayong magkita? May gusto lang akong sabihin. Please?" Umpisa ko. Pinipigilan kong di mag crack ang aking boses habang sinasabi ko iyon.

"I'm sorry babe may tinatapos pa ako dito sa office. Later, ok? Pupuntahan kita sa bahay niyo. " sagot niya. Busy siya ngayon sa office. Kahit sabado ay may pasok siya. Oo tama ang nabasa niyo nasa office na siya nagta-trabaho or ojt. Mas ahead kasi siya ng 3 years sa akin, 4th year college na siya kaya nag ojt na sila ngayong year.

"No! Wag sa bahay, please? Nandito ako sa condo ko ngayon. Dito mo nalang ako puntahan." Sabi ko.

"Ok then, wait mo ako jan. I love you babe."

"Ingat ka ha? I love you too." At pinatay ko na ang tawag.

Shit! Paano ko ito sasabihin sa kanya? Argh! Di ko na alam gagawin ko.
Babe, may sasabihin ako. Buntis ako. Ay ang pangit! Erase, erase, erase!! Seb. I'm pregnant. Pananagutan mo ba ako? Practice ko kung paano ko sasabihin sa kanya.

Fuck! Bakit ko tatanungin yon? Bahala siya kung pananagutan niya ako ayaw ko siyang pilitin kong ayaw niya sa amin ni baby. At hinaplos ang aking tiyan na wala pang umbok dahil 1-2 months pa lang yata. Di ko alam dahil di pa ako nagpacheck up.

Time passed. At nagtext sa akin si seb na papunta na siya sa condo ko. Shit ito na yannie. Di ko alam. Lakad na ako ng lakad dito malapit sa pinto. Alam niya password ng condo ko kaya madali siya makakapasok pero inaabangan ko pa siya pero biglang bumukas ang door ng aking condo na nakatalikod ako kaya nanigas ako at dahan dahang humarap ng parang hirap ngumiti sa harap niya.

"Hi." Bati ko sa kanya.

"Hey, what's wrong? Bakit mo ako pinapunta kanina?"

"Ayos ka lang ba? You look pale." Dugtong niya.

"I'm pregnant." Mabilis kong sabi sa kanya.

Siya ay nakatunganga lang. Di ko mabasa ang reaction. Dahan dahan siyang naglakad papunta sa akin. Yung tuluyan siyang nakalapit sa akin.

"Magiging daddy na ako? Fuck! Totoo ba? YES! MAGIGING DADDY NA AKO!!" Sigaw niya. Tinakpan ko ang kanyang bunganga napakaingay sakit sa tenga.

"Teka nga! Bakit ang saya mo? Di mo ba iniisip yung edad natin? Ang sasabihin ng magulang natin? Dahil ang babata pa natin ay may baby na tayo? Ang sasabihin ng mga ibang tao?" Tanong ko.

"Ano ka ba naman bakit mo naman iintindihin ang ibang tao. E blessing si baby, diba baby?" Tanong niya sa tiyan ko ay hinaplos iyon.

"Oo nga pero yung pag aaral natin?" Tumulo ang luha ko. Oo isa pa pala iyon. Kailangan kong huminto para maalagaan ko ang baby sa tummy ko.

At SixteenWhere stories live. Discover now