Chapter 5

1 0 0
                                    

Jealous

Nagulat ako dahil sa inakto ni seb. Muntikan na ako mapatid dahil sa ginawa kong pagtingkayad para humalik sa kanya.

Nung umalis siya. Nagpunta siya sa kusina para kumuha ng tubig. Naabutan kong nagsasalin siya ng tubig sa baso. Lumapit ako at nagsalita.

"Bakla ko?" Pabebe kong tanong at nag puppy eyes pa. Alam kong naiinis to kaya nagpapabebe ako. Dahil di ko nasagot tawag at text niya.

"Saan ka galing?!" Bulyaw niya sa akin. Nagulat naman ako.

"Sa favorite restaurant namin ni nathan. Nag kita kasi kami." Deretso kong sagot.

"Sino si nathan?!!" May diin niyang bulyaw sa akin. Nako naman jusko di pa pala niya kilala si nathan.

"Ahm– si nathan. Best friend ko siya. Close na close kami. We're friends since elementary palang kami." Pilit kong ngumiti sa kanya.

"Tss best friend? Babe ang tawagan niyo?!"

"Tawagan na namin yun matagal na.." Depensang sagot ko.

"Kelan pa siya nagkaroon ng karapatan halikan ka? At si baby?!" Isa pang tanong niya.

"Di ko alam. Best friend ko yun kaya okay lang ang ginagawa niya sa akin!" Irita ko nang sagot. Bago ako tuluyang mairita. Nilambing ko na siya.

Lumapit ako sa kanya at hinalikan pisngi niya, noo, ilong at labi. Niyakap ko pa siya. Tsaka inamoy amoy, pero wala siya ginawa. Nakatayo lang siya doon.

"Bakla ko? I'm sorry na ha? Naka silent kasi phone ko. Di ko namalayan." Nakayap ako at nagpuppy eyes pa para gumana.

Tinignan naman ako ni seb ng malamig. Nako wala pa bang effect yun. Nagsisimula nanaman ang inis ko. Nag explain na nga ako e. Pag ako talaga nainis at di pa niya ako pinansin aamuyin ko kili kili niya.

"Sebastian! Di mo na ako papansinin ha?! Nag explain na nga ako. Totoo lahat nang sinabi ko. Ano pa ba ang hinihingi mo ha? Lumuhod pa ako?!" Bulyaw ko sa kanya nang pag kalakas lakas.

Umalis siya sa harapan ko. Dali dali akong sumunod sa kanya. Nakita ko siyang pumunta sa kwarto ko. Naabutan ko siyang nakahiga sa kama wala siyang pagmngtaas na damit, nakalagay ang dalawa niyang kamay sa ulo niya na nagsisilbing unan niya at nakapikit pa siya. Anong oras palang matutulog na siya? Tinignan ko orasan 9:43 pm na? Gabi na pala ako umuwi e.

Lumapit ako sa kama. Tinabihan ko siya di niya yata naramdaman na humiga ako dahil ganon pa rin siya. Humiga ako sa dibdib niya. Di ko namalayan ay nakatulog na kaming dalawa.

Umaga na nang nagising kami. Nauna akong nagising sa kanya. Ganon pa rin ang pwesto naming dalawa.

"Good morning bakla ko." Bulong ko. Tsaka inamoy ang kili kili niya. Di naman niya siguro mararamdaman e.

"Hmm.." Galaw niya habang inaamoy ko kili kili niya.

"Good morning bakla ko. I'm sorry about kagabi." Mahinahon kong sabi sa kanya.

Agad naman siyang tumayo ng di ako binabati. Aray. Galit pa rin siya. Sinabi ko naman ang totoo ah. Pero galit pa rin.

Di ko na siya sinundan sunod na ako ng sunod nabubwiset na ako. Ako na nga nagsosorry e. Tss, bahala siya.

Napag pasyahan ko nalang na maligo bago umalis dito sa kwarto.

Nagbihis nalang ako nang pangbahay wala naman ako pupuntahan. Tsaka nagugutom na ako kaya kakain na ako sa kusina niyan.

Pagkalabas ko ay wala na si seb. Iniwan ba naman ako. Baka pumasok na
8 o'clock na e. Bwisit di man lang nagpaalam. Hinalughog ko ang condo ko wala siya don. Ibig sabhin iniwan talaga ko.

At SixteenWhere stories live. Discover now