Chapter 4

2 0 0
                                    

Mood swings

Nagising ako nang wala si seb sa kama at napansin kong wala rin si seb sa kwarto. Tinignan ko sa cr pero wala siya doon. Napasapo ako sa noo ko ng naalala ko na ni lock ko pala yung pinto kagabi nakalimutan kong buksan nakatulog kasi ako agad nung pagkahiga ko.

Nung lumabas ako nakita ko siyang mahimbing na natutulog sa sofa. Lumapit ako sa kanya. Kawawa naman yung bakla ko. Nagsisisi tuloy ako, nakalimutan ko kasi.

Hinaplos ko ang buhok niya. Umupo ako ako sa sofa at nilagay ang ulo niya sa binti ko tinuloy ko ang pag suklay sa buhok niya. Di ko namalayan na tumutulo ang luha ko dahil sa awa sa kanya. Ano ba naman lagi na akong umiiyak ng walang mabigat na dahilan. Hayss.

Pumatak ang luha ko sa mismong mata niyang nakapikit, naramdaman niya yata ang patak kaya nagising siya. Bigla siyang napatayo mula sa binti ko.

"Why are you crying, babe?" Nagaalala niyang tanong. Habang pinupunasan ang luha ko gamit ang hinlalaki niya.

"I'm sorry." Giit ko.

"No, ako dapat ang nagsasabi niyan. I'm sorry babe, di ko sinasadya na sigawan ka. Alam mo naman na ayaw na ayaw ko yun na ginagawa sa akin kahit sino pa man." Saad niya.

"Kahit ako di pwede?" Tanong ko.

"Ahm— kasi–" nagiisip siya.

Umiyak ako nang pagkalakas lakas. Parang batang di binilhan ng lobo sa simbahan parang ganon.

"Shit! Babe, please? Stop crying na." Kumbinsi niya sa akin.

Tumayo ako at umalis ako sa harap niya at nagpunta sa kusina para magluto. Bahala siya.

"Babe, uwi muna ako. May pasok ako ng 10 o'clock ngayon. Maiwan muna kita ha? Promise babalik ako after ng ojt ko. Mag te-text ako. Lagi kang magreply, okay? I love you." Bilin niya tsaka sabay halik sa noo, tungki ng ilong at labi ko. Nako sweet naman ng sebastian ko. Este, bakla ko.

I nodded at him. Di na ako nagsalita dahil agad siyang umalis.

Sa susunod na palang linggo ang kasal namin ni sebastian. Pinamadali ni daddy at baka umumbok na aking tiyan. Nagsisimula na rin ang morning sickness ko at mood swings. Buti nga at wala pa ang paglilihi ko sa pagkain.

Wala akong magawa ngayong araw. Buti nalang at may tumawag di ko alam kung sino to unregistered number e. Pero sinagot ko.

"Hello?" Sagot ko.

"Oh, hi sissy." Sagot niya sa kabilang linya.

"Yanna?" Giit ko.

"Yes, it's me. Yanna."

"Kamusta kana, sis?" Tanong ko.

"I'm fine. Balita ko buntis ka daw sissy?"

"Yes, at ang ama ay si sebastian."

"Who? Sebastian? Sebastian Gonzalez." Giit niya sa kabilang linya.

"Oo siya nga. Teka nga, kailan ka ba uuwi ang tagal-tagal mo na jan sa states. Baka gusto mong umuwi at magpakita kila daddy at mommy." Saad ko.

"Magpapakita ako okay. Chill lang naghahanda lang para sa ex ko. Para maglaway siya pagdating ko." Sagot niya.

"Ex? Si nathan ba sinasabi mo. Sus, kala mo naman kalaway laway ka. Di kana hahabulin ni nathan." Saad ko. Baliw to. Kala mo maganda, hahabulin at maglalaway daw. Napatawa tuloy ako. Ganyan ako kay yannna. Kunwari di supportive pero. Supportive akong patago. Proud ako jan. Ang tapang tapang. Nung iniwan siya ni nathan ay ako ang nagalit, pinag mumura at sinaktan ko siya para sa kambal ko. Pero siya agad nag book ng flight ng di alam ang dahilan kung bakit nagloko si nathan. Baliw e, ang TAPANG TAPANG.

At SixteenWhere stories live. Discover now