Chapter 7

2 0 0
                                    

Regret

"Yannie." Rinig kong tawag niya sa akin.

Umiwas ako nang tingin sa kanya. Halo halo ang nararamdaman ko ngayon di ko alam kung kaya ko siya kausapin dahil wala siya nung kailangan namin siya at di niya kami natulungan.

"Yannie, babe. I am so sorry." Giit pa niya.

"I'm sorry. Di kita natulungan, di ko kayo natulungan. I'm sorry please?" Dugtong pa niya. Ako naman ay napapahid lang sa mga mata kong punong puno ng luha at nakaiwas parin ang tingin sa kanya.

"Please babe, kausapin mo naman ako. Hindi ko alam na mangyayari to. Inaamin ko pumunta ulit ako kay selene para humingi na paumanhin sa ginawa mo. Pero hindi ko talaga alam na mangyayari ito. I'm sorry, please babe." Pagmamakaawa niya.

Imbis na kakausapin ko na siya ay narinig ko ang salitang selene mas lalo akong nainis sa pag amin niya. Ibig sabihin kaya hindi niya kami natulungan dahil iniwan niya kami para lang kay selene, pwede naman ipagpabukas ang paghingi ng paumanhin. Pero pinili pa rin niya si selene.

"Gusto kong mapagisa, sebastian. Pwede ka nang lumabas." Walang emosyon kong giit sa kanya.

"Pero babe, kailangan mo ako. Kailangan kita. Di kita iiwan sasamahan kita dito." Saad niya.

"I said, gusto kong mapagisa. Hindi mo ba ako naiiintindihan, sebastian?" Walang gana kong sambit sa kanya.

"Please, hayaan mong bantayan kita ngayon. Babawi ako sayo. Wag mo lang akong paalisin."

"Ngayon pa? Kung kailan wala na si baby? Ngayon mo pa ako babantayan?! Gago ka pala e, inuna mo pa yung selene na iyon kaysa sa amin!" Bulyaw ko sa kanya.

"Hindi ko nga alam na mangyaya–"

"Tama na sebastian, pagod na ako. Di ko matanggap ang nangyari sa akin, mas lalong di ko matanggap ang nangyari sa baby ko. At ang pinaka ayaw kong matanggap ay ang dahilan mong iniwan mo kami para lang humingi nang tawad na pwede namang ipagpabukas kahit masama ang panahon ay tumuloy ka pa rin! Bullshit!" Galit kong saad sa kanya at napahagulgol ako sa mga sinabi ko.

"Please, sebastian. Hayaan mo muna ako mapagisa oh, iwan mo na ako rito. Gusto ko lang mapagisa." Pakiusap ko.

"Wag naman ganito, yannie. Pagusapan natin to!" Giit niya.

"I said, go away! Stay the hell away from me!!" Buong pwersa kong bulyaw sa kanya. Eksakto naman ay pumasok sila mommy sa kwarto kaya napilit nila si Sebastian na lumabas na muna.

Lumapit sa akin si mommy at niyakap ko siya tsaka humagulgol.

Nakakainis ang rason niya. Di ko matanggap, sobra. Kaya pala walang sumasagot nung tinatawag ko siya dahil nandon siya kay selene?

Kung ano ano nalang ang naiisip ko dahil sa nangyari sa akin at sa baby ko. Nagiging hate ko na seb. Simula nung nalaman kong buntis ako ay wala na ako sa tamang pagiisip. Lagi na akong mainitin ang ulo basta ganon. Wala na rin kaming mga bonding ni seb kaya siguro ganon. Di na nagwowork relationship namin.

"Mom, gusto kong lumayo. Papayagan niyo po ba ako? Ayaw ko pong makita si seb tsaka si selene. Please mom." Nagmamakaawa ako kay mommy.

"Bakit naman, gusto mo ba talaga? Paano ang relasyon niyo ni seb, anak. Isipin mo rin iyon." Giit niya.

"Mom, please ayaw ko nang makita si seb. Alam kong mababaw ang dahilan pero ayaw ko siyang makita hangga't di ko pa tanggap ang nangyari sa baby ko. Please, mom." Sagot ko.

"Ok, sige. Papayagan kita, baby. Basta promise mo aayusin mo ang relasyon niyo ni seb bago o pagbalik mo dito galing states, okay?" Saad ni daddy.

"Yes, daddy." Sagot ko.

Baby ko, miss na miss na kita. Sana ay walang nangyaring masama sa atin ay magkasama pa tayo. Sana maging masaya ka sa piling ng panginoong diyos. Lagi mong babantayan si mommy, okay? Hinahaplos at Kinakausap ko ang tiyan ko kahit wala na si baby doon.

"At isa pa, honey. Doon kana magtutuloy ng study mo ha? Sasama kami ni daddy mo. Doon tayo kay yanna." Saad niya. Nagulat naman ako.

"Mom, alam niyo kung nasaan si yanna?" Tanong ko.

"Oo naman, lagi siyang tumatawag pag free siya. Miss kana daw niya e. Kaya doon tayo sa kanya para makasama natin siya.." Sagot niya.

Namimiss ko na ang kambal ko. Magkakabonding na kami niyan. Miss ko na yong lagi kaming nagshoshopping.

-

Nagdischarge na rin ako, bale mahigit isang araw lang kami sa hospital. Nandito kami ngayon sa condo hinatid ako nila mommy at daddy.

"Honey aalis na kami ng daddy mo. Maiwan kana muna dito. Balitaan ka namin kapag naka book na tayo ng ticket papuntang states. Magusap na kayo ni seb tungkol sa pag alis natin ha?" Ana ng mommy.

I nodded. "Ingat mom and dad. Thank you so much sa pag alaga sa akin sa hospital." I smiled and hugging them.

Nakaalis na sila mommy at daddy mag isa nanaman ako dito sa condo ko, di ko alam kung nasan si seb huling kita kocsa kanya nung pinaalis ko siya sa hospital nung mga araw na yun.

"Asan na kaya yung bugok na yun?" Tinawagan ko siya pero hindi siya sumasagot nag riring lang, nakailang tawag ako sa kanyan hanggamg sa napagpasiyahan kong matulog na lang at magpahinga.

2:48 am ng magising ako, wala pa rin siya. Sinubukan kong tawagan ulit siya nagulat ako ng may marinig akong ring sa labas ng pinto ng kwarto ko. Sinilip ko iyon at nakita ko siyang nakahilata at tulog na sahig. Tinapik ko pisngi niya.

"Seb, gising! San ka ba galing anong oras na? Tumayo ka nga mag usap tayo"

"Wag mo akong iwan, babe" sabi niya pero napakahina ito para malinaw na marinig ni yannie.

"Hoy ano ba! Tumayo kana jan at matulog nactayo di kita mabubuhat!" Tinapik niya ulit ito nag salita si seb "Mahal na mahal kita pasensiya na sa nangyari sa inyo ni baby di ko sinasadya. Patawarin ko ako. Wag mo pang akong iiwan." Narinig na iyon ni yannie at naamoy niyang amoy alak itong si seb.

"Lasing ka nga! Halika na tumayo kana jan at bukas na tayo mag uusap" pinilit buhatin ni yannie ang lasing na si seb para matulog at makapagpahinga na sila.

Nang mailagay sa kama si seb napag pasiyahan niyang punasan ang katawan ni seb. Kumuha siya ng maligamgam ng tubig at pinahid sa katawan ni seb. Pinalitan niya rin ito ng damit.

"Wag mo akong iwan, yannie" huling sabi niya bago ito tuluyang nakatulog.

Niligpit na ni yannie ang mga ginamit sa paglinis kay seb at nahiga na rin sa tabi ng lalaki. Tinititigan pa ni yannie ang mukha ng lalaki hinahaplos ang maamong mukha, hinalikan ang matangos na ilong at papunta sa bibig. Naiyak muli siya ng maalala ang mga nangyari ng mga nakaraang araw. Hinalos din niya ang kanyang flat ng tummy. Miss na niya ang kanyang baby kahit di pa niya ito nakapiling alam niyang mahal na mahal niya ito. Tumingin muli siya kay seb and says

"Sleepwell, mahal ko." She kissed his forehead














At SixteenWhere stories live. Discover now