Chapter 3

1 0 0
                                    

Agreement

Natapos nang nagusap sila mommy at daddy, nakita ko ang galit sa mata ni daddy nang nalaman niya about sa pregnancy ko.  Tinanggap naman ni daddy si baby. Naka hinga ako nang maluwag ng okay na kila mommy at daddy ang pagbubuntis ko.

Ang kaso sa mommy at daddy ni seb naman ngayon. Bukas ay di kami papasok ni seb para makausap ang parents niya. Kinausap ni daddy ang dean namin para ma excuse kami sa class naming dalawa ni seb. Kakilala ni dad yun. Kaibigan niya. Kaya napakiusapan niya ito.

Ito na ang araw na kakausapin namin ang parents ni seb. Kinakabahan ako baka di niya matanggap si baby. Napahawak na lang ako sa tiyan ko at kinakausap si baby.

"Kahit anong mangyari baby. Kapit lang ha? Kahit anong mangyari." Then i smiled.

Narinig kong kumatok sa pinto si daddy.

"Baby yannie, tapos kana ba? Let's go. Baka hinihintay na tayo ng parents ni sebastian." Ani daddy.

"Yes dad. Susunod na po ako." Tsaka inayos ang suot ko na t-shirt medyo malaki sa akin at naka mini skirt ako at pinartneran ko ng white shoes. Mas komportable ako sa ganito kong ayos. Kinuha ko ang phone ko at lumabas na sa kwarto ko.

"Let's go,honey." Sabi ni mommy. Smile lang ang sinagot ko.

Habang nasa biyahe kami ay di ko maiwasang kabahan muli. Pampalipas oras ay nag open ako sa phone ko. Nag laro nalang ako ng pwedeng malaro sa phone ko.

At nandito na kami sa bahay nila seb. Pumasok na kami at sinalubong kami ng pamilya ni seb at nagbeso beso.

"Maupo kayo marlyn at riego. Anong meron at bakit niyo naisipang mag dinner tayo." Ani tita nieves, mommy ni seb.

"Di na kami magpapaligoy-ligoy pa. Pumunta kami dito dahil buntis ang anak ko." Seryosong sabi ni daddy sa parents ni seb.

"Omg, seb. Is this true? Na buntis si yannie?" Seb nodded to his mom.

"At ikaw ang ama?" Tanong ng daddy ni seb.

"Yes po." Sagot niya.

"Kung gayon magiging daddy na si seb. At magiging grandparents na kami?" Gulat na sabi ni tita nieves.

Tango lang ang nasagot ng parents ko sa parents ni seb.

"Okay, gusto kong magpakasal ang anak natin sa lalong madaling panahon." Umpisa ni daddy.

"Dad!" Sigaw ko sa kanya.

"Yannie, alam kong bata pa kayo. Pero hindi maganda na manganak ka ng hindi kayo kasal. Para sa akin ayon ang makakabuti. Tama ang ama mo yannie." Giit ni tito richard

"Wag kang magalala, baby. Sa munisipyo naman kayo ikakasal. Tayo lang ang makaka alam. At secret lang ang kasal niyo." Ani daddy.

"Intindihin niyo nalang, yannie baby at sebastian. Okay?" Dugtong pa ni daddy.

"Okay po." Giit ni seb.

Omg ano ba naman itong pinagiisip nila daddy. Kasal agad? Di ko nga alam kung gusto talaga akong pakasalan ni seb e. Wala na akong magagawa mahal ko naman si seb.

"Siya nga pala. Kapag kasal na kayo, doon kayo sa condo ni yannie titira. Okay." Dagdag ni daddy.

"Doon ka uuwi sebastian. Pag kagaling sa school deretso agad ha? Hihinto muna sa pag aaral si yannie. Kaya maiiwan siya sa condo." Giit ni mommy.

Agad naman nag agree ang parents ni sebastian. Wala nang tumutol kaya mabilis ang agreement nila about sa amin.

"O siya wala namang problema sa pinagusapan natin. Mauna na kami. Maraming salamat." Tumango naman sila tita at tito.

At SixteenWhere stories live. Discover now