Chapter 6

2 0 0
                                    

"Tuloy ka, dito na kasi kami nakatira kasama si yannie." Rinig kong sabi niya.

Yung sinabi ni seb yun ay bigla akong nainis ng di ko alam. Akala ko ay safe na di magkikita ang dalawa. Ngunit nagkakamali pala ako.

At talagang dinala pa ni sebastian si selene sa condo ko. What the–?!

"Babe, i'm home. May bisita tayo." Saad niya sa sala kita kong papunta siya dito. Ngumiti naman ako ng plastic sa harap niya.

"Sino naman? Kilala ko ba?" Maang maangan kong tanong.

"Ahm si selene, friend ko." Napairap naman ako sa sagot niya. Tss, ako palokohin nitong gagong ito. E, ex niya yan. Kala siguro nito di ko alam. Gago. Mas lalong nanginit ulo ko talaga sa sinagot pa niya.

"Ganoon ba? May niluto akong ulam jan at kanin. Kumain na kayo. Teka, paghahanda ko kayo." Plastic kong akto.

Kinuha ko ang mga plato at mga kubyertos na pabagsak buti ay di siya narindi at di ako pinuna dahil jusko ang init talaga ng ulo ko.

Aba't di talaga ako tinulungan na maghain? Pumunta agad siya sa sala at iniwan ako? Seriously seb?!

"Ynno Sebastian Gonzalez! Handa na ang lahat. Halina kayo dito at kumain na." Bulyaw ko sa kanila sa sala. Ayaw ko ngang lumapit. Bwiset.

Ngayon ko lang siya tinawag na buong name niya sa sobrang inis ko. Pero di ko pinahalata. Magaling ako sa pagpaplastic.

Pumunta na siya sa kanya kanya nilang upuan. Pinakilala ako ni seb kay selene. Nakipag kamay naman ako sa kanya at umalis sa harapan nila.

"Babe, wait! Di ka ba sasabay? Halika na." Giit niya sa inakto ko.

"Di busog na ako, tsaka inaantok na ako. Kayo nalang. Pasensiya na selene kailangan ko na magpahinga. Pagod na si baby e." Diniin ko talaga ang salitang baby para dama niya. Kasabay nun ay ang paghaplos ko sa tiyan ko. Bahala siya bwiset talaga. Tsaka iniwan sila doon.

Nang nasa tapat na ako ng pintuan ng kwarto namin ay dali ko itong binuksan at sinara ng malakas. Yung rinig sa kabilang room. Letche.

-

Di ko na hinintay si seb. Gusto ko nang matulog sa inis ko. Pero di ko makatulog. Nakatunganga lang ako sa kisame hanggang magsawa ako. Narinig ko naman na may biglang humawak sa door knob kaya napapikit agad ako.

"Hindi ko nagustuhan ang inakto mo sa harap ni selene, yannie!" Bulyaw niya sa akin. Nako nagpapahinga na nga ako e. Minulat ko nang dahan dahan ang mga mata ko.

"Sa tingin mo nagustuhan ko rin ang ginawa mo?" Sagot ko sa kanya.

"Wag mong ibahan ang usapan. Wala akong kinalaman dito. Dahil ang inakto mo sa harapan ni selene ang usapan!" Bulyaw nanaman niya.

Pumikit nalang ako. Ayaw kong makipagtalo sa bwiset na to. Simula nang nalaman naming buntis ako ay wala na akong matinong mood. Wala na rin kaming matinong usapan ni seb. Nag iba lahat. Wala na yung sweet moment namin di ko alam. Tapos ngayon nagsinungaling pa siya.

Di ko alam pero bigla niya akong hinila patayo sa kama ko. Dahil sa gulat ko agad akong napatayo. Ngayon ay magkaharap na kami at kita ko ang mata niyang nanglilisik sa galit.

Tinapangan ko naman ang aura ko di ako magpapatalo sa gagong to. Sinungaling!

"Ano ba problema mo, Sebastian?" Irita kong tanong.

Tinitigan niya ako "Ikaw ang problema ko yannie, hindi ko alam kung bakit mo nagawa yung inakto mo kay selene kanina!" Bulyaw pa niya.

"Ayaw mo bang malaman niya na buntis ako? Na magkakaanak na tayo? Bakit gusto mo pa rin siya?! Osige magbalikan kayo!" Inis kong bulyaw sa kanya.

"Ano ba ang pinagsasasabi mo riyan, yannie? Alam mo ang labo mo!" Giit niya.

"Wow! Nagmamaang maangan pa ha?! Akala mo ba na hindi ko alam na ex mo yang si selene. At ang mali mo ay pinakilala mo sa akin na friend lang kayo. Kaya mas lalo akong nainis sa pagsisinungaling mo!!" Pasigaw kong sagot.

"Ano bang mali doon ha? Kaibigan ko naman talaga siya. Ano bang pinaglalaban mo?!" Bulyaw niya muli.

"WALA!" Sigaw ko sa kanya.

Umalis ako sa kwarto at pumunta sa kabilang kwarto malayo yun sa kwarto niya gusto kong mapagisa doon muna ako matutulog malinis naman yun. Ayaw ko lang makita itong kumag na to at ayaw ko siyang makausap.

Narinig ko na ang lakas nang hangin. Dito sa kabilang kwarto. Maliit lang kasi ito kaya malapit sa bintana. Kita ko na malakas ang ulan at hangin. May bagyo yata e.

Hihiga na sana ako nang biglang nag black-out, nagulat naman ako at napasigaw ako sa takot. May phobia ako sa dilim. Nung bata kasi ako magisa ko lang sa kwarto ko at biglang namatay ang mga ilaw. Di ko alam basta bigla nalang ako natakot at nagiiiyak doon.

"SEB!" Sigaw ko. Kinakapa kapa ko ang paligid ko dahil madilim di yata ako narinig ni seb. Patuloy lang ako sa paglakad at pagkapa sa paligid ko. Pero sa kasamaang palad di ko nakapa ang pinto ng kwarto at tumama ako roon. Napahawak ako sa noo ko dahil iyon ang sumakit. Maya maya ay biglang sumakit na rin ang tiyan ko. Shit! Tumama rin ang tiyan ko sa door knob.

Patuloy na humihilab ang tiyan ko. Napaupo na ako sa sakit.

"SEB! SEB! SEBASTIAN!! Help me please, babe. Tulungan mo ako!" Sigaw ko tsaka humagulgol sa sakit ng tiyan ko.

Nagulat ako nang biglang bumukas ang mga ilaw at mas lalo akong nagulat nang may nakita akong dugo sa pagitan ng mga hita ko.

"SEB!!" Sigaw ko nang malakas. Buong pwersa ko sinigaw para marinig niya ang tulong ko.

Pero walang dumating na seb. Wala. Ang baby ko. Hagulgol ko habang hawak ang sinapupunan ko.

Sinubukan kong tumayo para kunin ang phone ko sa higaan. Pinilit ko talagang makuha iyon. Nang nakuha ko na tinawagan ko si mommy.

"Mom, please help me. Humihilab ang tiyan ko. Kailangan ko kayo, may dug–" di ko na natuloy ang sinasabi ko dahil nahimatay ako. Nabitawan ko ang phone ko na nahulog sa sahig.

-

Pagdilat na aking mga mata, mga puting ilaw, ding ding, at kumot ang aking nakita. Teka nasaan ako? Napabalikwas ako.

"Mom, nasaan ako?" Tanong ko.

"Honey, magpahinga ka muna. Nasa hospital ka." Malungkot niyang sagot sa akin.

"Mom, anong nangyari? Si baby? Kamusta? Mom, sagutin mo ako. Si baby?!" Bulyaw ko. Hindi ko kinaya dahil humagulgol si mommy sa harap ko.

"Mom, please. Si baby? Sagutin mo naman ako. Ayos lang ba siya? Nasa tummy ko pa siya?!" Umiiyak kong tanong.

"Nakunan ka honey, wala na si baby sa tummy mo." Hagulgol siyang sagot.

Napatanga naman ako sa narinig ko. Tumulo ang luha ko sunod sunod walang tigil. Kasalanan ko to e, shit! Wala na si baby. Wala na siya. Humagulgol ulit ako.

"Stop crying, baby. Naiintindihan kita. Please pahinga ka muna oh." Patahan sa akin ni daddy.

"Dad.." I sobbed niyakap ko siya sa beywang niya tsaka umiyak ng umiyak.

"Shhh stop na baby. Daddy is here. Di kita pababayaan." Rinig kong kumbinsi niya para huminto na ako. Kakaiyak ko ay nakatulog ako muli sa beywang ni daddy.

Nagising ulit ako pero di na sila daddy at mommy ang kasama ko sa loob. Nakita ko sa seb na nakahilig sa kama na hinihigaan ko at natutulog.

Bakit ngayon ka lang dumating seb. Tanong ko sa isip ko. At nagsimula nanamang magunahan sa pagtulo ang mga luha ko. Bakit hindi mo ako natulungan at ang anak natin. Kailangan kita kagabi pero wala ka. Saan ka nanggaling. Tuloy ko pang tanong sa isip ko.

Naramdaman ko naman na gumalaw siya at tinignan ako na nakaupo sa kama.

"Yannie.." Mahina niyang tawag sa akin.





At SixteenWhere stories live. Discover now