Chapter 04

537K 21.1K 15.2K
                                    

#ILWTG04 Chapter 04

Ysmael Agosto Gomez de Liaño wants to be your friend

I automatically clicked decline. Kasalukuyan akong kumakain ng breakfast nang maka-rinig ako ng katok mula sa pader. Agad na kumunot ang noo ko.

"Accept my friend request!" sigaw mula sa kabilang unit. Aba't! Hindi na lang pang-aabala tuwing gabi ang ginagawa niya, umaabot na rin sa umaga!

I stood up and got my noise-cancelling headphones. Bumalik ako para tapusin iyong breakfast ko. In the past weeks that I lived here, kagabi lang ako naka-tulog nang maayos. True to what Yago said, he took his 'activities' elsewhere. Sa ibang lugar na siya lumalandi, thank God!

SCA-CL- 1S (GC)

Ysmael Agosto: @Aurora Marie accept my friend request

Agad na nanlaki ang mga mata ko. Did he—

"Walangya ka!" I said, shouting at the wall. "Burahin mo nga iyon! Pati sa groupchat nagkakalat ka!" sabi ko habang hinahampas iyong kawawa naming pader.

I could hear him laughing. "Ayaw mo kasi akong pansinin."

"Di ba clue na dapat 'yun para sa 'yo?!"

"Kanina ko pa naaamoy 'yung breakfast mo. Meron ka pa ba?"

I almost pulled my hair because of my frustration for him! Seriously! Kahit gaano ko siya sungitan, it seemed like may baon siyang mahabang pasensya. And he's always smiling! It's driving me nuts!

"Bumili ka ng sarili mo!"

"I always eat out. I miss eating home cooked meals. Sige na, Rory?" sabi niya habang nagpapaawa sa akin. "Galit ka pa rin ba sa 'kin? 'Di na nga ako umuwi kagabi in consideration of your complaints."

Umawang ang labi ko. "Wow, dapat bang magthank you ako?"

"Hindi naman. Sinasabi ko lang na nag-adjust ako para sa 'yo. 'Wag ka na kasing masungit sa 'kin. Ang ganda-ganda mo tapos sinusungitan mo ako palagi."

Nanlaki ang mga mata ko.

No! Hindi ako mapupunta sa posisyon ng mga babaeng nilandi niya! I've been in the other side of the room! Hinding-hindi ako papayag na dumating ang araw na ako naman ang sumigaw ng Oh god, Yago! Oh god!

In order to get him to shut up, pumunta na ako sa kusina. I got my only tupperware and put food in there. 'Di ko alam kung aso ba 'yang si Yago at bakit naka-rating sa unit niya iyong niluto ko! Dried pusit and fried rice lang naman 'yun, kung magmakaawa siya akala mo ginugutom.

I silently walked out and put the tupperware in front of his door. Nang maka-balik ako sa unit ko, kinatok ko siya.

"Nasa labas na ng room mo iyong pagkain," I said.

Moments later, I heard him saying, "Grabe, iniwan mo lang 'dun?"

"Binigyan na kita ng pagkain. Tumahimik ka na."

I heard him laughing again. "Okay. Later again, Rory."

Napailing na lang ako. Parang biglang may aso ako na kailangang pakainin at ientertain palagi. Ang kaibahan nga lang, cute ang aso. Si Yago? Ugh, fine, cute siya pero malandi siya. Mas nangingibabaw ang kalandian niya.

That afternoon, I went out para pumunta na sa school. Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko nang makita ko si Yago na nag-aabang sa labas ng pinto ko. Naka-sandal siya habang naka-lagay ang mga kamay sa bulsa.

In Love With The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon