Preface

476 20 0
                                    

Sabay-sabay ang ingay at liwanag ng mga lenteng nakapalibot sa amin, sa kanila. Kung iisipin mo, ikabubulag nang tunay ang bawat pitik ng ilaw kung namumuhay ka sa kadiliman ng matagal. Pero ang buhay ay hindi umiikot sa liwanag at dilim lang.. may kulay.. may pag kakaiba.. may pagpipilian.

Kung saan ako lulugar, saan pupwesto sa gitna ng liwanag na ito para maitago, hindi ko alam. Sa ngayon, isa lang akong gamo-gamo na malapit man sa nagliliyab ng apoy, ay hinding-hindi magpapawalay ng ilaw na sumasakop sa kadiliman.

------

Copyright 2019

Animo AninoWhere stories live. Discover now