#HeyCohen92

311K 12K 2.9K
                                    

12-10

Haley:

Aba may pa IG story na kayo landi landi niyo

Sari:

Haley:

Hoppla! Dieses Bild entspricht nicht unseren inhaltlichen Richtlinien. Um mit dem Veröffentlichen fortfahren zu können, entferne es bitte oder lade ein anderes Bild hoch.

Haley:

LANDI

Sari:

Hahahaha grabe naman :( di naman ako nagpost ah!!!! Di ko nga alam na kinunan niya ng pic yung drinks namin???

Haley:

Ano? 'Friends' pa rin press release niyong dalawa

Sari:

Uu. Wala naman siyang sinasabi. Friends lang kami ganern

Haley:

Alam mo dati nakakaworry yang pagiging assumera mo... Ngayon nakakaworry yang pagiging in denial mo. Di ko alam kung ano yung mas malala

Sari:

E mahirap namang mag assume no? Saka mas enjoy kaya yung ganito lamoyun? Akala ko dati sobrang stalker ko na kay Cohen na tipong kilalang kilala ko na siya... pero ngayon, dami kong nalalaman about sa kanya

Haley:

Like?

Sari:

Sobrang ganda niya magsulat parang calligraphy level. Sobrang lakas niyang uminom ng tubig??? LEGIT SOBRANG NICE NIYA PARANG DI NA TOTOO???? Respectful din as in lagi niya akong pinagbubuksan ng pinto kahit saang pinto man ako pumasok. Tapos he always asks me kung okay lang ba ako o ano. Tapos bilis bilis din mamula ng buong mukha niya kapag tinutukso ko siya

Haley:

Ahhhh ganyan pala pag friends

Sari:

Ay grabe siya oh

Haley:

Haha jk 

Happy for you as long as you're happy

Sari:

Naks english hahaha charot

Basta okay naman kaming dalawa... kapag nag level up, e di okay. Kapag hindi... edi shing

Haley:

Alam mo ang weird... nagmature ka na ng konti talaga

Sari:

Grabe sa konti lang???

Haley:

In some ways, sobrang nagmature ka pero siraulo ka pa rin

Medyo okay rin pala na na-threatened ka sa upuan no? Mas sineryoso mo pag-aaral mo. Di na centered sa paghahanap ng lovelife iyong buhay mo. In a way, nagkaroon ng patutunguhan yang buhay mo.

Sari:

Grabe naman yung pagkakaphrase mo hahahaha 

Haley:

Ngayon lang kasi kita nakita na magseryoso sa school haha medyo weird for me pero in a way nakakaproud for some reason

Sari:

Nahanap ko na kasi yung gusto kong gawin... At saka sa totoo lang, wala namang sinabi sa akin na masama si Celia... Ako naman iyong gaga na nagstalk sa kanya kahit pinipigilan mo na ako noon. Ako naman iyong kusang nathreaten nung nakita kung gaano siya kaganda... lamoyun? Ang classy kasi ng dating niya... Tapos parang nafigureout niya na lahat sa buhay niya. 

Di naman ako 'threatened' more like 'inspired.' Na dapat ganoon din ako. Kasi tbh, ganoon iyong mga tipo na nakakatuluyan ng mga kagaya ni Cohen

Haley:

Nagustuhan ka naman ni Cohen kahit nung pariwara ka pa... pero good for you. As long as you're doing that for yourself and no for anyone else

Sari:

Hehe labyu!!!! I love myself better now kasi may goals na ako di kagaya ng dati na goal ko lang makagraduate ng highschool charot 

#ChangedPerson na talaga ako be proud

Pero antok na ko :((( buong araw akong nasa labas tapos kahit antok na antok na ako sa sobrang traffic nung pauwi na kami, di ako makatulog kasi gusto ko pa siyang kausap haaaaaay

Good night, Haley my lab 


Hey, Cohen (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt