#HeyCohen151

265K 9.7K 1K
                                    

05-12

Sari:

Uy may alam ka bang parttime???

Haley:

Bakit kulang pa ba school + work + lovelife kaya kailangan mo pa ng parttime?

Sari:

Okay na ko sa school pasado na ko sa UBC

Haley:

Okaaaay e sa lovelife? May problem na agad kayo ni Cohen?

Sari:

Wala ah

Haley:

Utot mo

Sari:

Wala nga issue to

Gusto ko lang ng gagawin para busy ako ganern at saka extra income na rin para sa college

Haley:

Utot mo dami mo na ngang pera kasi may allowance ka sa kuya mo e

Ano nga problema mo?

Sari:

Kasi :(

Naalala mo nung absent ako nung isang araw? Pumunta kasi ako kay Cohen tapos sabi ko kasama kita... Tapos e nung nandun na ko parang ayoko na umalis kasi gusto ko lang siya kasama kaya pinilit ko siya na don na lang ako matutulog. Di ko alam pinagalitan pala siya ni Kuya

Haley:

Una sa lahat, pota ka ginamit mo na naman ako

Pangalawa, gaga ka ba?

Sari:

Oo na alam ko naman na gaga ako kaya nga nagbabagong buhay na di ba? Magtatrabaho na lang ako para busy ako para di na ako makulit

Haley:

Di naman yun kailangan. Basta alam mo limits okay na yun.

Sari:

Ayoko lang kasi makulitan si cohen sakin... paano kapag nainis na siya? Syempre kahit mahaba pasensya nun sakin pano kapag nasagad ko? Ayoko makipagbreak :(

Haley:

Sinabi mo ba yan sa kanya?

Sari:

Uu

Haley:

Sabi niya?

Sari:

Okay lang naman daw wag na daw ako maguilty

Haley:

O yun naman pala

Sari:

E mabait kasi talaga yun kaya malamang yun talaga sasabihin niya pero naguguilty talaga ako haaaaaaaaay 

Basta ihanap mo na ko ha? Sure naman ako sa college magiging busy na talaga ako. Kailangan ko lang talaga ng diversion ngayon

Hey, Cohen (COMPLETED)Where stories live. Discover now