#HeyCohen1of5

379K 14.5K 8.1K
                                    

Epilogue (1 of 5)

"Can I please go home? I'll just send you my part," paki-usap ko sa group mate ko. Kanina pa kaya ako naka-pout dito! Gusto ko na kasi umalis! Kanina pa ako nagsasabi na magstart kami kaya lang kung anu-anong funny videos ang pinapanood nila! Tapos ngayon na gabi na at saka pa lang magsisimula!

May curfew kaya ako! Akala ko joke lang ni Kuya iyong may access siya sa CCTV pero totoo pala! Grabe talaga 'yun! Kulang pa ba iyong mga anak niya kaya pati ako nadadamay? Sana mabuntis ulit si Ate kasi nakaka-takas lang naman ako kay Kuya kapag buntis si Ate kasi napapraning siya doon.

"Sorry, love," one of my groupmates said. "Deadline's tomorrow. We gotta finish this. But on the bright side... we have donuts!"

Napa-kunot ang noo ko. Hinding-hindi ko talaga maiintindihan ang fascination ng mga Canadians sa donuts! Pati nga si Drew mahilig sa donuts... to think na sobrang health conscious nun. Ano na kaya nangyari dun? Same sila ni Haley ng school e. Hmmm.

Dahil ayoko namang makipag-away, tumayo na lang ako at saka pumunta sa balcony.

"Cohen," sabi ko sa boses na nagsusumbong. "Ayaw nila akong paalisin. Tatapusin daw namin."

"Oh... It's okay."

"Sabi ko sabay tayo magdidinner, e..."

"It's fine. What time will you finish? I'll pick you up."

"Hindi ko alam... Pero baka madaling araw na. Tulog ka na, baby boy."

"No, it's fine. Just text me when you're done."

"E mapupuyat ka," sabi ko sa kanya. Na-stress nga ako nung pumunta si Tita Anna ng biglaan! As in first hand ko nakita kung gaano ka-baby boy si Cohen! Pinagalitan siya kasi pumayat daw (feeling ko hindi naman same pa rin naman itsura niya) tapos bakit daw may eyebags (na na-konsensya ako kasi ako yata dahilan kaya may eyebags kasi tuwing late ako umuuwi, sinusundo niya ako. Didn't matter if 3 or 4am na ako matapos, basta susunduin niya ako).

Haaaaaay.

Peste talaga mga groupmates ko! Kung 'di sila nanood ng video nung unggoy na nangunguha ng gamit, e 'di sana patapos na kami! E 'di sana ka-dinner ko na si softboy ngayon!

"I'm doing my papers," he reasoned out.

"Fine. Kain ka na."

"Have you eaten?"

"Di pa! Donut lang meron!"

He laughed. Alam niya kasi na badtrip na ako sa donut. "You want me to swing by and bring you food?"

"Wag na. Grabe naman maka-spoil 'to," I said, smiling to myself. Bakit ang swerte ko? Love life lang naman hanap ko... pero sobra-sobra yata nakuha ko.

'Di ko pa nakikitaan si Cohen ng flaw... well, bukod sa pagiging takot niya kay Kuya. As in sinusunod niya lahat ng sabihin ni Kuya. Two months in college, 'di pa ako nakaka-pasok sa apartment niya!

"But seriously? You want?"

Tumingin ako sa mga groupmates ko na busy na naman na manood ng video! Leche naman?!

"Okay punta ka dito. Text mo ko kapag nasa baba ka na."

Bumalik ako roon. Nagsimula na akong gumawa ng intro habang tawa sila nang tawa. Nakaka-kalahating page na ako nang magtext si Cohen na nasa baba na raw siya. At dahil busy pa naman ang mga magagaling kong groupmate, hindi nila napansin na umalis ako. Bahala sila d'yan.

I bit my lower lip to supress a smile when I saw him standing outside the door and holding a paper bag. He was wearing a navy blue winter coat and black beanie kaya na-flat 'yung kulot niyang buhok. Ang pula rin ng ilong niya.

Hey, Cohen (COMPLETED)Where stories live. Discover now