#HeyCohen2of5

368K 13.3K 6.7K
                                    

Epilogue (2 of 5)

Sobrang antok na antok pa ako dahil pinilit ko talaga na tapusin lahat ng pending na papers ko kagabi dahil may date kami ni Cohen ngayon. Kapag kasi alam niyang may kailangan akong gawin for school, ipipilit niya na unahin ko 'yun. Mas important daw ang acads dahil siya, makakapaghintay naman... E dahil ayokong pinaghihintay siya kaya pinilit ko talaga na tapusin kagabi.

Besides, sobrang busy namin both for the first two months! Sobrang dalang namin nagkikita! Ang pagkikita lang talaga namin ay kung hindi ihahatid niya ako sa school o susunduin kasi late ako makaka-uwi. Kailangan na talagang mangyari 'yung date na 'to kung hindi, mababaliw na ako!

"Okay," I told myself as I was drying my hair. "Tapos na ko sa school... Okay na rin 'yung laundry... May naka-limutan pa ba ako?" I wondered out loud because I really didn't want to forget anything. I just wanted to enjoy this day with Cohen.

Gusto ko lang lumandi ngayong araw!

Nang maka-sigurado ako na okay na lahat, nagtext ako sa kanya na ready na ako. Okay lang naman talaga sa akin if ako naman iyong pupunta sa kanya for a chance dahil palagi niya talaga akong sinusundo... Pero ewan ko ba dahil talagang nag-iinsist siya na siya ang susundo sa akin palagi. Walang equality! Charot!

Naka-suot ako ng white thermal leggings tapos pink na winter coat and white na beanie. Ilang taon na ako sa Canada pero isinusumpa ko pa rin iyong lamig dito! Nase-stress ako kapag winter talaga na tipong napapatanong ako kung ano ba ang mali sa mga desisyon ko sa buhay. Kaya lang naman ako napunta dito ay dahil kailangan kong tulungan si Ate dati na itago kay Mama na buntis siya. Natakot ako nun kasi baka biglang atakihin sa puso si Mama kapag nalaman na buntis si Ate tapos hindi namin alam kung sino 'yung tatay.

Wala na akong Papa... 'Di ko na kaya mawalan ng Mama...

Kaya kahit sobrang hirap na iwan lahat ng kaibigan ko sa Pilipinas, pinilit ko na lang. Kasi alam ko na magiging okay naman lahat. And I was right...

Wala na nga akong Papa... May dumating naman na mas mahigpit. Kulang na lang itali ako ni Kuya sa sobrang kulit ko, e. Lagi kong iniinis 'yun pero sobrang thankful ako kasi kahit 'di niya talaga ako kadugo, mahal na mahal ako nun. Love ko rin 'yun 'di ko lang sinasabi kasi baka lumaki ulo.

"Hey," he said with a gentle laugh nang sinugod ko siya ng yakap. 'Di kasi kami nagkita kahapon dahil sa lecheng groupwork ko na naman tapos siya ang dami ring paper. As in legit ang dami palang research and paper ng masteral! Parang natatakot na tuloy ako if ever.

Ayoko rin siyang isama sa group meetings ko dahil may isa akong groupmate na iba ang tingin kay Cohen. Tsk. Alam ko mga ganyang tingin! Asa pa siya!

"Kiss ko?" I asked, pouting.

He leaned in and kissed me on the lips. Ganon kasi talaga, simpleng landi lang. Pero 'yun talaga 'yung ritual namin—kiss pagnagkita tapos kiss bago maghiwalay sa gabi. Ang saya lang talaga ng buhay ko. Ang tanging pahirap lang ay 'yung mga pasaway kong groupmates!

"Ready?" he asked.

"Tuturuan mo ako, 'di ba?" He nodded. "Good! Kasi tuturuan na talaga dapat ako ni Drew dati kundi ka lang nag-inarte."

Kumunot ang noo niya. "Why do you need him? I know how to ski, too."

"E wala ka naman dati dito."

"I'm here now," sabi niya sa ibang tono. Seloso talaga 'to! 'Di masyadong obvious pero oo.

I stuck my tongue out. "Seloso."

"Your fault. You made me this crazy."

I grinned and gave him a side hug. "Labyu."

Hey, Cohen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon