The Paramour's Cry

90 8 2
                                    

September 18, 2016

Nandito na ako ngayon sa airport. Mag-isang mag byabyahe papuntang Canada, hindi kasi nagsabay yung booking ng flight namin nina mama at papa, nauna na sila kahapon.

Pero tukneneng naman oh! Yung nag-iisang printed na picture saken ni Luna, nahulog kanina. Hindi ko din alam kung saan, isiniksik ko kasi kanina sa pocket ng wallet ko, siguro nasama nung kunuha ko yunh pocket money kong kasama nun.

Wala na akong pag-asang mahanap yun, kaya mabuti pa papasok na ako at baka malate pa ako sa flight, iwanan ako ng eroplano. Akmang hihilain ko na yung maleta ko nang may humila sa damit ko sa likod.

"Kuya nahulog mo oh." Ani nito sabay abot ng isang papel. Tapos ay agad din siyang umalis. Hindi na ako nag-abalang tignan yung mukha niya dahil nakayuko naman ito.

Tinignan ko yung inabot niyang papel. Ito yung picture ni Luna na nahulog ko!

Agad kong nilingon yung babaeng nag-abot nakatalikod na siya at naglalakad palayo. Muli akong napatingin sa picture.

Shit! 

Hindi toh pwede! Yung dress, boots at ayos ng buhok ni Luna na sa picture ay parehong pareho sa babaeng nag-abot. Yung hitsura ni Luna pagnakatalikod parehong pareho sa kaniya.

"Ading teka lang!!" Iginilid kung maleta ko at sinundan siya. Tila hindi naman niya ako narinig dahil hindi siya lumingon pabalik sa akin

Malapit na ako sa kaniya pero bigla siyang lumiko, lumiko siya sa parte kung saan madaming tao. Wala na, hindi ko na siya makita, kung saan saan pa ako nagpunta, lumingon, pero wala na talaga.

Pakiramdam ko, halucination ko lang pero hindi, muli kong tinignan yung litratong hawak ko. Hindi ako naghahalucinate. 

Pero kasi, yung cream floral above the knee dress at light brown boots na suot ni Luna sa picture ay parehong pareho sa suot ng babae kanina. Maski yung kung paano ang pakakabraid ng buhok ni Luna ay pareho sa kaniya. tumingin ako sa paligid at nakita kong may mga mangilan ngilang pares ng matang nakatingin sa akin. Tinamaan naman ako ni kupido ng pag-ibig este hiya kaya binalikan ko nalang yung maleta ko at pumasok na sa loob.

Siguro insedente lang talaga, na nagkataon lang lahat ng nakita ko kanina. Pero may parte sa akin na sinasabing si Luna iyong nakita ko. Marahil sadyang ibinalik niya lang talaga itong litrato sa akin, siya iyon, ni hindi ko pa nga nakita ang mukha niya.

Napangiti nalang ako, ang bait niya talaga kahit maldita siya.



The Paramour's CryWhere stories live. Discover now