Ang Storya ng Eroplanong Papel

3.7K 32 7
                                    


Dedicated to Ava Pineda

(Language: Tagalog/Filipino)

Siguro nagtataka ka ngayon kung bakit may hawak kang eroplanong papel. Wish ko sa'yo na itago mo yan hanggang ika-18 ng Disyembre sa taong 2018. Mahirap ba ang hiling ko? Kung nasaan ka man ngayon, nasa pinakamataas na building, o sa sahig pa ng bahay mo. Lumabas ka sa araw na ito, sa bakuran ninyo o sa may bintana, at ipalipad mo sa oras eksakto alas otso ng umaga. Kung nasa Pilipinas ka, mas maganda, pero okay lang din kung nasa ibang bansa ka. Ikkwento ko sa'yo ang kwento ng eroplanong papel.

May isang dyornal akong babasahin para sa'yo. Ito nilalaman niya:

January 4, 2012

Dear diary,

Bigyan mo ako ng signs. NBSB pa rin ako hanggang ngayon! Gusto ko sana ung manligaw man sa'kin ung matangkad, maputi, gwapo, mayaman, at higit sa lahat matalino! Naku! Mahirap bang hanapin ung ideal guy ko? Sige, mabait na lang. LOL. Basta, yan gusto ko ok? Kung di siya ganyan, di ko siya papakasalan! Dapat mapapakain niya ko noh! Sige, goodnight.

January 7, 2012

Dear diary,

Alam mo ba ang textm8? Naku, ung friend ko kase, kung kani-kanino binibigay number ko! Eto at may katext ako ngayon. Wala na nga ako load, pinasa-laod pa ko! Ang kulit! Pangalan daw niya Brylle. Puro quotes din sinesend sa'kin! Tinatanong pa ko kung may BF na raw ako! LOL. Insulto ba to? Naku, sige text ko muna siya, goodnight.

January 10, 2012

Dear diary,

Musta na? As if humihinga ka di ba? Pero sa'yo ko lang naman na-sshare mga secrets ko eh. Anyway, ikukwento ko sa'yo nangyari kanina! Nameet ko na si textm8! Naku! Hmm...okay naman siya. Di ganun ka-gwapo, pero gandang ganda siya sa'kin LOL. Kapal din ng mukha ko noh? Pero, ayun nga, titig siya ng titig sa'kin. Naccreep-out ako! Pero, gentleman siya tska marunong tumugtog ng guitara. Dala niya kase ung guitara niya, may gig daw kase sila. Eto namang friend ko ang ingay-ingay! Parang siya ung naka-gitna sa amin! LOL. Ayon, lalo niya naman ako tinetext ngayon! Di ko siya maintindihan. Kailan lang kami nagkakilala, CRUSH na daw niya ako! Bilis niya ah! O siya sige, goodnight na!

February 14, 2012

Dear diary,

Sorry diary, nakalimutan ko na magsulat sa'yo, paano, stress sa school. Eto, valentines day today di ba? Wala man lang ako natanggap! Kahit kay textm8, ang kapal pa ng mukha mag-text2 sa'kin, la naman pala binuga tong sira ulong to! Hay... eto, gusto ko na siya ibasted, pero di ko nga rin alam kung panliligaw ba ginagawa niya! Hay! Ewan! Goodnight! Mainit ulo ko ngayon!

February 20, 2012

Dear diary,

Sinama ako ng friend ko sa gig ni Brylle, nung una di ko alam saan kami pupunta, eh eto pala at sine-set-up na pala ako. Anywayzzz, nalaman kong nagka-GF pala siya at nag-break sila dahil sa'kin!!! Ang sama ko naman!!! Ni di ko nga alam na may GF pala siya tapos ako pa ung dahilan di ba? Kaloka lang. Ayon, pormal na raw siya manliligaw sa'kin. Pero di ko siya pinayagan. So, tumugtog na lang siya sa stage. Dami namang girls sumisigaw para sa kanya! Naku! Ayaw ko ng sikat! Kaya naman di ko rin siya mapayagan, kase kabaliktaran siya lahat ng ideal guy ko!!! Di katangkaran! Di maputi! Di mayaman! Di nagtapos! Waley talaga! Tapos mahilig pa makipag-party, inuman, etc. O di ba? As if naman di ba? Cge next time ulit goodnight.

Short Stories 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon