Prinsipe Erik

208 2 1
                                    

Maraming pagkakataon sa buhay natin, nasabi natin na "sayang"

Sayang, hindi ko siya pinagbigyan.

Sayang, hindi ko siya binigyan ng chance.

Sayang, pinakawalan ko siya.

May nabasa ako, na walang "love at the wrong time" kaya daw wrong timing kasi daw not meant. Ang love daw ay nasa tamang panahon at sa tamang tao, agree ba kayo?

Depende pa rin di ba? Paano kung lahat wrong person dumating sayo di ba?

Pero ang kaso diyan kasi, right person, pero pinakawalan mo...tanga lang?

Tapos ang pinapasok mo sa buhay mo ung wrong person.

Imbes na si Prinsipe Erik, si Palaka ang sinagot.

Bakit? Hindi puso sinunod. Hindi rin utak. Alam mo kung ano? Prinsipyo. Prinsipyong baluktot.

Nagworkshop ako. Dapat hiphop dancing ang kukunin ko kasi gustong-gusto ko matutong sumayaw. Pero lumiliwanag ung isang workshop : acting workshop.

Ano pa ba? Ayun ang kinuha ko.

Sobrang kinakabahan ako. Lahat ng nasa workshop mukhang magkakakilala na sila. Nastarstruck din ako sa kanila. Magaganda ang mga nasa loob. Saang planeta ba ako galing? Naligaw ata ako!

Nasa harapan namin ung director, si Direk Jay. (Siya ung nagdirek nung kila Anne Curtis na "Just a Stranger") Inisa-isa kami. Introduce yourself, at marami pa siyang activity na pinagawa. Naging close ko ang mga kaworkshop ko, mababait naman sila. Meron pa kaming group activity na drama, ang galing ko umakting! Kahit ako gulat sa ginawa ko, napaiyak ako sa scene ko kahit on the spot na ako nagrehearse. Rehearse/on-spot-acting na.

Role ko ung blacksheep na anak, na naglalayas hahaha! Kailangan before ng eksena, icontain mo ung emotions mo para pag-act mo, mailabas mo lahat. Naging ala Maja Salvador ako! Joke lang! Feeling lang.

Pero simula non, kinakausap niya ako. Madalas.

Siyempre hanggang "hi" lang ako sa kanya, nahihiya din kasi ako. Close sila ni direk. Close sa lahat.

Maliban sa owner ng workshop, siya ang pinakagwapo doon.

Dahil parang medyo nakakausap ko siya, ung isa sa mga girls na kasama namin sa workshop nagtatanong sakin kung pwede ko sila ilakad. Siyempre di ko rin alam, so ang ginawa ko, sinubukan kong ipaglapit sila.

Nagtagumpay naman ako! Naging close sila.

Dumating na ang araw na kailangan namin magrehearse at audition para sa mga roles na gaganapin para sa Little Mermaid. Yun ang pinili ni direk at napagbotohan ng marami na gagawin namin sa stage. Sa SM Cinema daw kami magpeperform.

Gustong-gusto ko mag-audition para sa role ni Ariel, kaso hindi ako mukhang Ariel. Mas maganda kasi si Shai, at mas bagay nga naman niya ung role. Si Shai ung pinakamaganda sa workshop, mukha talagang artista. Super nakaka-starstruck. Pero, in fairness sakin memorize ko na ang lines ni Ariel. Pero mas thankful naman ako sa roles ko na napakarami. May ilang change costume pa ako.

Roles ko, pirata, page na may kakainin at mag aadlib, mermaid sister ni Ariel. Parang ako pa naging comedy sa show. Hahaha!

May roles ako na kasama ko si Prinsipe Erik.

Tumpak ka diyan sa iniisip mo, siya nga ang napili sa role.

Matanda siya ng apat na taon sakin, so college na siya, samantalang highschool pa lang ako. Bakit ko ba sinasabi ang edad namin? Anyway, ang lagi kong naririnig sa kanya ay ang ganda daw ng ngiti ko.

Short Stories 2020Where stories live. Discover now