Crayola

344 6 1
                                    

Lahat naman siguro tayo nagkaroon ng "first crush" di ba? Ung tinatawag nating "puppy love"...

...tipong nasasaktan ka kahit wala namang "kayo"

Oh di ba?!

Syempre ako rin, meron! Ako pa ba? Hinding hindi ko un makakalimutan! Yung...yung crayola.

Grade three. Kami ng bff kong si Karen, nagsusulatan kami. Uso pa non ang exchanging letters gamit ung mga mababangong stationary at may decoration pa na colorful. Kami ni Karen nag-aminan kami kung sino ang crush ng isa't isa. Nagkataon parehas pa kami ng crush, si Jon. Jon Snow, char! Basta si Jon, hawig pa siya ni Daniel Padilla! >.< ♡♡♡

As usual, ung seatmate kong si Arc na dilaw na dilaw ang ngipin binabadbreath na naman ako! Kadiri talaga! "Magtoothbrush ka nga!" Lagi ko naman sinasabi sa kanya. Nagsalita ang di nagtotoothbrush di ba? Di man nga kami bininili ng toothbrush ni mama non eh, so paano ako magsisipilyo? Ginagawa ko lang non dahil sagana kami sa matamis na tubo (sugar cane), ayun ang peyborit ko at sinisipsip at nginangatngat ko! Tawag diyan, dalagang bukid!

Madami akong kalaro, naglalaro kami sa kalsada okaya sa labas ng bahay okaya sa bukid, mapa sipa, trumpo, patintero, pico, at madami pang iba, pati umakyat ng puno, mangisda ng butete, manghuli ng palaka at salaginto't salagubang, pati gagamba. Name it all!

Pero sa school, pabebe, siyempre kunwari mahinhin beh. Hahaha!

Kaya nga kahit ung seatmate ko napaniwala kong mas badbreath pa siya kesa sakin. Kasi para di ako mahalata di ba, tikom bibig lang, may deportment award pa! Oha di ba, anong say mo?

So balik tayo kay crush noh? One time nga pinagkaguluhan siya sa dala niyang isang malaking set ng crayons. Siguro wala lang akong alam non sa mga pangkulay pero kung iisipin kong mabuti ngayon yon, may oil pastels siya, coloring pencil, wax crayon, watercolor, markers, at kung ano-ano pang nasa complete set na box niya. Nasa may tabi ako ng windows nakaupo, siya naman sa second row, pinakalikod. Matangkad kasi siya.

Nilakasan ko loob ko na kausapin siya. Ako na mahinhin (kuno) at tahimik (dahil, badbreath, char), lalapitan siya? Pero di naman siya nagtaka. Malakas charisma niya at friendly siya. Lumapit ako na nauutal-utal pa, "pa...pa...ahiram...ng...ng...cra...yons" pero ung totoo may crayons ako, di ko lang nilabas sa bag. Hahaha!

Lalo pa ako nautal sa tinanong niya, "anong gusto mo? May oil pastel, colored pencil..." actually nabingi ako....sa sobrang kaba ko, wala ako marinig....alam mo ung sobrang kaba na sobrang kilig na sobrang mahihimatay ka na?!

"A...a...ano...u...n?"

Inulit niya at wala pa rin ako marining!!!!

Actually wala rin akong maintindihan sa sinasabi niya. Di ko alam ung mga klase ng crayons...

"Crayons...watercolor...colored pencil..."

"Yun! Yun....na lang....tama....hahaha" sarap batukan ng sarili ko, kung mababalikan ko ang oras na yon binatukan ko talaga sarili ko!

Inabutan na lang niya ako kahit di rin niya ako maintindihan. Crayola inabot niya, wala sa box na hawak niya. Ung tulad lang din ng nasa bag ko....grabe!!! Siguro pulang pula ako non sa hiya.

Hindi ko un makakalimutan siyempre. Pero three years ago pa yon! Di ko na siya naging classmate ulit! Isa pa nahurt ako nung isigaw niya sa buong class na crush niya si Angel. Yung heartthrob sa buong batch, ala labanos sa puti, sing ganda rin niya ang mga anghel, tulad sa name niya, Angel. Mukha talaga siyang angel. Kung mahinhin sa mahinhin, talo ako nun. Malamang kunwaring mahinhin lang naman ako. Hahaha! Paki niyo ba?

Grade Six. Totoo ba toh? Classmate ko ulit siya?! Si crush?! At sa likod ko pa nakaupo. Waaahhhh!!! Teka, di ko na siya crush! Oo tama. Di na ako affected.

Pero, ang weird diyan, naging close kami. Di ba't uso ang may nililink syo, ung classroom loveteam? Ewan ko bakit kami nadamay diyan! Naging loveteams kami kahit wala naman something samin.

Maliban sa mga friendships drama, naging drama din ang love life ko. Oo aminin ko siya ang "puppy love" ko. Siyempre bumabalik ung feelings pag lalo kami nagiging close. May mga nagtatanong pa kung crush ko ba siya, siyempre in-denial tayo teh. So, ang masakit diyan, niligawan niya si Angel.

Kung kailan naman close na kami....kung kailan nadedevelop na ulit ako kahit wala naman akong camera.

Kumusta naman, nabasted siya. Inis na inis ako bakit siya binasted. Alam mo ung, ang swerte ni Angel? Na siya pa niligawan ni Jon? Ang gwapo na at bait ng nanliligaw sayo, di mo man lang binigyan ng chance?! At kung sana ako na lang di ba?

Mas affected pa nga ata ako sa nanligaw, di man ata natinag eh, smiling face pa rin, gwapo pa rin beh.

"May crayons ka ba?" Tanong niya. Wow, napakaobvious nakita kong may tinago siyang crayons sa bag niya.

Naalala ko nung grade three. "Meron ka kaya."

"Wala" in-denial talaga.

"Nakita ko tinago mo!"

"Wala nga..."

Anong trip nito? "May naalala ako eh, nung grade three tayo. Ginawa ko rin yan eh! Nanghiram ako sayo ng crayons, naalala mo ba?"

"Weh? Di nga?"

"Oo," inabot ko na lang ang crayons ko. "Ayan, quits na tayo"

Yun na ang huling pag-uusap namin. Pagkatapos non, niligawan niya rin ung seatmate ko, pero last few weeks na lang yon at highschool na kami. Wala na akong balita sa kanya.

Lumipat na rin kasi siya ng school. Nakakalungkot di ba? Pero di ko makakalimutan ung ika nga "best 5 minutes" of your life. Isa yung "crayola" sa best na yan. Mga oras na di mo makakalimutan with crush. Mga oras na pag binalikan mo, sarap mabatukan ang sarili mo, pero hindi nawawala ang kilig, forever na sayo yan. Si crush na kahit never naging kayo, nahuhurt ka parin. One-sided beh? Pero sarap pa rin sa feelings di ba? Sarap balik-balikan.

Makulay. Parang crayola.

Hindi mawawala ng kulay, at tumatak na parang bahaghari sa pahina ng ating buhay.

Short Stories 2020Where stories live. Discover now