Labo

258 3 0
                                    

Ako si Patrick, isang nerd

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ako si Patrick, isang nerd. Walang dating, hindi pogi, hindi rin naman siguro pangit? Pero napakaLABO. Ang labo niya. Anu ba talaga ako sa kanya?

Labo. Sobrang labo.

Seatmate ko siya sa math. Mukhang irreg siya kaya nakakasama namin sa math. Parang iba rin ang kurso niya. Ang di ko maintindihan eh ung patuloy niyang pagkukulit sakin kahit na di ko naman siya kinakausap. Hilig pa niya manlibre.

May isang bagay lang kami na napagkaparehas. ML.

Mahilig din siya sa games kaya minsan pumupunta sa bahay at naglalaro kami ng PS. Wala daw siya non kaya nakikilaro sakin. Minsan cutting class pa ata siya para lang makilaro sa bahay. Welcome naman siya sa bahay, yaya lang naman madalas nasa bahay. Nasa abroad na rin kasi mga kapatid ko, tapos sila mama at papa laging nasa mall. Mahilig din kasi mamasyal, senior na.

Nangungupahan lang siya sa dorm na hindi strict ang curfew kaya okay lang sa kanya na late na matapos mag-games. Eh mas adik pa ata ito sakin.

Pero madalas rin siyang nakababad sa cellphone niya. Hindi ko na inaalam sino mga ka-chat niya. Di ko nga rin talaga alam bakit kami magkasama.

Pero lagi na lang niya ako iniiyakan. Puro din love life lang ang kinukwento niya, mapa tungkol sa kaibigan niya o kanya mismo. Wala naman ako sinasabi.

Isang araw naglasing siya. Inaya niya pa ako. Pareho kaming lasing. Umakyat kami sa kwarto. Hindi ko maintindihan anong ginagawa niya...at anong kinikilos ko. Gusto ko eh...gusto kaya niya?

Buong katawan ko nagiinit...alam mo na what happened next, ayoko na ielaborate pa. Hanggang sa naging normal na...normal na palagi na namin ginagawa.

Wala bang halaga ito sa kanya?

Mahilig ako gumawa ng tula. Bigla na lang pumasok sa isip ko na magsulat habang nasa math class pero absent siya. Namimiss ko siya eh...ilang araw na walang paramdam.

Konting sandali lang,
Ikaw ay hiniram
Kung ako'y may tapang,
Ikaw na ay naasam

Panandalian bang
Maituturing ka?
Nagbabasakaling
Akin ka talaga

Puso ko'y sabik na
Malaman kung tama
Pag tinatanong ka,
Sasagutin mo ba?

Saan nga ba ako lulugar kung lahat ng iniisip ko, mali pala? Mahal ko na siya. Pero di ko alam kung mahal niya ako.

Takot akong malaman ang sasabihin niya pag nagtapat ako. Kung tatanungin ko ba siya, sasagutin niya ba na mahal niya rin ako?

Ilang araw na ang lumipas, di pa rin siya nagpaparamdam. Alam ko kung saan siya tumutuloy.

May binili muna akong pasalubong na cake na favorite niya ung brazo. Tinanong ko sa front desk kung andun ba siya sabi nila wala pa. Hintayin ko na lang. Nine hours... nine hours ko siya hinintay.

Nakita kong may naghatid sa kanya. Hinalikan pa siya bago umalis.

Nalaglag ung puso ko.

Durog.

Gusto ko magwala.

Ang sakit.

Bakit?

Nakita niya ako...pero dirediretcho siya papasok ng dorm niya. Hahabulin ko sana pero hinarangan ako ng guard.

Tumapon ang cake dahil sa pagharang sakin.

Di ko matanggap.

Pinupulot ko ang cake at ung box...habang umiiyak.

Nagkalat na sa buong mukha ko, kamay ko, damit ko...

Pinagtitinginan lang nila ako.

Umasa ako...

I was her cake, but she had cut me with a million knives.

"Oh, bakit ka nakatulala diyan?" Niyakap ako ng girlfriend ko habang naghihiwa ng cake.

"Wala hon, may naalala lang ako."

"Sino naman hon?"

"Sino agad?"

Ngumiti siya ng matipid pero yakap pa rin niya ako. Unfair ba ako sa kanya? Lagi na lang si math seatmate naalala ko. Kahit sa anong bagay...kahit anong gawin namin...siya naalala ko. Nasusumbatan ko pa ng walang dahilan ang girlfriend ko.

Pakiramdam ko lagi na lang akong niloloko. Naging mataas ang trust issues ko kahit na alam kong loyal siya sakin.

"Pasensya ka na..."

"Okay lang...hihintayin kita." Sabi niya habang nakayakap sa likod ko...alam kong pinapahid niya ang luha sa likuran ko.

Humarap ako sa kanya.

"Maswerte ako sayo. Sobra. Hindi ko maipapangako kailan, pero ngayon pa lang sisimulan ko ng kalimutan ang nakaraan at hindi ka ikumpara sa kanya."

Hinalikan ko siya sa noo.

Oo. Di ko siya papakawalan.

Minsan lang kumatok ang swerte sa buhay natin. Baka pag nagtampo ang swerte, ay hindi na bumalik.

Siya ang aking swerte.

Isasara ko na pintuan ko para hindi na makapasok pa ang kutsilyo.

Short Stories 2020Where stories live. Discover now