Prologue

81 6 32
                                    

Have you ever seen ghosts, evil spirits and other supernatural entities? Or do you have friends who possess unique powers? If you answered "No" on both of my questions, then you are just as ordinary as me.

***

Ito ang Maharlika University High School (MUHS), isang public high school sa prestihiyosong unibersidad na mas kilala bilang Maharlika University Campus.

Dahil higit isang siglo nang nailungsad 'tong university campus, medyo may kalumaan na ang mga gusaling nakapaligid; at may kasabihan nga tayo: "the older the building is, the more haunted it gets."

Matagal-tagal na rin akong estudyante rito. Nagsimula ako sa preparatory school at nagtapos ng elementarya sa Maharlika University Elementary School pero, sa totoo lang, ni minsan ay hindi ako nagkaroon ng paranormal experience. Siguro ay masasabi mo na ang mga paranormal activities ay nangyayari lang sa gabi o sa may gawing takipsilim at ang mga oras na 'yon ay lampas na sa aking school hours. Pero marami rin naman kaming mga aktibidad para manatili hanggang sumapit ang dilim tulad ng school party, foundation day celebration at overnight school camping, pero wala ni isa sa mga araw na 'yon ang nagbigay sakin ng pangilangilabot na karanasan. Minsan nga'y niyaya ko pa ang mga kaklase ko para mag-ghost hunting noong grade three overnight school camping, pero wala... tinakot lang namin ang aming mga sarili.

Hindi ko alam kung kailan eksakto pero matagal ko nang tinanggap na ang mga multo, espirito at mga kakaibang nilalang ay pawang kathang isip lamang. Mga kuwento lang ang mga ito na gawa ng malikhaing imahinasyon at hindi dapat ihalo sa tunay na buhay.

Ngayong papasok na ako bilang isang grade seven high school student, mas mabuti pa na tuluyan ko nang pakawalan ang mga pantasyang 'yon at mamuhay sa makatuwirang pag-iisip na: ang lahat ng bagay ay may lohikal na eksplanasyon. Ngunit mapaglaro pa rin ang isip ko at kadalasan nga'y pinapangarap ko pa rin na totoo sila, 'yong tipong may bigla na lang susulpot na kababalaghan at ako ang magiging taga pagtanggol na parang Ghostbuster, Exorcist o 'di kaya'y isang Vampire Hunter. Astig 'yon 'di ba? Sa kasamaang palad, ang katotohanan ay tila nakaka dismaya. Reality sucks, ika nga.

Ngayon ay ang unang araw ng klase at isa na nga akong ganap na high school freshman. Pag pasok ko pa lang ng high school gate ay agad kumabog ang aking dibdib sa makabagong kabanata na aking haharapin. Karamihan sa mga nakakasalubong ko ay pamilyar sa akin pagkat kami-kami lang din ang magkakaklase noong elementary pero dahil tumatanggap ang eskwelahan namin ng mga transferee, marami ring mga bagong mukha na ngayon ko pa lang nakita.

Nang makarating ako sa aking classroom, halos napaindak ako nang makita na ang mga malalapit kong kaibigan ay kaklase ko ulit ngayong taon. Kumpleto ulit ang barkada!

Siyempre, sinimulan ang homeroom class sa isang self introduction. Simula sa estudyante sa unahan, nagpakilala kami isa-isa sa buong klase. 'Di ko talaga alam kung paano ako magpapakilala pero kadalasan naman ay sinasabi ko lang ang unang pumasok sa ulo ko. At saka ko na lang napansin na may tumatapik na pala sa aking balikat, "huy, 'kaw na!"

Tumayo ako.

"Good morning. My name is John. Siguro naman ay kilala n'yo na ako at tayu-tayo lang din naman ang magkakasama nung elementary. Pero para sa mga transferees natin, nice to meet you all and welcome to Maharlika University Campus. Mahilig ako sa video games, manga at anime kaya kausapin niyo lang ako kung ganun din ang hilig n'yo... yun lang."

At ganoon na nga lang, ordinaryo, simple at normal... parang pangalan ko lang -- John. Ganyan ko lang din inaasahan ang buhay ko ngayong high school: ordinaryo, simple at normal lang.

Isang ordinaryong estudyante, kasama ang kanyang ordinaryong mga kaibigan na pumapasok sa isang ordinaryong high school na parte rin ng isang ordinaryong unibersidad...

Ilang beses ko pa bang ipagdidiinan ang salitang ordinaryo?

Naupo ako para sa susunod na magpapakilala at sa walang kadahilanan ay bigla akong napalingon sa kabilang dulo ng aking hilera... at 'yon ang unang beses na nasulyapan ko ang isang kaklase na isang araw ay pupukaw sa aking atensyon.

Katamtaman ang haba ng kanyang itim at esponghadong buhok, bakas sa kinang ng kanyang mga mata ang determinasyon at kahit nakasimangot ay may namumuong bahagyang ngiti sa manipis nitong labi

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Katamtaman ang haba ng kanyang itim at esponghadong buhok, bakas sa kinang ng kanyang mga mata ang determinasyon at kahit nakasimangot ay may namumuong bahagyang ngiti sa manipis nitong labi. 'Yan ang unang impresyon ko sa kanya. Sa madaling salita, masasabing normal at simple ang kanyang kagandahan.

Simple and ordinary classmate? Wrong!

Siya lang naman ang babasag sa aking "normal streak" at ang talagang magpapabaliktad sa tuwid at tipikal kong pamumuhay.

a.k.a. The Campus Detective AgencyWhere stories live. Discover now