Chapter 1

90 6 17
                                    

People are easily intrigued by mysteries since we are compelled to unravel puzzles that challenge our intellect. I guess that's just how intelligent beings are designed. But for me, mystery is more than just compelling...

***

Tumatagaktak ang pawis ko sa alinsangan ng hangin ngayong tanghali kaya't panay ang paypay ko gamit ang aking notebook. Grabe. Hindi pa ba nila bubuksan ang aircon dito sa classroom? Ang init! Pfft. As if naman. Public school 'tong MUHS; asa pa ako na de-aircon ang mga classroom dito. Pero at least ay hindi kasing init ngayon 'di tulad noong nakalipas na buwan...

Teka.

Nasa isang buwan na rin pala ang nakalipas nang magsimula 'tong school year. Ang bilis dumaan ng panahon lalo na kung tipikal na araw lang ang sumasalubong sa iyo.

"Oy, John. Nakatulala ka nanaman!" sabi ng isa sa mga kaklase ko. Ang tawag na 'yon mula kay Andre ang gumising sa aking tila'y lutang na diwa. "Kinakausap mo nanaman ang sarili mo 'no? Pwes, tigilan mo na muna yan. Tara, kain na tayo."

Ngayon ay ika-6 ng Hulyo, alas dose ng tanghali at kakaring lang ng bell. Agad namang napuno ng ingay ang pasilyo ng eskwelahan gawa ng mga naglalabasang estudyante. Lunch break na.

Naupo kami ni Andre sa isang sulok ng silid, sa may dalawang desk na pinagdikit kung saan naghihintay ang tatlo pa naming mga kaibigan. Bitbit ang kanya-kanyang mga baunan, sinimulan namin ang nakagawiang lunch routine.

"Guys, may bago pala akong laro," bungad ni Andre," gusto n'yong tumambay sa bahay minsan? Mas masaya yun pag multiplayer."

"I heard, ganito na ang ginagawa ninyong apat nung nasa elementary pa lang kayo," sagot ni Dennis, ang pinaka maliit sa aming grupo. "Buti pa kayo, nagagawa n'yo ang mga ganyang bagay. Naka school bus kasi ako noon kaya, no choice, uwi agad ako after class."

"Galing ka sa all-boys private elementary school 'di ba?" tanong naman ni Calvin kay Dennis sabay hawi sa naka-estilo nitong buhok. "Siguro naman ay hindi ka na naka school bus ngayon. Mahilig ka rin ba sa video games? Kung gusto mo sumama ka sa amin minsan."

Agad ngumiti si Dennis at tumango.

Ganito na ang typical lunch routine naming lima; tipong pupuwesto sa isang sulok ng classroom at sabay-sabay kumakain habang masayang nagkukuwentuhan. Kung tutuusin ay tipikal na kuwentuhan lang naman ang ginagawa namin. Ganoon pa man, malayo ang atensyon ko sa kanila pagkat ang aking mga mata ay kanina pang nakapako sa labas ng bintana. Taimtim na naghihintay.

Sa mga bawat ordinaryong araw na dumaraan ay may bukod tanging sumisira sa pagka ordinaryo nito -- para bang isang anomalya. At alam ko sa aking sarili na ang nagdudulot ng anomalyang 'yon ay susulpot na maya-maya lang...

Pagkalipas ng ilang sandali ay dumating na nga ang inaabangan ko. Sa dulo ng school field, sa tapat ng isang makaluma at abandonadong storage house ay may isang babae na tila'y paru-parong dumadapo sa bulaklak. Suot ang isang kakaibang sombrero, patuloy siyang naglakad at huminto sa tapat ng storage house upang magmasid. Ganito na ang kilos niya araw-araw lalo na tuwing lunch break. Kung ano man 'tong ginagawa niya, hindi ko alam pero talagang hindi ko maiwasang hindi lumingon sa kanya...

"John! Nakikinig ka ba?" Tinapik ako ni Andre na nakaupo sa aking kaliwa.

"H... Huh? Ano ulit yun?"

Napabuntong hininga na lang siya sa sagot ko. "Tumambay na lang daw muna tayo rito mamayang hapon. Magbabasketball daw silang tatlo eh, okay lang daw ba sayo?"

"Okay lang."

Lumingon din si Andre kung saan ako nakatingin at sabay sinabing, "Ah, nakatingin ka nanaman pala sa kanya."

a.k.a. The Campus Detective AgencyWhere stories live. Discover now