Chapter 3

41 3 13
                                    

They said that your Monday morning mood will set your tone for the whole week. That may be true for a working individual, but I guess that doesn't apply to students like me...

***

Tila tinutusta ako sa init habang nakabilad sa araw; ganito ko sinalubong ang umaga. Ngayon ay Lunes, ika-9 ng Hulyo. Kasalukuyan akong nakatayo sa tapat ng flagpole sa quadrangle ng New Building kasama ang dalawa pang estudyante.

Sa tapat namin ay isang upperclassman na nakasuot ng unipormeng pang-kadete, sa tabi naman niya ay isang matandang guro, kunot ang noo at walang humpay sa panenermon. Pero bakit nga ba kami nandito?

Lumingon ako sa kanan at doon nakatayo ang isa pang nakatatandang estudyanteng lalake. Sa kanyang tindig, hitsura at taas, masasabi kong isa siyang grade 9 o 'di kaya'y grade 10 student. Tumingin naman ako pakaliwa para tignan ang isa pang estudyante sa kabilang tabi ko. Mukha siyang batang babae at papasa pa ang hitsura niya para sa isang elementary school student. Dahil doon, masasabi kong isa rin siyang grade 7 na katulad ko at dahil 'di ko siya namumukhaan, malamang ay isa siyang transfer student. Teka, deductive reasoning ba 'tong ginagawa ko? Nahawa na ba talaga ako sa babaeng 'yon? O hindi ko lang ba talaga makalimutan 'yong ginawa niya noong Biyernes?

Ilang sandali lang ay sumesenyas na sa akin si child-like girl sabay turo sa harapan kung saan nakatayo 'yong masungit na guro. Lilingon pa lang sana ako sa harapan nang biglang may umimik sa aking unahan.

"Nakikinig ka ba sa akin?" tanong ng matandang guro.

"Opo, ma'am," tugon ko.

"Kung ganoon, ano na ang sasabihin mo?"

"Pasensya po at na late ako sa flag ceremony pero hindi na po ito mauulit," sabi ko sa tonong parang robot.

Naglakad 'yong kadete para mag-abot ng papel sa guro at sabay sinabing, "Ito po ang mga pangalan ng mga na-late ngayon sa flag ceremony, Ms. Velasco."

Pagka-abot sa papel ay agad naman itong sinuyod noong matanda. Ilang sandali lang ay umimik siya ng, "Sino si John?"

Tinaas ko ang kamay ko bilang sagot sa kanyang tanong.

"Pinapaalala ko lang na pangalawang beses ka nang na le-late sa flag ceremony. Isang beses pa't may katumbas nang disciplinary action yan. Nagkakaintindihan ba tayo?"

"Yes, ma'am."

"Okay. Yan na muna sa ngayon," sabi noong titser sabay alis sa kanyang parihabang salamin. "O ba't nandito pa kayo? Sige na, magsi punta na kayo sa mga homeroom class n'yo!"

Kumaripas kami paalis sa quadrangle at naghiwa-hiwalay na kami noong lalakeng upperclassman at ni child-like girl. Hindi ko alam kung saan ang mga classroom nila basta ang sa akin ay sa Old Building pa kaya mabuti pang bilisan ko na at malayu-layong lakaran pa 'to.

Ilang sandali lang ay nakatayo na ako sa labas ng aming silid. Mula rito ay naririnig ko ang ingay mula sa loob. Malamang ay nagsisimula na sila.

Tuwing Lunes, sinisimulan namin ang araw sa flag ceremony at 'yon ay susundan ng 1-hour homeroom class session. Wala naman kami gaanong ginagawa tuwing homeroom kundi pag-usapan ang mga bagay-bagay tungkol sa eskwelahan, kung may mga comments or suggestions kami o kung kailangan namin ng tulong sa mga subjects kung saan kami nahihirapan. Pero kadalasan ay nag lalaro lang kami ng para sa aming personal development. Siyempre, ito ay pinangungunahan ng aming homeroom teacher na si Mrs. Gutierrez, na siya ring English teacher namin.

a.k.a. The Campus Detective AgencyWhere stories live. Discover now