Chapter 2

88 5 21
                                    

Mystery is like a jigsaw puzzle wherein each puzzle piece would contribute to the totality of the whole picture. Once formed, the very image of the picture is also revealed. It's easier said in words... but honestly, I have one big problem with jigsaw puzzles -- and that is struggling to identify which piece to begin with...

***

Agad kaming nagtungo sa basketball court noong hapon pagkatapos ng klase. Dahil 'di ako nag lalaro ng basketball, naka upo lang ako sa bench katabi ni Andre na nag lalaro naman ng portable gaming console. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin akong binabagabag ng mga impormasyon na natutunan ko kay Steve kaninang lunch break.

Pinapanood ko lang sina Calvin, Kenneth at Dennis habang naglalaro ng basketball kasama ang iba pang mga estudyante. Doon ko lang din napansin na ang layo pala talaga ng tangkad nila Calvin at Kenneth kumpara kay Dennis. Ngunit maliit man, kaya pa rin niyang makipag sabayan.

Noong halos palubog na ang araw ay nagdesisyon na kaming umuwi.

May mga sampung minutong lakad mula sa eskwelahan namin papunta sa jeepney station kaya patuloy pa rin ang kuwentuhan habang kami ay naglalakad.

Nasa gawing unahan ay sina Calvin at Dennis na nag-uusap tungkol sa laro nila kanina. Sindundan naman sila nina Kenneth at Andre na nagkukuwentuhan din. Ako ang nasa pinaka hulihan, naglalakad nang mag-isa at patuloy pa ring tinatanong ang aking sarili: talaga bang may multo? Papatunayan ba talaga ni Sherl na meron nito? Syempre hindi, wala namang multo eh. Ilang beses ko bang hihikayatin ang sarili ko? Tama si Kenneth, dapat talaga ay kinausap ko na si Sherl kanina. Ngayon, alam ko sa sarili ko na dadaan ang buong Sabado at Linggo na may bumabagabag sakin.

Habang patuloy kaming naglalakad ay biglang huminto si Calvin at nag-anunsiyo sa buong grupo.

"Guys, wag n'yong kalimutang gawin ang homework n'yo ha? May Sabado at Linggo kayo para gawin 'yan, kaya please lang. Hindi ko na kayo pwedeng pakopyahin ngayon at nahahalata na ni Mrs. Gutierrez na pare-pareho ang mga sagot natin."

Sinabi 'to ni Calvin sa buong grupo pero alam ko naman na ako lang ang pinapatamaan n'ya. Aminado ako na medyo may katamaran ako sa pag-aaral lalo na sa mga assignments at madalas nga ay kinokopyahan ko lang ang mga kaibigan ko.

Sa sobrang katamaran ko sa pag-aaral, pati ang mga libro ko ay iniiwan ko lang sa ilalim ng desk. Ang hassle naman kasing bitbitin pa 'yon araw-araw...

Tapos, biglang may dumapo sa isip ko at agad akong napa-imik, "Umm. Guys, mauna na pala kayo."

"O bakit, John? Anong problema?" tanong ni Andre.

"Naiwan ko pala ang mga libro ko sa ilalim ng desk. Kailangan kong bumalik."

"Ah okay," sagot ng gamer kong kaibigan. "O pano? Kita-kits na lang sa Lunes."

"Sige. Sa Lunes na lang, guys."

Kaya nagpaalam na ako sa kanilang apat at kumaripas pabalik sa aming paaralan. 

Kung hindi ako papakopyahin ni Calvin ng homework ay no choice ako kundi ang pagsikapan ito. At paano ako gagawa ng homework kung iniwan ko ang mga libro sa ilalim ng desk? Obviously, kailangan kong balikan ang mga 'yon.

Halos hinahapo ako nang makabalik sa aming classroom. Kasi naman ay nasa kalahati na kami ng nilalakad nang tumakbo ako pabalik dito.

Pagbukas ko sa pintuan ng aming classroom ay sinalubong ako ng mapanglaw na silid habang binabalutan ito ng kulay sepia mula sa sinag ng palubog na araw. Ngayon ko lang nakita ang classroom ko ng ganito. Walang tao... Walang ingay...

Pagka-abot ko sa aking desk para kunin ang mga libro ay walang dahilang napasilip ako sa bintana. At talaga namang halos napatalon ako sa puwesto nang makita ang isang pamilyar na pigura.

a.k.a. The Campus Detective AgencyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon