Chapter 4

39 1 0
                                    

There is a line between reality and fantasy that most people don't realize. Reality revolves on truth and facts but in the absence of it, people will use their imagination and that is when fantasy is formed. But what is that line called?

***

Mabilis ang mga bawat hakbang ng lakad namin habang si Sherl ay nauuna nang may tatlong hakbang sa unahan ko.

Nakabuntot lang ako sa kanya nang may biglang tumama sa kanang bahagi ng ulo ko.

TOK

"Aray!"

Huminto ako't lumingon kung saan ito nanggaling ngunit puro estudyante lang ang nakikita ko at mukhang may kanya-kanya silang ginagawa.

May isang grupo na naka upo sa damuhan habang kumakain, may isang grupo rin na nagkakantahan. Isa sa kanila 'yong bumato sa akin ngunit sino naman? Napatingin din ako sa malayong dulo at napansing may isang babaeng estudyante na nakatayo habang nakatingin sa aking direksyon. Siya kaya 'yong bumato sa akin? Malabo. Ang layo niya eh. 'Di niya ako matatamaan sa ganoong distansya. Pero teka, siya nga kaya...

"John!" tinawag ako ni Sherl galing sa kabilang dulo ng koridor. "Why are you just standing there? Let's go!"

Oo nga pala. Nasa gitna pa ako ng isang case.

Paglampas namin sa koridor ay nasa parte na kami ng New Building. May apat na palapag ang New Building; dito ang mga classroom ng upperclassman at makikita rin dito ang karamihan ng club rooms. Sa magkabilang bahagi ng gusali ay may hagdan na tinatawag na west wing at east wing.

Ilang sandali pa'y nakatayo na kame sa east wing ng unang palapag. Mula rito ay nahahati ang direksyon ng hagdan -- isang pataas papunta sa itaas na bahagi ng gusali at isang pababa... papunta sa basement.

Ang Crying Ghost Girl case ni Sherl ay nandito sa basement ng New Building kaso nga lang may isang malaking problema: mahigpit na ipinagbabawal ang bumaba rito...

May karatulang gawa sa kahoy na nakaharang sa hagdan papuntang basement na may nakasulat na:

Off Limits Beyond This Point!

Kung talagang pinagbabawalan kami na bumaba rito, sana'y nilagyan nila ng rehas o steel railing man lang. Walang silbi 'tong karatula dahil kahit na sinong estudyante ay makakababa rito sa basement pag nilampasan lang 'to.

Sinubukan kong lumapit sa hagdan at may biglang tumawag sa atensyon ko.

"Hindi mo ba nababasa ang naka sulat?" sabi ng isang matandang babae na nakatayo sa gilid ng east wing, malapit sa hagdan. "Lumayo ka nga riyan."

Ay sorry po.

"So it's really prohibited to go beyond the sign post..." bulong ni Sherl habang nagsusulat sa kanyang notepad. "Alright, change of plan. Quick! Follow me."

'Di ko alam kung bakit pero madali niya akong napasunod.

"Siguro ay napansin mong may dalawang tao doon sa snack bar, tama?" tanong ni Sherl.

Tumango ako. May snack bar malapit sa may hagdan ng east wing at ito'y binabantayan ng isang may-edad na babae at isang nakakatandang lalake.

"Ganito. Umorder ka ng clubhouse sandwich kasi 'yon na ang pinaka komplikado nilang menu. Tapos, bantayan mo lang sila at siguraduhin mo na ang atensyon nila ay nasa ginagawa nilang sandwich. Pag napansin mong patapos na sila, mag-order ka ulit ng isa pang clubhouse sandwich," detalyadong paliwanag ni Sherl. "At kahit na anong mangyari, 'wag kang lilingon."

Halata namang sasasaglit si Sherl sa basement habang okupado ang dalawang snack bar crew sa order ko. Sinunod ko ang utos niya.

Noong sandaling inorder ko 'yong clubhouse sandwich ay daliang kumilos 'yong matandang babae at ang kasama niya. Malamang ay nakapuslit na rin si Sherl sa mga oras na 'to pero 'di ko ito makompirma kasi sinabihan din niya ako na h'wag daw lumingon. Pagkatapos ng ilang sandali ay umorder ulit ako ng isa pang clubhouse sandwich.

a.k.a. The Campus Detective AgencyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon