Chapter 5

17 0 0
                                    

I find it funny when people still get confused between Reincarnation and Resurrection. It's simple, really. Although they both involve an end and a new beginning, but they differ greatly in the manner of how this new beginning is given. 

***

Kasalukuyan akong nakaupo sa aking desk habang nakasulyap sa bintana patungo sa kabilang dulo ng field sa classroom ng section 7-A. Dahil sa bigat ng pakiramdam ng ulo ko, pinili ko rin na dumukdok na lang sa aking kinauupuan.

Ilang sandali lang ay may pumasok sa aming silid at sinalubong ako ng, "Oy John. Wow ang aga mo ngayon ah." Galing 'yon sa kakarating lang na si Dennis.

"Hindi na ako makatulog eh, kaya eto, pumasok na lang ako nang maaga," sagot ko.

Nasa mga gawing ala siyete na ng umaga at hindi tulad ng nakagawian, 'di hamak na mas maaga akong pumasok ngayong araw. Dahil 'yon sa mala-bangungot na napanaginipan ko kagabi, at sa sobrang takot, 'di ko na magawang makatulog pa ulit. Kaya heto, pakiramdam ko'y lutang ang utak ko.

Ganoon pa man, hindi pa rin 'yon mapapantayan ng takot na naramdaman ko kahapon at alam ko sa aking sarili na totoo ang pangyayaring 'yon. Pero iyon naman talaga ang gusto ko 'di ba? At ngayong nakakita na talaga ako ng kababalaghan, iyon pa rin ba talaga ang gusto ko?

Ilang sandali pa'y umupo na sa tabi ko si Dennis para mag-umpisa ng usapan. "Mamaya na pala ang tryouts ko sa basketball club... Tingin mo ba makaka pasok ako?"

"Oo naman," sagot ko. "Mas matangkad pa sa'yo ang mga kinakalaro mo sa basketball pero kinakaya mo naman. Wala akong nakikitang dahilan para 'di ka matanggap."

"Talaga? Pero sa tingin mo ba ay may height requirement sila?"

"Ha? Kailan ba nagkaroon ng height requirement ang basketball? Don't worry, kaya mo yan. Mag ch-cheer kame mamaya para sa'yo."

"Thanks, dude."

Halatang kinakabahan si Dennis, pero dapat lang naman. Ang Maharlika University High School o MUHS ay competitive pagdating sa interschool basketball competition. Alam kong gustung-gusto talaga niyang mapasali sa team pero alam din niya na mataas ang standards.

"Oo nga pala, maiba ako," pasunod ng kaklase ko. "Anong pala'ng meron sa inyong dalawa ni Sherl?"

Sherl?

Hindi ko maipaliwanag ang aking naramdaman noong sandaling marinig ko ang pangalang 'yon. Biglang umikot sa ulo ko ang mga ala-ala na naganap nitong mga nakalipas na araw: 'yong sinipa ni Sherl ang punso, 'yong Crying Ghost Girl case, 'yong nuno sa punso na nakita ko, at si odd-looking... hindi... si creepy girl doon sa class 7-A.

Kung totoong may mga nuno sa punso, malamang ay totoo ring may multo nga talaga sa basement. Ikakapahamak ba namin ni Sherl kung sakaling maka engkwentro nga kami ng multo doon sa basement?

Teka. Kaya rin ba kaya ni creepy girl ang humarap at kumausap ng multo? Of course! Si creepy girl... Kailangan ko siyang makausap.

Dalian akong tumayo at naglakad palabas ng classroom.

"Oist John, saan ka pupunta?" tanong ni Dennis habang papalabas ako ng silid.

"M... may naalala lang ako" sagot ko. "Teka, maaga pa 'di ba? Ba't 'di ka muna mag practice sa court para makapag-warm up ka?"

Maaga pa nga bago magsimula ang first period. Ewan ko ba pero feeling ko ay nandito na ngayon si creepy girl. Lumabas ako ng classroom.

Naglakad ako sa bakante pang pasilyo kung saan naroon ang section 7-A. Tahimik pa kaya rinig ko ang bawat yabag ng aking mga paa. Maya-maya pa't may biglang lumabas sa classroom para salubungin ako, si creepy girl ng class 7-A. Nandito na nga talaga siya, maagang pumasok at mukhang inaasahan na n'ya ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 25, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

a.k.a. The Campus Detective AgencyWhere stories live. Discover now