1 - Ang Mundo sa Pagitan ng mga Pahina (3 of 4)

531 37 1
                                    

Para 'kong lutang hanggang magsimula ang party. Nakaupo lang ako sa isang sulok, malapit sa veranda ng engrandeng reception hall. Lahat ng mga bisita, nakaayos, magagara ang suot ng mga gown at suit, nakaalahas. Mukhang mga mayayaman at importanteng tao.

Sa bandang harap, nakaupo ang mga bisitang makukulay ang suot. Mukhang masaya silang nakikipagkuwentuhan sa isa't-isa kaya sila ang pinakamaingay.

Sa kaliwa ang pwesto ng grupo ng Wahad. Mga malalaking lalaki ang karamihan sa kanila, mahahaba ang buhok at balbas-sarado; pwera na lang si Yosef at 'yung tatay niya. Pero silang lahat, naka-dark colored na suit at fur coat.

Sa kanan naman, tahimik lang ang mga Alv. Kaunti lang sila pero lutang na lutang sila dahil sa puti at silver nilang suot. Idagdag mo pa ang maputla nilang balat at light-colored nilang mga buhok. Pansin ko, karamihan sa kanila blue o green ang mga mata.

Kami naman—ang mga Babaylan at iba pang bisita, nasa likod. Kaunti lang kami. Karamihan pa, mga matatandang babae na naka-grey o violet na bestidang parang pangkumbento ang datingan.

Kanina pa hindi mapakali si Wylan. Patingin-tingin siya sa relo niya habang nagmamasid sa paligid.

"May problema ba?"

Hindi siya makasagot, nakapapikit lang habang minamasahe ang gilid ng ulo niya. "Dáyan, sumasakit ang ulo ko."

"Ano namang drama—"

Napahinto ako nang maalala ko na may ability nga pala si Wylan na maka-sense ng panganib. At ang sign, slash, side effect no'n, sumasakit ang ulo niya.

Hinawakan ko siya sa balikat. "T-tingin mo, may masamang mangyayari ngayon? Dito?"

"Dáyan... 'Wag kang magpahalata." Inikot niya ng tingin ang buong hall. Bago ako bigyan ng isang makahulugang tingin. "Magkakagulo 'pag nagkataon. Puro Maharlika pa naman ang narito."

Mas humigpit ang kapit ko sa kaniya. "Ano'ng... gagawin natin ngayon?"

Dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay ko sa balikat niya. "Buti pa, magmanman muna 'ko sa paligid para makasiguro. Babalaan ko na rin ang mga bantay. 'Pag may nangyaring kakaiba at wala pa'ko, samahan mo agad ang Punong Baylan at 'wag kang aalis sa tabi niya kahit ano'ng mangyari."

Tumango ako.

"Babalik ako agad."

"Wylan."

Huminto siya at lumingon.

"Mag-ingat ka."

Tumango lang siya.

Pag-alis ni Wylan, hindi ko na alam ang gagawin ko. Sobra ang kaba ko habang pilit na inaalala kung ano na nga ba ang susunod na mangyayari sa kwento. Ang gulo ng utak ko. Hindi ako makapag-isip ng diretso. Halos hindi ako makahinga kakahintay kung ano'ng mangyayari. Gusto ko nang gumising pero hindi ako magising-gising.

"Shion, relax ka lang," bulong ko sa sarili habang humihinga ng malalim. "Ano'ng chapter na nga ba 'to... Ito 'yung party para magkaro'n ng unity 'yung mga angkan, para hindi magka-war. 'Yung... Sandugo ng mga Sinauna. Tapos, tapos... ano na nga? Ahh...!"

Nasapo ko ang ulo ko.

Bago ko pa masabunutan ang sarili ko, nag-iba ang timbre ng pagtutog ng mga musikero. Isang maliit na lalaki ang umakyat sa stage. Nakasuot siya ng maroon na plaid suit at semi-kalbo ang buhok niya. Sa sobrang kapal ng salamin niya, parang cartoons tuloy 'yung mata niya.

Pumalakpak siya ng dalawang beses at bumaling na ang atensyon ng mga guests sa kaniya.

"Magandang gabi!" bati niya, nakangiti. "Maligayang pagdating sa ikalawang Sandugo ng mga Sinauna!"

AlterraWhere stories live. Discover now