3 - Ako ang Magiging Pinakamatalik Mong Kaibigan (4 of 7)

353 28 4
                                    

I'm not lonely

I say to the night sky without any strength

I'm okay today

I say to myself over and over again



"Mawawala ako ng ilang linggo," sabi ni Jinn habang naglalakad kami papunta ng Dambana. Ngayon pa lang n'ya kami sinabayang pumasok. "Kailangan kong magtungo sa Stijena upang ayusin ang ilang suliranin doon."

Sabi ni Wylan, ang Stijena ang capital city ng lupain ng Wahad. Marami raw armed conflicts, rebelde at bandido sa labas ng siyudad, kaya hindi basta-basta nakakapunta ang kahit sino do'n.

"Papalit sa'kin bilang guro ang Punong Baylan ng Templo ni Mayari mula sa katimugan." Binaling niya ang tingin sa'kin. Seryoso. "Mag-iingat ka. Hindi malabong gumawa siya ng hakbang na ikapapahamak mo. O, mas malala, sisirain niya ang pagkakataon mong maging susunod na Punong Baylan."

"M-mas malala po 'yon?"

Huminto si Jinn. "Mag-iingat ka sa lahat ng kilos mo."

"Hindi pa ba'ko nag-iingat nito?" bulong ko sa sarili.

Naabutan kami ng grupo nila Sorem. Natigilan sila nang makita ang Punong Baylan.

"Mukhang uulan," puna niya, nakatingin sa madilim na kalangitan.

"May Lambanang gustong umiyak," bulong ko.

"Magkita na lang tayo sa Dambana," sabi ni Jinn bago umalis kasama sila Ima.

"Shion!" kumaway si Sorem. "Sabay ka na sa'min."

Tumango na lang ako. Hinayaan ko silang mauna ng kaunti. Halatang alangan sa'kin 'yung mga kasama niya.

Nasalubong namin papasok si Yul at Yosef.

'Di tulad ng dati, kaunti na lang ang mga estudyanteng sumusunod sa kanila.

"Mukhang nauubos na ang tagahanga ng Ladya," sabi ng isang kasama ni Sorem.

"Takot lang nilang madamay 'pag may nagtangka na naman sa buhay ng—" sagot naman ng isa, napatingin sa'kin.

"Baka naman sa Túan ng Wahad sila takot," pagbibiro ni Sorem, napakamot ng ulo. "Naalala n'yo ba kung papano niya 'ko ginisa noong unang araw ng pagsasanay? Kahit ako, natakot."

Nakitawa na lang ako sa kanila.

"O baka naman takot silang kulamin ko sila," sabat ko.

Natahimik 'yung mga kasama ni Sorem. Awkward.

"Dáyan," bulong ni Wylan galing sa likuran ko. "Hindi ba ninyo hahabulin ang Ladya?"

Sumimangot ako. "Ano'ng point? 'Pag sinundan ko siya, iiwasan na naman niya 'ko ta's magmumukha na naman akong tanga."

"Dáyan, 'pag kasi may sinusundan ka, dapat hindi malaman ng sinunsundan mo na nasa paligid ka."

"Stalker much?" mahinang reklamo ko. "Ba't gano'n ba ginagawa mo 'pag nag-eespiya ka?"

Naging seryoso ang mukha niya. "Nais ba ninyong ako na ang magmanman sa Ladya?"

"H-hindi... Kaya ko na."

So, 'yun nga ang ginawa ko. Hindi ko kinausap si Yul sa klase. Ni hindi ko siya tiningnan.

Pagkatapos ng klase, sinundan ko lang siya. Ang hirap palang maging spy. Mabagal lang 'yung lakad niya pero ako tumatakbo na. Hindi ako gaanong lumalapit kasi baka mahalata niya.

AlterraWhere stories live. Discover now