1 - Ang Mundo sa Pagitan ng mga Pahina (4 of 4)

358 34 2
                                    

Sa inis ko, naglakad-lakad muna ko sa hallway ng hotel. Ang gara talaga. Parang 'yung mga five-star hotel na napapanood ko lang dati sa TV. Sa dami ng hallway, medyo naligaw ako. Wala akong makitang hotel staff kaya hinanap ko na lang ang daan pabalik sa ballroom. Pero habang naglalakad ako, may nadaanan akong kwarto. Medyo nakaawang 'yung pinto, pero madilim sa loob kaya nilagpasan ko lang.

"Patawad, Panginoon," sabi ng boses ng lalaki galing sa kwarto.

Napahinto ako.

"Napakasimple lamang ng inutos ko," sagot ng isa pang boses ng lalaki. Mahinahon 'yon, malumanay, halos pabulong pero nagtayuan ang balahibo sa batok ko. "Idispatsa n'yo ang mga basura nakaharang sa daraanan ko. Ano't hindi ninyo magawa?"

May narinig akong nabasag.

"Hindi namin inaasahang maraming dalang kawal ang mga Alv, Panginoon. Subalit ipinapangako namin na dadalhin namin sa inyo ang ulo ng Ladya."

Narinig kong humugot ng malalim na buntong-hininga ang Panginoon. "Siguraduhin n'yong malinis ang lahat..."

"Masusunod."

Nung marinig ko na papalabas na sila ng kuwarto, nagtatakbo ako. Sakto, may bukas na veranda na malapit. Sinara ko ang pinto, bago hinila ang kurtina pababa. Umupo ako sa bandang sulok, nanginginig sa takot.

Jusko! Ba't may patayan sa panaginip ko?

Sumilip ako sa sulok ng kurtina. Kahit medyo madilim, nakita ko sa hallway 'yung dalawang lalaking nakasuot ng itim. Tas naka-mask din sila kaya hindi ko sila namukhaan. Kalahating minuto muna siguro 'yung lumipas bago sumunod 'yung huli. Naka dark suit at furcoat. Nagulat na lang ako nung ma-realize ko na si Yekov 'yun.

"Hangal ka talaga! Ilang beses mo bang susuwayin ang utos ko?!"

Sumilip ako sa pagitan ng kurtina. May kasama siyang naka-itim, pero dahil madilim, hindi ko maaaninag kung sino. Hindi rin umiimik. Ang nakita ko lang, may suot siyang gold cuff link na hugis crescent moon.

"Kapag natupad ang mga balak ko, ang Lipi ng Wahad ang pinakamakikinabang," dagdag pa niya. "Kaya wala kang dapat gawin kung hindi maghintay at manood."

Ibinaba ko agad 'yung kurtina. Kulang na lang, mawalan ako ng ulirat sa kaba habang hinihintay ko silang makaalis. Pero kahit wala nang tao sa hallway, parang ayaw ko pa ring dumaan do'n kasi baka makasalubong ko si Yekov. O yung mga assassin na kasama niya.

Tama nga pala yung description sa book. Gwapo lang si Yekov pero masama siya.

"Ang haba ng panaginip na'to, ah. Shion, gumising ka na. Please. Please."

Kinurot ko pa ang braso ko pero walang nangyari.

Sa takot ko na mahuli ako ng mga goons ni Yekov, hinubad ko 'yung shoes ko saka umakyat ng baluster ng terrace. Nakita ko kasi na may emergency stairs sa may kaliwa ko. Kaso tatawid pa'ko sa gilid ng bubong para maabot 'yun.

So, ayun nga. Hindi pala porket nakakalakad ka sa panaginip mo eh, magkaka-ninja skills ka na rin. Siyempre, minsan nadudulas ka rin tapos makikita mo na lang na nakabitin ka sa gilid ng bubong, umiiyak habang unti-unting dumudulas yung kapit mo. Kasi kahit alam mong panaginip lang, takot ka pa ring mahulog.

Which, sums up what happened to me.

"T-tulong." Sigaw dapat 'yun eh. Kaso parang naging boses ipis ako bigla. Lalo na no'ng nakita ko 'yung babagsakan ko.

Madamo naman eh. Baka sakaling mabuhay pa'ko. Bali-bali nga lang ang mga buto ko.

"P-panaginip lang 'to, Shion," nangangatog na sabi ko sa sarili ko. "K-kahit na mahulog ka, hindi ka mamamatay. Panaginip nga eh."

AlterraWhere stories live. Discover now