Day Two

168 10 6
                                    

DAY TWO:
CONFESSION

Jae's Point of View

"Any updates?" Turan ni Tracey sa akin habang kumakain ng baon niyang lunch.

Kasalukuyan kaming kumakain sa canteen dahil lunch time na.

Wala naman gaanong nangyari between sa amin ni Lino. Normal day lang, and nag lie low ako sa mga flirt acts ko sakanya. Tinanong niya pa nga ako kung sadyang trip ko lang daw ba yung kahapon. Well, surr akong mabibigla yung pagkalalaki niya mamaya.

"Sis second day pa lang ngayon, sinong maiinlove sa isang tao in just two days?" Si Chan ang sumagot para sa akin.

Oo nga, walang ganun. I don't even believe in love at first sight.

"Says the one who fell in love at first sight," pagtataray ni Tracey.

Halata mo ang pamumula sa mukha ni Chan sa narinig. And what the hell? Mark's also red.

"I execute my first move well," I declared proudly.

"Eh ano naman yung first move na yun?" Kei asked.

"I tasted him!"

"Ew, that's gross," Mark said while acting as if he was puking.

"Ikaw pa nga nagsabi na I should f him, tapos ngayon ew-ew ka jan," I rolled my eyes at him. "Habang kumakain kami ng cake nalagyan ng icing yung labi niya tapos kinuha ko yung gamit kamay then ate it."

"Well, that's really gross," this time si Chan naman ang nagcomment.

"Wala akong choice, yun lang naisip kong gawin nun eh," I defended. "And ayoko namang matalo sa dare," I added while looking at Tracey.

Kriiiiing

"Okay then goodluck sis," Tracey said as she waved a goodbye at me. Lunch's time over.

I have two hours free after lunch break. I'll execute my perfect plan. Pagpasok ko sa school gym agad kong tinext si Jane.

to xjane_💞:
I need ur help na, andito na ko sa gym

I immediately got a reply.

from xjane_💞:
Papunta na, kasama ko si Josh

Buti na lang naisipan niyang isama si Josh -manliligaw niya, malaking tulong din yun.

Nilabas ko na sa dala-dala kong eco bag lahat ng kailangang gamitin. Buti na lang hindi nahalata nila Chan kanina na may dala-dala akong eco bag.

Buti na lamang karamihan sa mga estudyante ngayon ay may klase, malaya naming magagamit ang gym.

Here's my plan; I'll confess to Lino that I love him. And para mas kapani-paniwala, bobongahan ko. Nasa 5th floor ng building A kasi ang gym na ginagamit ng basketball club, may plantbox bawat floor ng building A kaya kapag niladlad ko ang malaking tarpaulin na nagsasabi ng 'I LOVE YOU LINO, PLEASE LOVE ME BACK' kitang-kita sa buong quadrangle.

Mabait naman si Lino kaya sana lang di siya magalit, wish me luck. Maya-maya pa ay dumating na sila Jane.

~🕐~

"Finally done! Ang hirap itali sa bigat," Jane complained, referring to the tarpaulin. "Ganyan ba nagagawa ng pag-ibig?" She asked be jokingly. I just ignored her words.

"Okay naman na diba? Kayo na bahala mag hugot mamaya ha, punta na ko sa locker ni Lino," then I waved my goodbye.

Sana talaga maging maayos yung kakalabasan mamaya, ayokong mapahiya kay Lino. I mean malaking kahihiyan naman na yung gagawin ko, pero mas nakakahiya pag nireject ako ni Lino.

Fifteen minutes na lang bago mag simula ang huli kong klase today. Mamaya pang 4 matatapos yung klase ko, isang oras bago mag dismissal, isang oras bago ang plano ko. Kinakabahan padin ako, sana talaga di pumalpak.

Maayos kong dinikit sa locker ni Lino ang letter na ginawa ko kanina.

Quadrangle 5:00 pm

Medyo creepy pero okay na yan. Hindi naman siguro ganon mag-isip si Lino.

~🕓~

May isang oras pa ko para mag-practice ng speech ko para kay Lino. Damn, kahit arte-arte lang to grabe parin kaba ko. Kanina nga eh napagalitan pa 'ko dahil ang lutang ko sa klase.

Halo-halo yung nararamdaman ko right now. Kaba, kunsesya, ewan excitement? Ugh, basta wala nang atrasan, sayang mga efforts ko 'no.

Kasalukuyan akong nakaupo sa bench sa quadrangle, naghihintay mag ala-singko. Paunti-unti nang naglalabasan ang mga estudyante, pero eto parin ako nagdadalawang-isip. Ibibigay ko lang naman yung chocolate then movie ticket.

"Para kanino yan?"

"Ay puting putspa," nagulat ako sa pagtanong at pagsulpot bigla ni Lino sa likod ko. W-wait, L-lino?!

Dali-dali kong tinago yung dala ko sa likod ko.

"L-lino? Wala wala," why the hell did I stuttered? I mean, sinong hindi? "Ba't ka pala nandito?"

"Last sub ko na kanina? Ikaw ba't ka nandito? Di ka dadaretso sa dorm?" Hala ba't ang cute? Ba't ba di ko napansin 'to dati si Lino? May itsura naman talaga siya pero okay dare lang 'to.

"Pahangin lang, napagod sa klase hehe," palusot ko.

"May nagdikit neto kanina sa locker ko, baka may kailangan sakin kaya aantayin ko. Tsaka niya pinakita sakin yung letter ko.

"Ahh sige Lino naiihi kasi ako eh," ayoko mabuko, mas magandang umalis na ko at tumakas. "Sige na babye na," di ko na siya inaantay magsalita at tumakbo na agad ako sa cr.

Ten minutes bago magsimula ang plano. Tinext ko na si Jane.

to xjane_💞:
Uy ready ka na, nakuha na ni Lino yung letter.

from xjane_💞:
Pwede bang wag ka muna mag text hanggang dismissal? May prof kami!

to xjane_💞:
I'll text you kapag need mo na ibaba yung tarpaulin

from xjane_💞:
Demanding bitch

Binulsa ko na yung phone ko atsaka lumabas ng cr. Kinakabahan talaga ako. Pero this is it na, wala nang atrasan. After a few minutes, I texted Jane.

to xjane_💞:
Go.

Di ko na hinintay pa ang reply niya. For sure pa akyat na yun sila sa gym. Eto na! Tumayo ako sa gitna ng quadrangle habang hawak ang chocolate at movie ticket. Di naman ako kapansin-pansin ngayon dahil natural lang na maraming estudyante ngayon sa quadrangle dahil dismissal.

Nahagip ng mata ko ang pagtingin sa akin ni Lino. Mukha pa siyang nalilito na ewan. Nagtataka siguro kung bakit ako nasa gitna.

Nakita ko siyang papalapit sa akin. Nakatalikod ako sa building kung nasaan ang gym kaya sigurado akong pag nasa harap ko na si Lino makikita niya ang tarpaulin na ibababa nila Jane.

Ilang hakbang na lang nasa harap ko na si Lino nang biglang napahinto ang mga estudyante. Rinig ang mga bulungan sa paligid. Nababa na nila. It's showtime.

"Lino," I called his name.

"Jae, what's this?" Pagtataka niya. Ngunit wala kang makikitang inis sa mukha niya. Namumula pa nga siya.

"Hindi ako magaling sa mga bagay na ganito pero isa lang ang alam ko. Lino, I'm falling for you, and please do catch me!"

~💞~

Vote, Comment, and Share!

##

Dare [Completed]Where stories live. Discover now