Day Four

132 13 13
                                    

DAY FOUR:
CHALLENGE

Jae's Point of View

Di ko alam kung paano pa ko nakakilos ng normal after that heated session. Ang alam ko lang nakauwi kami ng maayos ni Lino pagkatapos kumain sa food court.

I checked my gallery once again. Punong-puno yun ng mga litrato namin ni Lino. Bawat minuto kasi ay kumukuha siya ng litrato gamit ang phone ko. Minsan ay nagnanakaw pa siya ng mg halik. And he's really addicted to kisses. Di ko alam kung straight ba talaga siya.

Ako naman si payag, para sa dare. Pero every time na lumalapat ang labi niya sa labi ko, may kung ano akong nararamdaman sa dibdib ko.

"And that's all," pagtapos ko sa pagsasalaysay ng mga nangyari kagabi. Habang kilig na kilig naman sila Chan.

"Oh my gosh! Ang swerte mo, dapat dinare ko na lang sarili ko eh," wika ni Tracey habang kinikilig. Kita ko naman ang pagkairita ni Kei, at alam kong ramdam din ni Tracey yun. "Joke lang babe," she said while giggling.

"Congrats Jae, sana ako rin may hinahalikan," patama ni Mark kay Chan na nasa tabi niya. Ewan ko ba sa dalawang 'to, ayaw pa magaminan ng feelings, eh halata namang may gusto sila sa isa't-isa. They're gay for each other!

Napatingin naman kami kay Tracey nang bigla siyang sumigaw na para bang may naisip siyang kakaiba.

"Magkano weekly allowance mo Jae?" She asked.

"These days 200 na lang, nawalan kasi ng pwesto si mama sa palengke. Kaya nga next year hihinto na muna ako." I saw how their eyes show pity on me.

"Sapat ba sayo 10k sa isang linggo?" Tanong uli ni Tracey. What the? Sobra-sobra pa yun! As in sobra kahit isang buwan pa.

"Oo naman! Kahit gawin kong budget yan sa tatlong buwan di yan mauubos," I said proudly.

"Sige, I'll give you a challenge."

"What challenge? Di pa tapos dare ko, may pa ganyan ka na," mataray kong sagot, pero deep inside okay lang sa akin, sure naman akong malaki lagi premyo pag naggaganito si Tracey.

"Diba sabi mo after nung date niyo kagabi, nagnanakaw-nakaw na siya ng halik?" Panimula niya. With that thought, I blushed. "Lino's straight, and I know di ka niya hahalikan sa harap ng maraming tao. I challenge you to make Lino kiss you in front of us," she explained.

I blushed more. Ewan ko kung posible pa, pero pulang-pula na talaga 'ko. And what the? Make Lino kiss me? Parang ang hirap naman nun, sabi nga niya, hindi ako hahalikan ni Lino sa harap ng maraming tao.

"That seems impossible!" I protest.

"I'll give you 15k per month as an allowance until the end of the year," wika niya. Napahinto naman ako, 15k isn't bad sobra sobra na yun, per month pa! "Is that a deal?"

"Wait, let me thin-" I was cut off by the sound of the bell, indicating that lunch time is over.

Naglakad naman agad palabas sila Tracey.

"Hey wait for me!" I shouted. Nakahabol naman agad ako sakanila bago sila makalabas ng cafeteria.

Tracey looked at me then mockingly smile, "then it's a deal." She's now smirking. "I'll make it 20 if you don't fall in love with him after the dare."

Hindi na lang ako sumagot. Nauna nang naglakad sila Kei, Tracey, at Chan dahil pareho sila ng klase. Hinila naman ako ni Mark dahil kami naman ang magkapareho ng klase.

Dare [Completed]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें