Day Five

118 10 5
                                    

DAY FIVE:
AM I FALLING?

Jae's Point of View

"Jae look at those stars," he said while pointing at the three stars who shine the brightest. I hum in response.

"Para silang three stages to make me fall in love," naguluhan naman ako sa sinabi niya. "Kung titingnan silang mabuti form left to right, pakinang sila nang pakinang. And we have are own different meanings sa bawat bagay." I listened carefully.

"Para sa akin, steps yun para sayo kung paano ako mapaibig," wika niya.

"Bakit naman ako?" I asked.

"Kasi ikaw lang nagconfess sa akin ng ganun. I mean, marami nang nagconfess sa akin pero ikaw lang yung naglakas loob na mag confess on that way," he answered.

"Paano naman naging steps yun?" Pagtatanong ko muli.

"Steps para mapaibig ng isang Jae Lacson ang isang Lino Lopez. Una, dahil straight si Lino at si Jae ay hindi, kailangang mabaliko ni Jae si Lino by all means. At mukha namang nasasuccess na si Jae dun, kasi sino ba namang straight ang mageenjoy halikan ng kapwa lalaki?" I was shocked at first. So nagtatagumpay na pala 'ko.

"Ikaw kaya ang humahalik," pagtutol ko, but he just shrugged his shoulders.

"Normal lang sa isang tao ang makaramdam ng ligaya kapag nakikita niya ang taong minamahal niya. Kaya second, kailangan sa tuwing magkikita si Jae at si Lino, mapapangiti o mapapasaya ni Jae si Lino." Pagpalatuloy niya.

"Are you not happy?" I straightforwardly asked. Then I ferociously look at his eyes. I saw him gulped before answering.

"S-syempre masaya ako!" And I saw the hesitation in his eyes. And I felt a slight pain in my chest, an emotional pain. Why the hell am I feeling this kind of pain?

Inalis ko ang tingin ko sakanya at nagsimulang tumayo upang lumakad papalayo. Ngunit bago pa ko makaalis, hinila niya bigla ang aking kaliwang kamay.

"Jae, I'm really happy, sincerely happy. I know na mukha akong nagsisinungaling kanina, pero mukha ka kasing lalapa ng tao kanina." He said jokingly. Then I smiled, still not looking at him.

"At alam mo Jae kung ano yung third step para mapa-ibig si Lino?" He asked.

Naramdaman ko ang pagtayo niya. Pati na rin ang mga braso niyang ngayon ay nakapalibot na sa aking baywang.

"Love him right," he whispered beside my ear.

I felt the tingling sensation, and at the same time the feeling of conscience.

"Minamahal dapat si Lino ng totoo," he continued. "Hindi yung peke, hindi yung sa dulo ay papaasahin mo lang siya. Mamahalin dapat si Lino gamit ang tunay na pagmamahal. Hindi yung mamahalin mo siya kasi akala mo mahal mo talaga siya, where in fact, hindi ka sigurado sa nararamdaman mo."

Bigla akong nakaramdam ng panghihina. Am I really falling in love? Eh ang rason lang naman kung bakit ko 'to ginagawa ay para sa pag-aaral ko. Pero bakit ganito yung nararamdaman ko?

Mahal ko na ba talaga si Lino? If that's the case, hindi na dapat ako nakokonsensya pa, dahil pag nagtagumpay ako na mapa-ibig siya, hindi ko na siya kailangang iwan pa, 'di ko na siya kailangang saktan pa.

Pero ang mas nakakakaba ay kung paano sinabi ni Lino ang lahat ng 'yon. Alam niya ba na pagpapanggap lang lahat ng 'to? Nawala lahat ng pagaagam-agam ko nang muli siyang mag-salita.

"And Jae I think you already pass that stage. And you know Jae," tumigil siya saglit at hinarap niya ko sakanya. "I think I'm falling for you."

I almost jump in shock. Dito na ba magtatapos ang dare ko? Ganito lang ba kadali lahat? In a span of five days, I finished the dare. But I don't think that all of this we're over.

Sa tingin ko ay mahal ko na din si Lino.

~💚~

Everything happened so fast. Lino and I are not yet official. Yes umamin siya sakin, pero every time na naaalala ko yun, nakokonsensya pa din ako, after all ginagawa ko lang naman 'to para sa dare. At alam kong nararamdaman din ni Lino na hindi pa ko sigurado sa nararamdaman ko. Kasi simula kaninang umaga di pa ko gumagawa ng kahit anong flirty acts. The awkward air is just so thick that it smother the both of us.

Kaninang umaga bago pumasok ay inimbitahan ko si Lino na sumama sa akin mamaya sa tree house namin nila Tracey para isagawa ang challenge sa'kin ni Tracey. See, todo na ang paggamit ko sakanya para lang sa sarili kong kapakanan. So I guess, di ko deserve ang isang Lino Lopez.

Di naman ganon na tree house ang tambayan namin. Gumawa lang sila Mark at Kei ng lilim sa tabi ng puno sa likod ng building C, tapos naglagay lang sila ng enough space para magkasya ang pitong tao tapos sinasapinan namin yun. Then my table din na maliit para may patungan kami ng mga kung ano-anong pagkain na trip namin.

Papunta kami ngayon ni Lino doon. But we still have the required distance para di ganoon ka awkward.

We reached the tree house and Chan and Mark welcome us.

"Welcome sa tree house namin Lino! Sorry kung medyo maliit pero kasya naman tayo dito, may sobra pang isa." Matapos sabihin yun ni Chan pumasok na kami sa loob at nandun na sila Tracey at Kei.

Nanood lang kami ng movie at nagkwentuhan ng kung ano-ano. Pinag-introduce din nila si Lino, kasi raw part na siya ng group. Eh ginagawa lang naman nila 'to kasi gusto nila matapos dare ko. Di lang nila alam tapos ko na.

"Lino truth or dare?" Tanong ni Tracey kay Lino.

Memories of the last truth or dare a few days ago flooded my mind. Kung paano nagsimula ang lahat at hanggang sa ngayon. And once again I felt the feeling of conscience.

"Dare!" Lino said proudly while smiling do innocently. Kawawang bata, he doesn't know what evils he is now with.

The four of them looked at each others. Alam ko na ang ipapagawa nila. I suddenly felt excitement.

"Kiss him!" They all said in unison while pointing at me.

When I looked at Lino, I can't sense any awkwardness like before, na para bang nawala lahat ng awkwardness namin towards each other nang dahil sa mga kaibigan ko. Nang dahil sa larong 'to.

Lino stand up and starts moving towards me. And in one swift move, I knew that I win the first challenge, but I doubt the second one.

~💞~

a/n: the picture above is the view from the rooftop (a little bit look a like)^

I just want to ask what is the right spelling for the tagalog of waist. Like baywang ba or baewang or bewang???

I'm currently studying korean language through some books. Di ko na ginagamit si Duolingo, kailangan kasi ng data hahaha.

Stream NCT 127 Punch!

Vote and Comment!!

Dare [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon