Day Three

155 11 21
                                    

DAY THREE:
MOVIE DATE

Jae's Point of View

Nakatulala lang si Lino habang hawak ang inabot kong chocolate at movie ticket.

May nga nagtitilian na estudyante, may mga kumuha ng litrato. Meron din namang parang di payag, at yung iba walang pakialam.

"Ang cute nila!"

"Naunahan pa ko ng baklang yan"

"Bagay sila"

"Lino, this fast few days narealize ko na yung mga epektong nangyayari sa akin ay hindi lang normal. Lino... it's love," ang cringe, pero sana maniwala siya sa arte ko.

Nagulat na lang ako nang yakapin niya ko. Nagsitilian muli ang mga estudyante. Nakaramdam ako ng di mapaliwanag na kaba, parang ang sakit? Irereject niya ba ko? And why the hell I feel hurt?

"L-lino?" Pagkalito ko.

"I knew it, hindi normal ikinikilos mo these fast few days. I'm proud of you, dahil ang tapang mo. You're brave enough para aminin sakin ang nararamdaman mo. At hindi lang yun, you even put on a show," bulong niya sa taenga ko habang nakayakap. "But-"

"Irereject mo ba ko?" Pagputol ko sa sasabihin niya. Puting pusa nakakahiya!

"No! But you know that I'm straight," pagpapatuloy niya sa sasabihin niya dapat.

"Alam ko, at babalikuin kita," I said bravely.

"I'll give you a chance," sabay halik niya sa noo ko. Napakabait talaga ni Lino, nakakakilig! Wait, nakakakilig? I mean sinong hindi kikiligin? Ang gwapo ni Lino tapos mabait pa, tapos hahalikan ka sa noo? Kahit arte lang 'to kinikilig parin ako aaminin ko.

After that act pinagalitan ako ng disciplinary staff dahil malaking issue daw ang ginawa ko. Okay lang naman daw kung sa labas ng school gagawin. Sabay kaming bumalik ni Lino sa dorm. Nagpresinta pa siyang bitbitin ang bag ko.

Sana lahat ng tao kasing bait ni Lino. Ang gwapo pero ang bait. Inuulit-ulit ko naman sa isip ko na pagpapanggap lang 'to. Kasi hanggang ngayon nakokonsensya padin ako.

"Kumain ka na ba Lino?" Tanong ko nang makarating kami sa dorm.

"Okay lang ako, papadeliver na lang ako," bait talaga! Ang cute pa ng ngiti.

"Ipagluluto na kita, para narin mainlove ka," then I winked.

"I really love your confidence," he chuckled.

"Eh ako love mo?" Pagpapacute ko.

"Oo, as a friend," aray! Ba't ako nalulungkot? Self, dare lang 'to dapat macringe ka. "Galingan mo para sa susunod as a lover na."

Di ko na siya pinansin ang nagluto na lang ng hapunan, mamaya ano pa magawa ko sakanya.

Alas-otso na nang matapos kami sa pagkain. Gumawa din kami ng assignment sa salas ng sabay para daw tipid sa kuryente. Mas magastos kasi pag sa sari-sariling kwarto pa. Naligo na din kami para matulog matapos gumawa ng assignment. Pinauna pa ko ni Lino, ang gentleman, di na lang sabay. Masyado na din siyang mabait sakin. Dati we're like friends pero ngayon para niya na kong inaalagaan. Ganito ba kabait 'to?

"Good night Jae,"

"Good night din, wag mo kalimutan date natin bukas," paalala ko sakanya sa movie date namin.

~🌙~

"Ba't di ako aware dun sa plano mo!" Bungad agad sakin ni Tracey sa gate ng dormitory. Papunta kami ngayon sa unang klase ko ngayong araw, and we share that specific class.

Dare [Completed]Where stories live. Discover now