Day Six

124 9 4
                                    

DAY SIX:
PLEASURES

[Warning: This chapter contains explicit and malicious contents, minors are convinced to skip the certain part of the said chapter. Read at your own risk!]

Jae's Point of View

Kitang-kita sa mukha ng mga kaibigan ko ang pagkagulat dahil sa nangyari. Lino did not even hesitate to kiss me. And when I said kiss, it was really a kiss! Hindi lang peck, tumagal yung labi niya sa paggalaw sa bibig ko.

I mean ilang beses naman na kaming nag kiss, pero grabe parin yung sa harap ng mga kaibigan ko.

"Oh ayan, bayad na lahat ha. Tapos eto na yung allowance mo this month." Saad ni Tracey na nasa tabi ko habang ibinibigay niya sa'kin ang resibo na galing sa registrar.

Binayaran na ni Tracey yung tuition ko hanggang sa last sem next school year. Okay na daw kasi sa kanya yung nakita niya kahapon.

"Salamat talaga Tracey," sabay yakap ko sa kaniya.

"Ano ka ba wala yun. Kahit naman di mo magawa yung dare babayaran ko parin yun, saksi ako sa lahat ng paghihirap mo dito, ayokong maglaho lang yung mga pinaghirapan mo nang dahil sa pera." Paliwanag niya.

Kung ganon, hindi ko na dapat ginawa yung dare. Hindi ko na dapat hinayaang mainlove sakin si Lino. Di ko na dapat hinayaang mahulog ang loob ko sa kaniya.

~🕐~

Nagpalit lang kami ni Tracey ng pe uniform pagkatapos pumunta sa registrar. PE class kasi ang sunod at kaisa-isang klase namin ngayong araw.

Wala kasi gaanong nagkaklaseng mga teacher kasi kadalasan ay may hawak na section, at busy sa pagreready para sa foundation day, kaya hiningi ni Sir Ash ang apat na oras ngayong araw para pagsamasamahin ang tatlong klase niya na halos may pare-parehong nga schedule.

Kaya kasama ko ngayon sila Mark, Chan, Tracey, at Kei. Si Lino kasi nasa sariling circle of friends niya.

"Apat kayong team at may tatlong laro. Kahit isa lang doon ang mapanalunan ng team niyo. Asahan niyo nang di bababa ang grade niyo sa tres." Paliwanag ni sir Ash habang nakatayo sa gitna ng field habang kami namang mga estudyante nakapalibot sa kaniya.

Sa kasamaang palad kagrupo ko lahat ng kaibigan ko maliban kay Kei, napunta kasi siya sa grupo nila Lino. Yup, di ko rin kagrupo si Lino. May apat na team- red, blue, yellow, at green. Green team kami samantalang red team sila Lino.

"Para sa unang laro. Green versus red, blue versus yellow. Kung sino ang mga manalo, sila ang maglalaban sa dulo." Sigaw ni sir para marinig ng lahat. "Tug of war ang unang laro. Sa oras na makalagpas ang buong paa ng unang player sa bawat koponan, panalo na ang kalaban. Hindi kailangan na dalawang paa ang lumagpas, kahit isa lang."

Nagplano lahat ng grupo para manalo. Sabi ng lider-lideran namin na si Mark, ibalot daw namin yung kamay namin ng bandana namin para di kami masugatan. Maya-maya di na sila magkamayaw dahil di nila alam kung sino ang ilalagay sa unahan. Maraming nagpresinta pero ayaw pumayag ng lider-lideran namin. Hanggang sa napatingin siya sakin.

"Ayoko," matigas kong wika habang nagkatinginan kami ni Mark.

"Payag ba kayo na si Jae na lang? Tutal si Lino naman nasa unahan nung kabila eh." Tanong ni Mark sa grupo namin. Nagtawanan naman ang mga kagrupo ko.

Seryoso, anong taktika yun? Sa payat kong 'to? Bahala sila.

Di na rin ako nakapalag kaya ako rin ang nauwing nasa unahan.

Dare [Completed]Where stories live. Discover now