Prologue

400 4 0
                                    

PROLOUGE:

Pinagmamasdan niya ang kaniyang asawa habang hawak nito ang manubela. Wala na siyang ibang mahihiling pa dahil nasa kaniya na ito, siya, ang lalaking kaniyang pinakamamahal. Ang buong akala niya ay hindi ito nangyayari sa totoong buhay, ang maging masaya ng husto na tanging sa mga palabas lamang nangyayari, sa mga babasahing may kinalaman sa pagmamahalan, o sa panaginip lamang. Bakas sa kaniyang mukha ang saya ng kanyang nararamdaman ngayon. Hinawakan niya ito sa kanyang kaliwang palad habang ito ay nasa kambyo ng sasakyan. Tumingin sa kaniya ito at gumuhit ang pinakamalambing na ngiti.

Ang palatandaan ng kanilang pagmamahalan ay ang singsing na nakasuot sa kanilang mga dalari. Ito ang una sa pinakamarami pang mga sandali na magkakasama silang dalawa bilang mga tunay na mag-asawa; sa ilalim ng batas at sa mata ng Diyos, sa mga dumalo, sa kanilang mga kaibigan, kamag-anak, at mga magulang. Sila ay patungo sa isang espesyal na lugar kung saan silang dalawa ay bubuo ng kanilang pangarap na magkasama, sa lugar na kung saan nila gagawin ang kanilang pagmamahalan. Silang dalawa lamang at walang iba...

"Gising ka na pala o bakit parang kinakabahan ka?" Maamong pagkakatanong ni Rey sa kaniya. Bakas pa rin sa itsura ng lalaki ang lubos na kaligayahan. Hindi niya mapigilan ang sarili na hindi sulyapan ang napakagandang misis nito.

"Bakit naman ako kakabahan? Ngayon pa na mag-asawa na talaga tayo." Nakangiti at malambing na sagot ni Jess sa kanyang napaka-gwapong asawa.

"Wala lang, natanong ko lang. Ako kasi, oo..." Ngumiti ito.

"Bakit naman? Pero... siguro natural lang yan sa mga taong bagong kasal." Mahinanong pagtugon ni Jess.

"Siguro nga, pero- kasi- baka dahil sa magsasama na tayo ng pangmatagalan at sa araw-araw na rin tayong magkikita... Eh baka mag-sawa ka sa akin."

"Hindi ba sinabi ko na sa iyo na hinding-hindi po ako magsasawa sa iyo asawa ko. Kung magsasawa man ako, sana noon pa." May halong malambing na biro sa tono ng ikalawang pangungusap nito, "..Pumayag akong magpakasal sa iyo dahil nararamdaman ko kung ano man ang nararamdaman mo sa para akin, at ayokong mawala pa yun." seryosong karugtong nito na patuloy na nagpapatibok sa puso ng kaniyang matatawag na kabiyak.

"Mahal na mahal kita, Mrs. Jessica Mendez Dela Fuente. At hinding-hindi magbabago ang nararamdaman ko sayo, ano man ang mangyari."

"Mahal na mahal din kita, Mr. Reynold Dela Fuente, hinding-hindi 'yun magbabago kahit pa mawala man ang memorya ko."

Hinawakan niya ang kanyang palad at nilapit niya ang kaniyang mga labi sa labi nito. Ang lahat ay parang bumagal sa kanilang kinakikilusan, tipong ang oras ay umayon sa kanilang sandali. Pinakamatamis na sandali, ang sandali na biglang babago sa takbo ng istorya ng pagmamahalan nilang dalawa.

HULI na nang namalayan ni Rey ang isang malaking ten wheelers truck na pasalubong sa kanilang sasakyan, tanging isang malakas ng busina na lamang ang kaniyang nadinig, huli na para iliko pa ang manubela upang umiwas, huli na para sa mga sandaling sasalpok ang kanilang sasakyan sa truck na nasa harapan na ng kanilang sasakyan. Huli na para mabago pa ang nakatadhana. Iyon lamang at isang malakas na pagsalpok ng kanilang sasakyan sa truck. Nabunggo ang kanilang sasakyan at pumaikot ito ng ilang ulit hanggang sa tuluyan itong bumaliktad. At sa huling bagsak ng nito, makikita ang kanilang mga katawan na humadusay sa loob ng nakatumba nilang sasakyan. Pinagmamasdan pa ng nanghihinang si Rey ang kaniyang asawa na una nang nawalan ng malay---pilit niyang inaabot ang kamay ng babae hanggang sa tuluyan na rin siyang mawalan ng malay.

Alaala Ng Pag-ibigWhere stories live. Discover now