Kabanata 07: "Paalam Saiyo, Jess"

32 0 0
                                    

"Paalam Sayo, Jess"

ITO ang unang araw nilang magkasama muli, sa loob ng apartment na bumuo ng kanilang mga pangarap, na magsisimula sa umaga na tatapusin sa gabi. Ang lahat ng mangyayari ay sadyang hindi pa din nila alam.

Minulat ni Jess ang kaniyang mga mata, kagaya ng nagdaang araw, bumabangon siya na hindi parin niya naaalala ang lahat. Ang pagbabakasakali kagabi na sana sa paggising niya ngayon umaga ay maalala na niya ang lahat, ngunit hindi sumang-ayon ang kinaumagahan sa nais niyang mangyari. Ngunit gayunpaman bumangon siya na may ngiti sa kaniyang labi, bakas man ang pagkadismaya sinikap parin niyang ngumiti para maging maganda ang simula ng kaniyang umaga.

Naalala niya si Rey na labas natulog kaya bumangon siya upang silipin kung natutulog parin ang lalaking kasama niya sa loob ng kaniyang tinutuluyan ngayon. Sinilip niya ang kanilang orasan sa loob ng kwarto at napansing alas-otso na pala ng umaga. Marahil ay pagod ang kaniyang katawan kahapon kaya ganitong oras na siyang gumising. Humarap siya sa harap ng salamin upang ayusin ang kaniyang sarili mula sa pagkagising at tinungo ang pintuan ng kwarto palabas ng sala. Dahan dahan niya itong binuksan at kalmang lumabas dito, bigo siyang makita si Rey sa sala, marahil ay gising na ito kanina pa.

"Gising kana pala, Jess. Pinaghandaan na kita ng makakain. Naisip ko lang na siguro naman maging okay lang sa iyo na ako naman ang taya ngayon." Pawisan ito na halatang katatapos lamang mag ehesisyo kagaya ng ibinilin sa kanila ng kanilang doctor.

"Ganun ba, sabay na tayo kumain..." Pakiusap nito habang tumutungo sa upuan ng lamesa.

"Tapos na ako, maliligo lang ako kasi tumawag kanina si Daddy, pupunta raw siya dito. Pag uusapan daw naming yung naiwanan kong trabaho." Nakangiti nitong sabi.

"Balik trabaho kana? Naalala mo na ba ang lahat? Ang tungkol sa atin?" tanung ni Jess habang hinhanda niya ang kaniyang plato sa pagkain.

"Unfortunately, hindi pa talaga. Pero gusto ko narin kasing balikan kung ano man ang mga ginagawa ko noon. Sabi naman ni Daddy, ipaalala niya sakin ang mga responsibilidad ko sa Kompanya. Hindi naman daw ganoon kahirap ang mga ginagawa ko sa opisina. Kung hindi ko man maalala ang lahat, matutunan ko naman daw ang lahat." Paliwanag nito habang nakatayo sa harapan niya at habang pinupusan niya ang pawisan niyang katawan.

Tumungo lang si Jess at sinimulan na niya ang pagkain. Habang pumasok na si Rey sa banyo upang maligo. Sa mga oras na ito, hindi parin alam ni Jess kung anu-ano ang mga gagawin niya sa araw na ito.

Lumipas pa ang ilang oras. Nagkakangitian lamang sila tuwing magkakasalubong ang kanilang mga paningin. Kung minsan ay kinakawayan siya ni Rey. At sa mga oras din na ito iniisip ni Jess kung paano siya napamahal sa lalaking ito, bakit niya naisipang sumama sa lalaking ito noon. Kung hindi magkakasalubong ang kanilang mga paningin minamabuti niyang huwag tumingin sa lalaking ito. Sa kaniyang pakiramdam para lamang itong isang taong nakilala niya noon ngunit hindi ganoon kalalim ang kanilang pinagsamahan, ngunit hindi niya alam. Naguguluhan siya.

At sa mga oras na ito, nakatingin si Rey ka Jess, hindi niya maunawaan ang sarili pero nais niyang lapitan ang babaeng kaniyang tinitignan ngayon, gusto niyang makausap lang ito lagi, gusto niyang marinig ang boses nito palagi. Kung hindi lamang niya ramdam na naiilang sa kanya ang kanyang asawa mas mamabutihin niyang tabihan ito at yakapin. Hindi man niya naalala ang lahat ngunit sa isipan niya alam niyang mahalaga sa kaniya ang babaeng ito. Kaya sa tuwing magkakasalubong ang kanilang paningin nginingitian niya ito dahil mas gusto niyang makitang nakangiti ito kaysa walang emosyon ang kaniyang mukha.

Maya-maya ay dumating na ang Mr. Miguel Romero Dela Fuente ang Daddy ni Rey. May dala itong basket na may lamang prutas, iba't ibang uri ng prutas. Yumakap dito si Rey at lumapit din si Jess at humalik ito sa pingi ng kaniyang father-in-law. Sadyang hindi talaga maalala ni Jess ang ama ni Rey, sa itsura o sa alaala. Kumuha ito ng maiinom nila habang inimbitahan ni Rey ang kanyang ama sa sala at ipina-upo. Pag lagay ng kinuhang maiinom ni Jess umupo ito sa solong upuan at hindi tumabi kay Rey. Tumingin sa kaniya si Mr. Miguel.

Alaala Ng Pag-ibigOù les histoires vivent. Découvrez maintenant