Kabanata 05: "Hindi Rin Kita Maalala, Pasensya Na"

56 0 0
                                    

"Hindi Rin Kita Maalala, Pasensya Na"

TINAHAK nila ang daan patungo sa lugar kung saan nila pagsasaluhan ang gabi na may isang bilog na buwan. Sa kanilang palalakbay napansin ni Rey na tahimik ang kaniyang asawa.

"Oh bakit tahimik ang aking asawa? May problema ba?" Tanong nito habang hawak ang manubela.

"Wala naman, masaya lang ako na natupad ko na ang pinapangarap kong makasal, akala ko kasi dati hindi na ako makakasal, tatandang dalaga at walang mag mamahal." Hindi ito nakatingin sa kanya.

"Isang maling akala, ako kasi noong bata pa ako, noong ikinasal ang Daddy at Mommy, pinangako ko sa sarili kong maikakasal din ako, hahanapin ko ang mapapangasawa ko, at sisiguraduhin kong mamahalin niya rin ako kasi gwapo ako." At nagpapogi ito.

"Seryoso ka?" Nakangiting tanong ni Jess na tipong nakulitan sa sinabi ng asawa.

"Oo, seryoso ako, bakit? Gwapo naman talaga ako ah, kaya ka nga na-inlove sakin eh. Dba?" Pabirong sabi nito.

"Ah ganun ha... gwapo pala huh." Kiniliti nito ang asawa at ito ay tumawa ng husto.

"Tama na babes, ha-ha-ha, nagmamaneho ako oh? Mamaya na tayo magkulitan," Tumingin ito sa kanya.

"...kakaibang kulitan, bagong kasal na kulitan ang gagawin natin asawa ko." Dagdag nito na may kapilyuhang ngiti sa kanyang labi.

"In a serious note, masaya ako at ikaw ang napangasawa ko. There will be no regret Mrs. Jessica Dela Fuente." Sabi nito habang nakatingin sa daan.

Napangiti si Jess sa narinig, para siyang bata na nainlove sa taong crush niya habang sinasabihan ng ganoon.

"Salamat sa pagmamahal, sana'y di ka magsawa sa akin Rey, dahil ako hinding hindi. Pangako." Bilang tugon nito.

"Di ako magsasawa asawa ko, di nga lang kita masilayan ng isang oras nababaliw na ako eh, oras-oras akong nasasabik sayo." Napakaseryosong sagot naman ni Rey.

Binuksan ni Rey ang radio ng sasakyan at muli, inaawit nanaman ang paborito niyang kantahin kay Jess. Ang "Somewhere Down the Road." Sa loob ng sasakyan punong-puno ng kasiyahan ang dalawang pusong nagmamahalan. Sa kanila lamang ang gabi, wala na silang paki-alam sa labas, ang importante ay silang dalawa lamang ngayon.

Mahaba ang biyahe patungo sa kanilang pupuntahan, sandaling umidlip si Jess habang pinagmamasdan siya ni Rey. Ilang sandali na lamang ay nasa lugar na sila. Unti-unting iminulat ni Jess ang kanyang mga mata at nakangiting nakatingin kay Rey. Siya naman ang nagmasdan dito. Bakas sa  mga mata niya ang pagkislap nito kasabay ng mahinahon pagtibok ng kaniyang puso bilang tanda ng kaniyang lubos na pagmamahal sa kaniyang asawa.

TINIGNAN niya ang asawa habang hawak nito ang manubela. Wala siyang ibang mahihiling dahil nasa kaniya na ito, siya, ang lalaking pinakamamahal niya. Ang akala niya ay hindi ito nangyayari sa tunay na buhay, ang sumaya ng husto na sa tipong sa mga palabas lamang nangyayari, sa babasahing may kinalaman sa pagmamahalan, o sa panaginip lamang. Bakas sa kaniyang muhka ang saya ng kanyang nararamdaman ngayon. Hinawakan niya ito sa kanyang kaliwang palad habang ito ay nasa kambyo ng sasakyan. Tumingin sa kaniya ito at ngumiti. Ang palatandaan ng kanilang pagmamahalan ay ang singsing na nakasuot sa kanilang mga daliri. Ito ang unang mga sandaling magkasama bilang tunay na mag asawa, sa ilalim ng batas at sa mata ng Diyos. Sa mga dumalo, sa kanilang mga kaibigan, kamag-anak, at mga magulang. Sila ay patungo sa isang espesyal na lugar kung saan silang dalawa ay bubuo ng kanilang pangarap na magkasama, sa lugar na kung saan nila gagawin ang kanilang pagmamahalan. Silang dalawa lamang at walang iba...

"Gising ka na pala. Oh bakit parang kinakabahan ka?"

"Bakit naman ako kakabahan? Ngayon pa na mag asawa na talaga tayo."

Alaala Ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon