Kabanata 02: "Happy 3rd Year Anniversary"

102 1 0
                                    

"Happy 3rd Year Anniversary"

ANG lahat ay parang isang mabilis na istorya, namalayan na lamang nilang dalawa na sila ay punong-puno na ng pagmamahalan. Pagmamahalang walang makakapigil sa kanila. Sila ay nagsama sa iisang bubong ngunit hindi pa opisyal ang kanilang pagiging mag asawa. Uuwi si Rey na may sasalubong na halik mula kay Jess, uuwi si Jess may naghihintay na sorpresa mula sa lalaking mahal niya. Ayaw na nilang matapos ang kanilang mga sandali, hindi nila mapigilan ang nararamdaman nila sa isa't isa.

"Ano ba nakikiliti ako..."

Habang hawak ni Rey ang kaniyang beywang, magkalapit sila sa isa't isa. Sintemetro lamang ang layo ng kanilang mga labi. Sila ngayon ay nasa loob ng sasakyan ni Rey. Malapit ang kanilang mga labi sa isa't isa. Hangang sa magkalapit ang mga ito at tuluyang anurin na sila ng kanilang mala-along nararamdaman nila para sa isa't isa.

Sa kwarto, sa sasakyan, sa lugar kung saan silang dalawa lang at walang iba. At sa ilalim ng bilugang buwan.

"Mahal na mahal kita, Jess. Hindi ko alam ang gagawin ko pagwala ka."

"Mahal na mahal din kita, Rey. Hindi ako mawawala sayo, sa simula ng makilala mo ko hanggang sa huling hininga ko."

Tumingin sa kanya ito. Muli siyang hinalikan nito sa kanyang leeg. At muli na naman siyang nakiliti.

"Baliw na baliw na ako sa'yo Jess. Seryoso ako"

"Baliw ka naman talaga...." Ngumiti ito at tumayo sa pagkakahiga at nagpahabol kay Rey.

Sa araw-araw nilang pagkikita, sa gabi-gabi nilang pasasama, sa oras-oras nilang nag uusap, walang pagkakataon na nagsasawa sila para sa isa't isa. Pero kagaya ng ibang magkasintahan, hindi rin perpekto ang kanilang relasyon.

Naghihintay si Rey kay Jess isang gabi. Galing siya sa isang long weekend meeting kasama ang mga deligates at executives na kakilala ng kanyang ama. Meeting was for good. Siya ay naka upo sa sofa na nabili nila sa isang kakilala na nagbebenta ng mga households, furnitures at kung anu-ano pa. Pag kabukas ng pinto, nakatingin lamang siya kay Jess. Papalapit ito sa kanya na sobrang excited na mayakap ang kasintahan, at humalik ito sa kayang labi.

"I love you. Miss na miss kita"

Hindi ito tumugon, kaya napalayo ng bahagya ang katawan ni Jess dito, ramdam niya na mayroong problema na naman itong kanyang kasintahan. Lagi siyang ganito, tahimik at maya-maya ay may ipapakita na pagsisimulan ng kanilang alitan.

"Naiwan mo 'tong phone mo sa kwarto, ewan ko lang kong kailan mo pa ito naiwan."

Tumayo ito at binuhat paalis mula sa pagkakandong sa kanya ni Jess sa kaniyang hita.

At mula sa pagkakataong ito, alam na ni Jess ang katutunguhan na naman nito.

"Pasensya nga pala kung nabasa ko ang mga text messages diyan sa phone mo. Wala lang, kaya pala 'di mo sinasagot ang phone calls ko kanina kasi naiwan mo pala dito, at oo nga pala, hindi ko rin binasa na noong mga araw na wala ako dito ay kasama mo pala ang mga kaibigan mong lalaki sa isang resort, ang saya ninyo siguro, hindi ko binasa, nabasa ko lang."

Lumapit si Jess sa kanya at niyakap nito mula sa kanyang likuran.

"...ay may mga pictures pa kayo huh, hindi ko alam, hindi ako na inform man lang, hindi mo man lang naikwento sa akin."

"babes, sinubukan kong tawagan ka kaso busy ang phone mo, kung hindi naman busy out of coverage... wala naman akong balak ilihim eh, kung ililihim ko edi sana binura ko na ang mga pictures at text messages ng mga kaibigan ko. Wag ka pong magalit."

Pinilit nitong iharap sa kanya si Rey, at nagawa nga niya. Ngunit hindi ito tumitingin sa kanyang mga mata, nakatingin lang ito sa kisame. Hinawakan siya nito sa kanyang braso at inilayo.

"Napapagod ako, gusto ko munang magpahinga. Masyadong malayo ang biyahe. Anyway, it's nice to see you again. Kung nagugutom ka may pagkain pa akong nakita sa frige."

Nanlungkot ang mukha ni Jess nang talikuran siya ni Rey. Miss na miss niya ito ngunit ito ang madadatnan niya, naging kasalanan niyang maiwan ang kaniyang phone kaya hindi nito nalaman na ngayon pala ang uwi ng kasintahan. Pagod din ang itsura ng kasintahan ngunit para sa kaniya hindi iyon dahilan para hindi siya nito pakinggan muna at magpaliwanag. Nasaktan siya, at napaluha. Umupo ito sa sofa at siya ay naiwan duon mag isa. Hindi niya mapigilan ang emosyon, kaya iniyak niya ang kanyang nararamdaman. Ngunit 'di pa lumilipas ang minuto, inabot sa kaniya ni Rey ang paborito nitong panyo na may burda ng kanilang pangalan. Niyakap niya ito at hinaplos ang kanyang likuran.

"I'm sorry, I am so sorry babes, I shouldn't have acted that way."

Hinalikan niya ang noo nito habang sinusuyo.

"Nakakainis ka, miss na miss kita tapos ganito isasalubong mo sa akin." Umiiyak pa rin siya habang pinapalo niya ng kanyang palad ang dibdib ng kaniyang kasintahan. Tinatanggap lamang ito ni Rey. Alam niyang nasaktan niya si Jess, emotionally so he is willing to be hurt physically in return. Kahit na hindi siya talaga nasasaktan sa mga palo ni Jess. Sinuyo-suyo niya ito.

Nagpaliwanag si Jess kay Rey tungkol sa pinuntahang resort, naanyayahan lamang siya ng matagal ng kaibigan kaya siya napasama. Tumawag siya kay Rey ngunit hindi niya ito makontak.

"Kaya sabi ko sa sarili ko, dito ko na lang sasabihin sa iyo pag-uwi mo, kaya nga 'di ko binura ang mag pictures eh, ayaw kong sa iba mo pa malaman, ang kaso ikaw pa na kaalam, wala akong balak ilihim iyon. Mahal na mahal kita." Bakas pa rin sa kanyang pisngi ang luhang pumatak sa mula sa kaniyang mga mata.

Niyakap siya ng mahigpit ng kasintahan.

"Mahal na mahal din kita, natakot lang ako na mawala ka sa akin, kaya simula ngayon hindi na ako lalayo sa tabi mo, o ikaw man. Isasama kita kung may malayuan at matagalan man akong pupuntahan. Ayokong nag aalala ako sayo. Mahal na mahal talaga kita Jess."

Ngunit isa, dalawa, tatlong beses na umulit ang kanilang pag tatalo, para silang mga bata. Tinatanggap lang lagi ni Rey ang mga hampas at palo ni Jess sa kanya at mauuwi din naman sa unawaan maya-maya, ayaw nilang palipasin ang isang araw o gabi man na walang pinag uusapan. Mas minamabuti nilang pag usapan ang mga bagay-bagay na may kinalaman sa kanilang pinagtatalunan para mauwi din sa mabutihan. At kung lilipas man ang isang araw...

Napangiti si Jess pag kagising nito isang umaga, isang bouquet ng bulaklak ang nasa harapan niya, nilapitan niya ito, may kasama itong isang maliit na teddy bear at isang card.

"I am sorry about last night, forgive me na po. I love you so much. Xoxo -Rey"

Kinuha nito ang kanyang phone at tinawagan ang kaniyang kasintahan.

Ngunit voicemail ang sumagot sa kanya.

"Hey, this is Reynold, I am busy right now, so if you have something to tell me just leave it on my voicemail, I'll catch you up later, thanks, bye" 

beep

"Morning babes, salamat sa flowers... I love you, too."

Niyakap nito ang teddy bear na kasama sa peace offering ng kanyang kasintahan.

At biglang nag ring ang kanyang phone. Ang tawag ay mula kay Rey.

"Babes, morning din... di na kita inabala kanina sarap ng tulog mo eh, sorry about last night huh, I know it made you worried, but I am fine, but still I am sorry, I truly am..."

Nag-usap sila ng mga ilang minuto.

"Sunduin kita mamaya sa diyan sa apmpartment, suotin mo yung binili ko sayo, nasa sala yun, mga 8pm nandyan na ako. Okay, I need to get back to work na, I love you babes."

"I love you, too babes."

Binaba niya ang phone at dumiretso sa sala. Nakita niya ang sinasabi ni Rey, nakalagay ito sa karton na kinalaglagyan nito. Binuksan niya ito, isa itong night gown na kapag sinuot niya at magmimistula siyang prinsesa. Kulay pula ito. At may card ito ulit, binasa niya ito.

Sadyang mabilis lumipas ang panahon, hindi man lang niya namamalayan ang mga araw na nagdaan. Ngayon pala ay ipagdiriwang nila ang kanilang ika 3 taon bilang mag kasintahan. Sapat na bilang ng taon upang makilala nila ang isa't isa at para masabi niya sa sarili na sila na nga ang para sa isa't isa talaga.

"HAPPY 3RD YEAR ANNIVERSARY MY JESS, I LOVE YOU SO MUCH...."

Alaala Ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon