Kabanata 04: "I Vow To Love You Forever"

47 0 0
                                    

"I Vow To Love You Forever"

ITO ang huling gabi nila bilang magkasintahan dahil ang kinabukasan at ang mga susunod na araw, sila ay mag-asawa na sa mata ng diyos, batas at ng mga taong nakapalibot sa kanila. Ngunit sa pagkakataong ito silang dalawa ay hindi maaring magkita, ito ang tradisyon na hindi magawang sundin ni Rey.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Jess kay Rey nang buksan niya ang pintuan, nakangiti ito at sadyang hindi mapigilan ang sariling hindi makita ang mapapangasawa sa mga sandaling ito.

Niyakap siya nito. Yumakap din ang babae bilang pagtugon ni Jess sa kanya, isang mahigpit na yakap na damang dama nila ang isa't isa.

"Hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi ka makita, Jess." Lumayo siya ng bahagya kay Jess at pinagmasdan ang babae.

"Sabik na sabik na ko para bukas mahal ko, ang ganda ganda mo, hindi na ako makapaghintay na makita kang suot ang iyong damit pangkasal." Bakas sa mukha nito ang pagkasabik ng husto. Ilalapit sana nito ang kanyang mga labi kay Jess ngunit pinigilan siya nito.

"Opps, hindi muna ngayong gabi Mr. Dela Fuente, save it for tomorrow... Okay?" Nakangiting sabi nito sa lalaking nasa harapan niya.

"...umuwi ka na at matulog dahil ako man ay magpapahinga na rin para bukas." Nakangiti pa rin ito.

"Okay. Sige you got me, I love you, Jess." Umatras siya ng kaunti papalayo kay Jess at tumalikod. Nang siya ay tumalikod na, narinig niya ang kasintahang tinawag muli ang kaniyang pangalan.

"Rey..." Lumapit ito sa kanya, dahan-dahan... habang hinihintay siya ng kasintahang lumapit sa kanya. Nang siya ay makalapit na, agad niyang hinalikan sa labi ang lalaki.

Bakas sa kanilang mga mukha ang saya at kasabikan sa isa't isa. Yumakap si Jess sa kanya na tumagal ng ilang minuto bago sila tuluyang maghiwalay.

"I love you, too. Rey." Sagot nito kay Rey.

"So, aantayin kita sa harapan ng Altar Mrs. Dela Fuente." At bago siya tuluyang sumakay sa kaniyang sasakyan, bumigkas ito ngunit walang boses ng...

"I love you so much"

Bumalik si Jess sa kaniyang silid na punong-puno ng sayang nararamdaman . Hindi mapigilan na saya ang kaniyang pakiramdam. Tumingin siya sa harapan ng salamin upang masilayan ang kaniyang mukha na may bakas ng kaligayahan. Humiga siya sa kanyang kama at niyakap ang Teddy Bear na binigay sa kaniya ng kanyang mapapangasawa. Bago niya ipinikit ang kaniyang mga mata ay sinalayan niya muna ang larawan nila ni Rey. Niyakap niya iyon at pumikit.

Habang binabaybay ni Rey ang daan patungo sa kanyang pansamantalang tinutuluyan, naisipan niyang tumungo muna sa lugar kung saan niya unang nakita si Jess. Bumalik sa kanyang alaala ang mga sandali na nakita niya ang kanyang mapapangasawa. Pagkatapos ay dumiretso siya sa pinagtatrabahuan ni Jess, kung saan una niyang nadinig ang boses ng kanyang kasintahan, nakangiti siya habang inaalala ang mga bawat sandali. Bago tuluyang umuwi, bumababa siya sa restaurant kung saan niya unang dinala ang babaeng nagpatibok ng kaniyang puso. Umupo siya kung saan sila nakapwesto nuon. Uminom siya ng kaunti at nagpaalam sa lugar. Sumakay siya sa kanyang sasakyan at ipinaandar ang makina at binaybay ang daan patungo sa kanyang tutuluyan sa ilalim na pabilog ng buwan.

"Good night, Rey..." Mula kay Jessica

"Good night, Jess..." Mula kay Reynold

Ito ang huling gabi nila bilang magkasintahan.

Gumising ng maaga si Jess, upang asikasuhin ang sarili. May halong kaba ang kanyang nararamdaman. Busy ang lahat sa paghahanda sa isang simple ngunit hindi makakalimutang araw ng kanilang buhay.

Alaala Ng Pag-ibigKde žijí příběhy. Začni objevovat