Kabanata 10: "Bilog Na Bilog Ang Buwan Ngayon"

104 2 0
                                    

"Bilog Na Bilog Ang Buwan Ngayon"

NAGING madalas ang muling pagkikita ng dalawa. Sabay silang kumakain ng dinner. At kung may time ang dalawa ay lumalabas din sila.

"Gusto mo na siya? Ulit?" Tanong ni Rica habang kumakain sila ni Jess sa kanilang lunch break.

Tumango si Jess at kumunot nuo. Nilapad niya ang kaniyang mga palad sa kaniyang mukha at umiling, "Hindi ko alam Rica. Ayokong magkamali ulit sa magiging desisyon ko." Sagot nito sa kaibigan.

"Magkamali? Ano bang pinagsasabi mo?" Usisa nito sa kaibigan.

"Nakipaghiwalay ako sa kaniya noon dahil nalaman kong naging irresponsable ako sa mga magulang ko. Atsaka nawala na pagtingin ko sa kaniya noon." Masinsin nitong sinabi sa kaibigan habang nakatingin siya sa mga mata nito.

"At ngayon bumabalik na ang pagtingin mo sa kanya at natatakot kang maging isang irresponsableng anak ulit?" nakatingin din siya sa mga mata ng kaibigan habang kinakausap niya ito.

"Parang ganun na nga, hindi ko alam Rica. Tulungan mo naman ako, nalilito ako." Pagmamakaawa nito sa kaibigan.

"Simple ng problema mo Jess. Makipagbalikan ka sa kanya, basta huwag mo lang kalimutan ang mga magulang mo, kagaya ng ginawa mo dati ng mabaliw ka kay Rey. Ano kaya kumbinsihin mo sila na tumira malapit sa apartment mo. Ngayon kung ayaw nila, wala ka ng magagawa. Patulong ka sa mga kapatid mo na pilitin ang mga magulang mo na tumira malapit saiyo, busy na sila sa mga sarili nilang pamilya hindi kagaya mo mas mababantayan mo sila dito." Paliwanag nito sa kaibigan. Kagaya ng nakagawian nito, kukuhain niya ulit ang dessert ni Jess kapag hindi ito ginagalaw ni Jess.

"...sa akin nalang to huh, at tsaka, isipin mo to, paano pagnawala na ang mga magulang mo. Sino pa makakasama mo kapag ikaw naman ang tumanda? Ano sure ka na talagang maging isang matandang dalaga nalang. I mean, walang masama sa pagiging dalagang matanda ang masama kung alam mong may nagmamahal sa iyo pero mas pinili mo na maging dalagang matanda kahit na alam mong mahal mo rin ang taong iyon." Dagdag nito bago nito tuluyang kainin ang kinuhang dessert na kaibigan.

"Grabe ka naman, ang advance naman ng iniisip mo. Hindi ko pa nga iniisip na mawalay ang mga magulang ko sa akin o sa amin." Sabi naman nito habang hawak ang crystal glass na may lamang malamig na tubig.

"I am not sayin' it in advanced way, in most realistic way Jess. Just be realistic my friend." Sabi naman ng kaibigan nito at nakangiti.

Tinapos nila ang kanilang lunch at bumalik na sa kanilang mga ginagawa.

MABILIS ang pagpalit ng araw, ng mga gabi. Dumaan ang isang mainit na araw, nabasa ng ulan ang mga halaman, nalagas at muling tumubo ang mga halaman ng nagtatasaang puno. Lumipas ang malalamig na gabi.

"I don't know if I can make it on Christmas, I will let you know. I'm sorry." Sabi ni Rey sa kaniyang kausap sa phone.

"Okay, but at least you should try to be here on Christmas." Sabi ng babaeng kausap niya sa phone.

"Yeah, I will. Take care." Sagot niya dito. Binaba niya ang phone at inilagay niya ito sa kaniyang bulsa. Napatingin siya sa kaniyang daliri at pinagmasdan ang nakasuot na wedding ring sa kaniyang palasinsingan. Hinubad niya ito at inilagay sa loob na kaniyang pitaka. At siya ay napabuntong hininga.

"ANONG iniisip mo Rey?" Tanong ni Jess kay Rey ng mapansin niya itong may malalim na iniisip ito hanang nakatingin sa kaniya.

"Ah... wala, masaya lang ako at nakakasama kita ulit. Would you mind if I asked you something, Jess?" Seryoso ito habang nakatingin parin siya sa babaeng nasa harapan niya.

"No I won't. Sure. Ano ba iyon?" Tanong nito sa lalaking nasa harap niya.

"Bakit parang nagbago ka? I mean the last time na magkasama tayo, noong mag-asawa pa tayo parimdam ko halos araw-araw galit ka sa akin. Anyway, I like it this way than the way it was before." Tanong nito kay Jess bago inumin ang glass na may redwine.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 30, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Alaala Ng Pag-ibigWhere stories live. Discover now