8th IMPERFECTION (06-22-2020)

1 0 0
                                    

"What did you say, Z?"

"I said I kissed her. That girl wearing glasses in the apartment."

Kasalukuyang naka-dekwatro ang lalaki sa kanyang upuan sa loob ng silid. Inaalala niya kung gaano kalambot ang mga labi ni Arylle nang halikan niya ito kahapon sa opisina ng kaniyang ina. At kung paano ito nagalit nang gawin niya iyon sa kaniya.

Kakaiba. Iyon ang tingin niya sa babae.

Sumigaw dahil sa galit ang nasa kabilang linya kaya't inilayo nito ang telepono sa tainga. Muli siyang ngumisi. Iyong ngiting para bang nagawa niyang galitin ang taong kailanman ay hindi pa naging ganito sa kaniya. Ngayon lang, dahil ang babae na ang kanilang pinag-uusapan.

"I'm warning you." Tila nawawalan na sa katinuan ang lalaking kausap na pinipilit lamang pakalmahin ang sarili dahil maririnig ang malalim na paghinga nito.

"Easy, bro." Muling ngumisi ang lalaki sa silid.

"Besides, you are m-."

"Shut up!" Sigaw ng kausap upang pigilan siya sa kung ano man ang nais sasabihin.

Tumawa ang lalaki sa silid na tila ba tuwang-tuwa sa kung ano man ang itsura ng taong kausap niya sa kabilang linya.

"Sh*t! You're making things harder!"

Batid nito na napapasabunot na sa kaniyang buhok dulot ng pagkayamot at pagkainis.

Narinig ng lalaki ang pagkabasag ng isang bagay mula sa kabilang linya. Iyon lang, naputol din ang kasiyahan na nararamdaman nito kasabay ng pagkawala ng kausap sa linya.

"Such childish, eh?" Bulong na lamang nito habang umiiling.

« « « « «

ARYLLE

"Arylle! Arylle! Buksan mo 'tong pinto. Arylle!"

Patuloy ang malakas na pagkatok ng kung sino man ang nasa labas ng kwarto namin. Tinatamad akong bumangon, my body feels like it's been paralyzed since yesterday. Mula sa aking pagkakadapa sa malambot na kama ay niyugyog ko ang aking kapatid.

Chella groaned.

"Arylle! Chella! Gumising kayo!"

Muling kumatok ang nasa labas.

"Who's that nosy-noisy girl outside?" Chella asked in her half-sleeping voice.

Naramdaman kong bumangon ito. Maya-maya pa ay bumukas ang pintuan.

"Ate Neneng, what's with the hoot? It's too early."

Dinig ko ang inaantok na boses ni Chella sa pagrereklamo kay Neneng.

"Naku, alas sais na kaya. Bibitak na ang mga ngipin ninyo tulog pa rin kayo. Mag-impake kayo. Bilis!"

Matinis ang boses nitong utos.

Ano na naman ang problema nitong chimay na 'to? Kay aga-aga, nambubulabog. Akala mo nanay kung manghimasok sa kwarto naming magkapatid.

"Why? This room is paid for six months, pinapalayas na ba kami?" Pagtatanong ng kapatid ko.

"Hinde! Baka kasi gusto niyo munang magbakasyon kaya ako nandito para yayain kayo. Sige na, partakan yu!" She said with some sort of unfamiliar words.

Maybe her dialect.

"Sabi ko, bilisan ninyo. Arylle! Bangon!"

Niyugyog ako nito at magpasalamat na lamang siya dahil wala sa kondisyon ang katawan ko ngayon dahil sa insomnia kundi ipapadala ko sa hospital ito ng ganito kaaga.

Imperfect Hearts [On Going]Where stories live. Discover now