VII

15 4 0
                                    

Umiwas si Maze sa karwaheng muntikan na siyang sagasaan. A lot of people are here and it's too hard to move without having a physical contact to someone.

"Tumabi ka kasi, binibini!" Galit na sigaw ng nagpapaandar sa karwahe.

Imbes na magalit ay nginitian lang siya ni Maze, siya dapat ang mag adjust at hindi ang mga tao rito. She can see a lot of poor people in the street, mga batang pasimpleng nagnanakaw sa mga tindahan ng ibang mga tao na parang hindi pa sila nakakain ng ilang buwan.

What happened? She thought that all of the people here are not that struggling to survive since it is a magical world that is nothing is impossible.

She's still wearing a cloak for some reasons, may nagbago sa kaniyang pisikal na anyo. And it's surprising for her.

Sa kaniyang paglalakad ay may bumanggang isang maliit na bata sa kaniya, the child fell on his butt, agad na nanubig ang mga mata nito nang pati ang mga palad ay nagasgasan.

It looks like a homeless child.

Maze frowned, yumuko siya at pinantayan ang taas ng bata. The kid is so cute but he's stink.

Iiyak sana ang bata nang bigla na lamang niyang masilayan ang magandang mukha ni Maze, napakurap ito at bigla-bigla na lamang namula ang buong mukha.

Maze who saw his face turning red, panicked, what's this? Nilagnat ba ang bata nang makita siya? Sabi na at hindi talaga nagdala ng magandang dulot ang biglaang pagbabago ng kaniyang anyo.

Mayroon pang natakot na bata kaya't sa sobrang takot ay nilagnat ito.

She don't know what to do, natuod ito sa kinatatayuan at bigla na lamang nanubig ang mata at imbes na ang bata ang umiyak ay siya naman ang umiyak.

Nagpapanik siyang tumayo. "O-oh my goodness, what to do? I.. i'm sorry, kid. Masama ba ang pakiramdam mo? Where the hell is the hospital?!" She grabbed a random person.

Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat. "Miss, where's the hospital? Pa.. paano- i mean saan- argh, paano gamutin ang batang 'to?!" She pointed the kid who's confuse at her action, her eyes glistened because of the tears. Her nose became fluffy and red.

Nagtaka naman ang babae sa inasal niya. Kitang-kita niya ang pagpapanik ni Maze. "Patawad ngunit hindi ko maintindihan ang iyong unang sinabi ngunit.. may sakit ba ang batang iyan kaya't nagtatanong ka kung paano ito gamutin?"

Hindi naman alam ni Maze kung saan titingin. "Yes-I mean, oo! Mayroon bang malapit na pagamutan dito? Pa-paano.." She suddenly stopped talking when she was overwhelmed by her emotions.

Hindi niya mawari kung tama pa ba ang desisyon niyang pumunta sa mundong ito, it's her first time to encounter a sick kid. Wala naman kasi siyang kapatid kaya't hindi niya alam ang gagawin.

"B-binibini! Bakit ka lumuluha? Wala namang sakit ang batang ito!" Saad ng babae nang hawakan niya sa noo ang batang lalaki.

Suminghot si Maze at natigil siya sa pagluha, napatingin siya sa batang lalaki na inosente siyang tinitignan. Binalik niya ang tingin sa babae.

"Pero bakit siya namumula kanina? Hindi ba't ganoon ang mga may sakit?" Her face is flushed whenever she's sick at aalagaan naman siya ng kaniyang nanny noon kaya't wala talaga siyang alam sa panggagamot.

When her guardian died, kapag nagkakasakit siya ay pumupunta lamang siya sa hospital at doon na siya magpapagaling, pero ngayong nandito na siya hindi pa pamilyar na mundo, hindi na niya alam ang gagawin.

Biglang tumawa ang babae sa kaniyang harapan. "Nagkakamali ka, binibini. Namumula siya dahil nakakita siya ng isang magandang dilag."

Pinunasan ni Maze ang pisngi. "What do you mean 'magandang dilag'? Hindi ba nakakatakot ang itsura ko?"

Umiling ang babae at taka siyang tinitigan. "Bakit mo naman iyan naisip, binibini? Ikaw pa lamang binibini ang nakita kong biniyayaan ng napakagandang mukha. Napakaganda rin ng iyong buhok at natatangi ito sa lahat, patawad, binibini. Ngunit kakailanganin ko ng umalis sapagkat marami pa akong gagawin, paalam."

Maze was stunned. Liningon niya ang batang nakatingin pa rin sa kaniya hanggang ngayon.

"Hindi ba nakakatakot ang itsura ko, bata?"

Umiling naman ang bata at namula na naman ang mukha. Umawang ang bibig ni Maze sa napagtanto at natawa na lamang sa sariling katangahan.

"I never thought that I will cry just because of my stupidity. Anyway.." She wiped her tearstained face and picked up the child in her arms, magaan lamang ang batang lalaki at maliit lang ito kaya't agaran niya itong nabuhat.

She never remove her cloak, afraid of getting all the attention.

She cough. "I'll gonna treat your wounds. So don't be afraid of me, yeah?"

Hindi naman alam ng bata kung sasagot ba o hindi. He never understood her words. Maze closed her eyes in realization before sighing. She suddenly became stupid.

"SO, what's your name- I mean.. Ano ang pangalan mo?" She asked while staring at the cute kid sitting opposite her.

The kid fidgets his fingers and said with a flushed face. Napapangiwi na lamang si Maze sa nakikita, the blush on the kid's face never vanished.

"Y-yeti ang aking ngalan, binibini."

His cute voice made Maze smile, she can't help but to pat his head. "Heto, Yeti. Sa iyo na ito at umuwi ka na, okay? It's already evening, anyway. Baka akusahan pa ako na kinidnap kita." Inabutan niya ang bata ng dalawang baryang ginto.

It's a pure gold coin that is made from gold. It was from her guardians, sa katunayan ay napakarami ng mga ito, they believe that one day, she will go to the world where she is now currently.

At nagpapalit pa siya, naghanap siya ng ilang tao na nagbebenta ng mga ginto kapalit ng ilang milyong dolyar. Hindi naman niya rin magagamit ang dolyar sa mundong 'to. Kaya bago siya dumaong sa barko, inasikaso na muna lahat ng maaari niyang dalhin.

Ang dalawang gintong kaniyang ibinigay sa bata ay malaki na ang halaga, bawat isang ginto ay isang libo namang pilak ang katumbas, bawat isang pilak ay isang daang tanso naman.

Kaya siguradong giginhawa kahit papaano ang buhay ng kung sino kahit ilan lamang ginto ang nasa sa kanila.

Hindi mapigilan ng bata ang manlaki ang mga mata. Napakurap ito at hindi alam kung paano hawakan ng mabuti ang mga ginto.

"H-hindi ko matatanggap-,"

"Kapag hindi mo 'yan tinanggap ay habang buhay akong kakainin ng konsensya, It was a pay for accidentally injuring you, kid. And also, you stink, sa palagay ko ay kakailanganin mo ng maayos na pagligo dahil-." Napaikot ng mata si Maze at napailing sa sinasabi.

"What am I even saying.. Basta, tanggapin mo 'yan at aalis na ako, Adiós. Donec te iterum videam." Kumaway siya sa bata at mabilis itong iniwan sa tabi.

Alam naman siguro ng bata kung saan uuwi at paano, hindi ba? Napakibit balikat na lang siya at nag-umpisa na sa kaniyang unang plano.

The first plan that she planned many years ago. The plan she hopes to succeed.



Merciless' Vice VersaWhere stories live. Discover now