V

9 6 0
                                    

Makakapal na alon ang kanilang nakakasugapa, bawat alon ay ang pag-alon na rin ng maliit na bangkang kanilang sinasakyan.

Mahigpit ang hawak ni Maze sa gilid ng bangka habang pinipilit na balansahin ang sarili. Baka nga isang tulak na lamang ay maaanod na sila.

Lumamlam naman ang mga mata ni Maze habang nagtitimpi sa kaniyang kinauupuan. Yumuko siya para iwasan ang pagtama ng ulan sa kaniyang mukha. She can't breathe when the rainwater is hitting her face.

"Pasensiya, Miss Maze. Hindi ko naman alam na uulan pala ngayon at kung alam ko lamang ay hindi na ako pumayag pang dumaong tayo ngayong oras na ito." Nakangiwing pasensiya ni Hudyi kay Maze na kanina pa walang kibo nang magsimulang umulan.

That's why Maze never like rain, she likes sunshine the most. Kapag kasi may plano si Maze ay lagi na lamang hindi iyon natutuloy dahil sa ulan.

Basang-basa ang buong katawan ni Maze at tumatakip naman sa kaniyang mukha ang kaniyang buhok.

Tinaas niya ang mukha at pilit na ngumiti. "It's fine. Malapit na ba, sir Hudyi?"

Tumingin sa may kalayuan si Hudyi kahit na hindi nakikita ang kanilang dinadaanan bago nagsalita gamit ang pagod na boses.

"Pasensiya ulit, Miss Maze. Ilang minuto pa bago tayo makakarating siguro ay mga trenta pang minuto."

Tumango na lamang si Maze at yumuko ulit, her grip on the small boat was so tight as if she's afraid of falling. This is really annoying. Mukha lang saglit ang 30 minutes pero sobrang tagal na sa personal.

Napahinga siya ng malalim at sinamaan ng tingin ang kalangitan. As if the clouds felt her piercing glare, ang isang malakas na ulan ay bigla na lamang humina ang buhos.

Napabuga ng hangin si Maze sa nakita, hindi nakangiting pinunasan niya ang mukha gamit ang likod ng kaniyang palad at kasunod ay hinawakan naman niya ang tubig sa dagat.

Nakita ni Hudyi ang kaniyang ginawa, the big waves that they're struggling to fight earlier suddenly slowly vanished.

Liningon ni Hudyi si Maze ngunit bigla niyang nakita ang masama nitong tingin. He was quite shock as he said.

"Are you.. okay?"

Iniwas ni Maze ang tingin sa kaniya bago inipitan ang buhok kahit na basa ito. Her eyes held no emotion as if she's really pissed and annoyed.

"I'm sorry for acting this way, Sir Hudyi. Nataliman pa kita ng tingin. I just really.. don't like the rain preventing me from breathing. Halos lahat ng tubig na inilalabas niya ay tumatama sa aking mukha at napupunta iyon sa aking ilong, who likes that?" She throw a tantrum.

Napakurap naman si Hudyi sa kaniyang inasta before laughing. Now, she looks really immature. Namumula ang pisngi nito dahil sa lamig at nakakunot ang noo habang nakasimangot ang labi.

Matapos tumawa ay nagtanong naman si Hudyi. "Are you a water mage and weather manipulator?"

Maze mentally scoffed, naiirita na talaga siya sa nangyayari. She's trying to hide her power and now it's exposed.

"I am a water mage but I am not a Weather manipulator. I did not stop the rain, but I stop the waves. Namana ko sa aking ina ang Elemento ng tubig." She said in serious voice, wala siya sa mood makipaglokohan.

Tumango-tango si Hudyi at pinagpatuloy ang pagsagwan. Their ride is now smooth, mabilis na rin ang pag andar ng bangka dahil kakaunti na lamang ang alon na kanilang nadadaanan.

They're in the middle of an ocean, and if Maze is an ordinary human, she will feel scared earlier when raining, sino bang matinong tao ang hindi matatakot kung nasa gitna ka ng karagatan habang bumubuhos ang ulan at isabay mo pang napakaliit lamang ng bangkang kanilang sinasakyan?

Matapos nilang dumaong mula sa unang isla, kakailanganin pa nilang sumakay ng isang bangka upang tuluyan ng makapunta sa tahanan ni Hudyi. That's why she's here.

Umaambon pa at humahangin pero hindi na katulad ng kanina na sobra talaga ang lakas ng ulan. Mukha na silang hinihele ng hangin at alon dahil sa malakas na ugong ng bangka na kahit anong oras ay maaari ng tumaob.

A dozen of minutes had passed, at may natatanaw na si Maze na isang maliit na isla. On top of that is a house that seems like Hudyi's house.

"Narito na tayo, Miss Maze."

Sumagwan lamang ng kakaunti si Hudyi at tuluyan na ngang nadumaong ang maliit nilang bangka. Bumaba sila at naglakad palapit sa bahay.

Malaki laki ang tahanang iyon, at gawa ito sa mayayanang materyales na talagang mahirap tibagin ng kahit anong bagay.

Nang makapasok ay agad siyang binigyan ng twalya ni Hudyi. Isang magandang tahanan ang bahay ni Hudyi, it really looks like a warm home in the Middle of the island.

"Wala ka pang kinakasama, Sir Hudyi? This house looks like a family house." Komento ni Maze at umupo sa isang upuan.

Inabutan siya ng isang pares ng damit na hindi naman mukhang pambabae. It is a panjama and a big shirt. But a woman can wear it. Pinasalamatan siya ni Maze.

"It's mine, Miss Maze. Sorry, I don't have any Female Clothing that you can wear. Hindi mo naman din maaaring suotin ang iyong dala dahil sigurado akong basang-basa ito."

Maze smiled warmly, her eyes turned crescent. "Thank you for this, Sir Hudyi."

Pumasok na si Maze sa banyo upang magpalit, kalabas ay nakita niya si Hudyi na may linapag na dalawang tasa sa isang mini table sa salas.

"You can drink this to stay warm, Miss Maze."

Hindi umiinom ng kape si Maze pero hindi na siya nagreklamo pa at ininom na lamang iyon, she sat on the sofa with a comforter covering her.

Magulo pa ang basang buhok dahil hindi pa ito nasusuklayan.

Nagsalita si Hudyi nang biglang may maalala. He smiled a little after drinking a coffee.

"To answer your question earlier, I am too young to have a family on my own. At wala pa sa isip ko ang maghanap ng kabiyak dahil hindi ko pa nagagawa ang aking mga gusto." Saad niya habang nakangiti kay Maze.

His smile seems strange, but Maze did not pay any attention to it anymore. Tumango-tango si Maze na parang naiintindihan niya talaga ang sinabi ni Hudyi.

Well, Hudyi is young, Maybe 25 years old, but in his age, pwede na siyang mag-asawa kung gugustuhin niya.

"Ilang taong gulang ka nang dalhin mo sa mundo ng mga mortal si Chairman Yel, Sir Hudyi?"

Maliit na ngiti ang iginawad ni Hudyi kay Maze bago nagsalita. "Ang naaalala ko ay disi otso anyos lamang ako noon noong una kong ginawa ang portal na iyon. Hindi ko naman inaasahan na magagawa ko nga kaya't magmula noon ay pinagbutihin ko pa ang paggawa ko ng mga portal patungo sa iba't ibang lugar."

Uminom si Maze ng kape bago siya ngumiti. "Gabi na, Sir Hudyi. Mayroon ba akong lugar na pwede kong tulugan?"

"Ah, syempre naman, tara at dadalhin kita doon."

Sa gabing iyon, nagising si Maze mula sa mahimbing na pagkakatulog.

Merciless' Vice VersaWhere stories live. Discover now